Kabanata 16: Black Cat

1 2 0
                                    

Matt's PoV

"Barreda, Donnalyn", pagtawag ni Doc A, ang professor namin sa Plant Physiology. Si Donna kasi ang closest friend ni Nicole sa aming grupo kaya siya ang isa sa pinaka-affected sa aming klase.

"Present Doc!", magalang at nakangiti nitong tugon. Ngunit mabilis ding napawi ang ngiti nito ng magawi ang tingin sa upuan ni Nicole. Isang araw pa lang kasi ang nakalilipas ng natagpuan itong patay ni Raphaelle sa CR ng hotel room kung saan kami ng overnight ng barkada. Kahit ako man ay hindi pa rin maiwaglit sa isipan ang karumal-dumal na sinapit nito, laslas ang leeg, mulat ang mata at naliligo sa sariling dugo. Oo alam naming may pagkamaldita ito, pero hindi naman sapat iyon na rason para sapitin niya ang ganuong bagay. Napakaraming tanong ngayon ang gumugulo sa aking isipan tulad ng ano ang motibo ng pagpatay at sino ang pumatay rito. Ngunit ang mas lalong nagpapagulo sa aking isipan ay ang nakasulat sa papel na nakuha ni Raphaelle sa kamay ni Nicole. Kung paano ko nalaman ang tungkol sa papel ay hindi ko kayang ipaliwanag at maging ang tamang salita at hindi ko rin batid.

Flashback >>

Naalimpungatan ako bandang alas tres ng umaga dahil sa malalakas na pagkatok sa pintuan ng hotel room na nirentahan ng barkada for overnight. Maging sina Kent, Neil, Francois, at Alex ay nagising na rin. Pupungas-pungas ang mata kong tinungo ang seradora ng pinto at kaagad na pinagbinuksan. Iniluwa nito si Diane na umiiyak, at nanginginig. Bakas sa mukha nito ang matinding takot na ngayon ko lang nakita.

"S-Si Ni...Ni-Nicole", nauutal nitong baling sa akin. Wala sa sariling niyakap ko ito at doon na bumuhos ang mga luha nito.

"Anong meron kay Nicole", diretsahan kong tanong ng mahimasmasan ito.

"Si Nicole...p-patay na siya", mahina nitong sambit. Hindi ko napansin na sinundan pala ako ng apat. Hindi pa man lubos na nagsi-sink sa akin ang sinabi ni Diane ay kaagad naming tinungo sa silid ng girls, kasunod sina Kent, Neil, Alex at Francois.

Pagpasok namin sa loob ay naabutan namin ang ilang staff ng hotel na pinapakalma si Raphaelle na takot na takot, habang ang iba naman ay tahimik na nakamasid sa CR.

"Guys, hindi ako ang pumatay sa kanya. Maniwala kayo sa akin", bulalas na sambit ni Raphaelle ng mapansin ang pagdating namin. Mabilis naman siyang pinakalma ni Kent at pagkuway niyakap.

"Sshh. No one here's blaming you Rafa", pagpapakalma ni Kent rito. Sa sobrang sincere ng pagkakasabi niya ay tila hindi ito ang Kent na kilala ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang mga pulis at ang owner ng hotel.

"Everyone please calm down", maotoridad na sambit ng isang matandang pulis. Ang mga kasamahan naman nito ay isa-isang ininspeksiyon ang loob C.R.

"This room was rented by these gals", tugon ng may-ari ng hotel na si Don Flavio matapos tanungin ng babaeng pulis.

"Okay guys kailangan ko kayong kuhanan ng statement dahil lahat kayo ay major suspect sa pagkamatay ni Ms. Nicole Cortez", mahabang litanya nito sa amin.

Makalipas ang kalahating oras ng pagkuha sa aming statement ay isa-isa kaming pinapunta sa isang bakanteng room ng hotel na sa wari ko ay ang pantry dito sa ground floor.

"Guys tatapatin ko na kayo. Wala kaming nakitang finger prints bukod sa mismong namatay sa crime scene. At nakita namin ito sa flush ng toilet bowl ng room niyo girls", panimula ng isang pulis sabay pakita ng isang bagong lansetta base na rin hitsura nito.

BEHEMOTH Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin