Prologo

175 49 120
                                    

Author's Note: Expect the story to have grammatical errors and spelling. I'm sorry, but I haven't finished editing this yet; still, thank you for taking the time to read my story. When I have extra time, I will revise this. Read, vote, or give a comment (it's up to you, beshy!)


FWM: PROLOGUE EDITED(N) | THEIR DEATHS


5 years ago..


"Oh, Madam and Sir, andito na po pala kayo." Sabi ng aming kasambahay sabay punas ng kaniyang basang kamay sa dala-dala niyang pamunas. 


"Kami na lamang ba ang hinihintay?" tanong ko. Naunang maglakad si Kuya sa akin pagkatapos kinuha ang aming mga dala-dalang pang-eskwela ni Yhaera.


"Ay, Madam, opo. Nauna na po kasi sila dahil maagang nakapunta roon ang kapatid ni Madam Yhania." 


"Opo, Madam. Naayos na po namin ang mga inyong damit pangalis. Sinabihan na po kami ng mga magulang niyo kagabi kung ano ang mga inyong sosootin para sa araw na ito."


"Huwag din daw po kayo magmadali masyado dahil kakaalis lamang po nila." Sunod-sunod na sabi ng aming mga kasambahay rito sa bahay namin. Hindi mo naman ito matatawag na palasyo o castilyo. Talagang malawak ito para magkaroon kami ng higit sa limang kasambahay ngunit hindi lalagpas sa dalawampu. 


Hindi ganoon karami ang aming mga kasambahay dahil kahit papaano ay kami ang gumagawa sa mga kaya naming gawin dito, hindi rin kasi kami pinalaking spoiled brat o ano pa naman. Mas mabuting hindi kami gano'n kung hindi ay pingot at kurot ang maaabot namin kay Mama at sermon ang kay Daddy dahil hindi kami katulad nila.


"Akyat na po kami."


Walang ibang ginawa ang mga sumagot sa amin kung hindi busugin ang aming mga tenga sa kanilang mabulaklaking salita kung gaano kami kaperpekto.. ngunit hindi naman kami masyadong perpekto.


Umakyat na kami papunta sa aming mga kuwarto. Magkakakatabi lamang ang mga iyon at sa harap no'n ay ang mga kuwarto ng aming mga magulang at ang kanilang mga kapatid. Sadyang mas malaki ng kaunti ang kina Mama at Daddy dahil si Daddy ang panganay sa kanilang magkakapatid. Nakapangalan ito sa panganay ng Gauss kaya ganoon.


"Both of you should be downstairs before I do." Sabi ni Kuya noong binuksan niya ang pintuan at kalahating katawan ang kita namin, tumingin pa siya sa kaniyang relo.


"Eh? Ang bilis mo kaya-" hindi na niya ako pinatapos pa at pumasok na siya sa kaniyang kuwarto at sinarado ang pintuan na para bang ayaw niya talaga marinig ang aking sasabihin.


"Maligo na tayo, Ate. Baka hindi na naman tayo tatantanan ni Kuya sa pagkatok."


Tumango na lamang ako, nakakairita pa naman ang pagkatok ni Kuya. Lalo na kapag ginigising kami para magayos na sa tuwing may klase kami.


Ang isang mahabang damit na puti na mayroong simple ngunit magandang itsura na nakalatag sa kama ko. Masasabi kong sakto lamang ang pagpapakita ng aking balat kapag nasoot ko ito.

Fight With Me • On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon