Chapter 27

887 17 0
                                    

Lucas's POV

5years ago...

Naglalakad na kami ngayon papunta sa next subject namin. Nahatid ko na sa classroom nila si Sam. Kasama ko ang grupo ngayon at as usual, tumitingin na naman ang mga babae samin.

Sorry girls, I already have!

Pagpasok namin sa loob ng classroom ay nag-uusap ang iba naming mga kaklase.

"Oy beh? May SD Card kana?"

"Wala pa nga eh,"

"Pano yan? Ngayon na yung presentation sa project natin diba?"

What the fuck?!

Yung SD Card ko pala nakalimutan ko sa kotse ko. Shet! Tumayo ako bigla dahil sa narinig ko. Ngayon nga pala yung presentation para sa project namin.

"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Ashton sakin.

"Nakalimutan ko yung SD Card ko sa sasakyan. Babalikan ko lang! Alam mo na sasabihin kay Prof." Sabi ko. Hindi ko na siya hinintay na makasagot at nagmadali na akong lumabas. Malilintikan ako kay Sam kapag hindi ko na present yun. Pinaghirapan pa naman niya akong tulungan para dun.

Lakad, takbo na yung ginawa ko makaabot lang sa parking lot. Pinagtitinginan na ako ng ibang studyante dahil sa pagmamadali ko. May iba namang babae na akmang lalapit sakin pero hindi magawa dahil sa pagmamadali ko. Alam na kasi nila na kapag nagmamadali na ako at mang-iisturbo pa sila, may kalalagyan sila sakin.

Pagdating ko sa parking lot ay hinihingal pa ako. Hinanap ko yung kotse ko at mabuti nalang di kalayuan ko siya pinarking. Kinuha ko ang susi ko at pinindot yun para bumukas. Pumasok ako sa loob nagpahinga ako ng mga 10seconds dahil hinihingal pa ako. Hindi ako masyadong makahinga.

10...

9...

8...

7...

6...

5...

4...

3...

2...

1...

Bumuntong-hininga muna ako bago ako nagsimulang maghanap. Inuna ko sa dashboard at pagtingin ko wala akong nakita. Tiningnan ko naman sa parang cabinet paharap sa upuan ng frontseat wala akong nakita pagbukas. Tiningan ko sa baba, sa gilid wala akong makita. Nagsimula na akong mataranta. Tiningnan ko ang oras may 20minutes pa ako. Naghalungkay ako ng naghalungkay pero wala talaga akong makita.

Shit!

Baka hindi ko ma-present yun, patay ako kay Sam! Pinaghirapan namin yun hindi pwedeng mawala ng ganun lang. Nagsimula na akong kabahan, hindi ko naman siguro naiwan sa bahay yun. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mommy.

"Hello, anak?"

"Mom? Can you please, look an SD Card in my room? I forgot where did I put it." Sabi ko. Natataranta na ako, baka hindi na talaga ako maka abot.

"Oh, okay. Wait a sec." sabi niya. Narinig ko naman siyang naglakad papunta sa kwarto ko. Ginala ko naman ang mata ko sa paligid ng kotse ko. Shet! Baka hindi talaga ako maka aabot nito. Tiningnan ko ang relo ko kung ilang oras nalang, 10minutes left. Tangina naman! San ko ba kasi nilagay yun? Bwesit naman oh! Kung kailan, kailangang-kailangan ko tsaka pa mawawala. Hindi nagsalita si Mommy ng ilang segundo, siguro hinahanap yung SD Card sa kwarto. I'm sure hindi ko naiwan sa kwarto ko yun eh. Nadala ko yun! Pero, tangina! Asan??!

When a playboy fall inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon