SPECIAL CHAPTER 02

Start from the beginning
                                    

"Ahhh-ray! J-jungkook!" Gusto ko siyang lapitan pero hindi na ako makagalaw sa pwesto ko dahil sa sakit. At wala pa ding ginagawa ang BTS dahil mukhang wala pa din sila sa sarili nila.

"TANGINA! MANGANGANAK AKO! MAGSIGISING KAYO-AHHHHHH!!!!!!"

"AHHHHHH!" Sabay sabay na sigaw ni Jhope, RM, Jimin at si Taehyung. Habang si Jin at mukhang natauhan na.

Bigla nalang niyang sinapok ang apat na sumisigaw pa din kaya natahimik ito.

"V and Jimin, alalayan nyo si Rain palabas. Kailangan na natin siyang dalhin sa hospital. RM, Jhope, pagtulungan niyong buhatin si Jungkook. Ako na bahala sa dadaanan natin. Let's go."

Ngayon ko lang nakitang seryosong-seryoso si Jin maliban kapag nagpi-perform na sila. Bigla akong kinarga ni Jimin habang nakaalalay sa akin si V habang nauuna ng maglakad si Jin upang hawiin ang taong nakaharang sa dadaanan namin. Napasulyap naman ako kina Jungkook at hindi maiwasang mag-alala sa kalagayan niya. Si Jhope ay nakahawak sa ulo niya at si RM naman sa paa at sabay nila itong inangat para makarga nila si Jungkook palabas.

Muli ako sumigaw ng malakas ng isang malakas na paghilab na naman ang naramdaman ko mula sa aking tiyan. 'Baby please, behave ka muna, wag mo munang pahirapan si Momma'.

Hindi ko na alam kung paano kaming nakaalis sa concert venue, nakasakay sa kotse, nakapagbyahe at nakarating sa hospital. Tanging sakit at malalakas lang na sigaw ang naka-rehistro sa utak ko. Nalaman ko nalang na nasa hospital na pala kami at sakay-sakay na ako sa isang stretcher. At mukhang nagkamalay na din si Jungkook dahil nakita ang mukha niyang punong-puno ng pag-aalala sa akin. Napatingin ako sa gilid ng ulo niya. Mayroon doong malaking bukol na sanhi ng pagkakahandusay niya kanina.

"Jagi, kaya mo 'yan. Mahal na mahal kita...." Hinalikan niya ako sa gilid ng noo bago pa man ako tuluyang ipasok sa ICU.




_________________________________





Hindi ako mapakali habang naghihintay sa labas ng ICU, palakad-lakad ako, uupo tapos tatayo, tas muli na namang maglalakad ng pabalik-balik. Tinawagan ko na din ang mga pamilya namin ni Rain para ipaalam ang nangyayari at nagsabi silang papunta na sila dito. Minsan ko ng pinangarap 'to pero hindi ko inakalang ganito pala ito nakakakaba at nakakakatakot. Pakiramdam ko nga ay maiihi na ako sa pantalon ko sa sobra-sobra at halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

Akala ko nakaka-excite na mapunta sa ganitong sitwasyon kaya ang laki ng panghihinayang kong wala ako sa tabi ni Rain nung pinapanganak niya si JC. Pero tangina, nakakalambot pala ng tuhod. Lalo na nung makita ko ang sakit na bumabalatay sa mukha ni Rain at sa boses siya kapag sumisigaw. Ayoko ng maranasan ulit 'yun. Makokontento na ako sa dalawa. Ayokong makitang masasaktan na naman ng ganito si Rain. Hindi ko na kaya.

"Ahh...J-jungkook...w-wag kang mag-alala. K-kaya 'yon ni Rain..." Nauutal na sambit ni RM hyung.

Kinakabahan man ay hindi ko mapigilang matawa sa mga itsura nila. Putlang-putla at tila konting tulak lang ay matutumba na sila dahil sa panginginig ng mga tuhod nila. Parang sila yung tatay kung maka-react sila. Pero mabuti na din 'yun, may advance experience na sila kapag naging tatay na sila.

"Bakit ka tumatawa?" Yamot na tanong ni Jimin.

"Yung mukha niyo kasi e, hahaha, parang binabad sa suka." Hindi ko mapigilang tumawa.

"Kung makatawa ka, ganun ka din naman e." Sabat ni Jhope-hyung.

"Bakit parang galit ka?" Nagtatakang tanong ko.

"Kasi gago ka, bakit ka pa nahimatay kanina e ang bigat-bigat mo!" Parang may pinanghuhugutang galit na sabi ni Jhope-hyung.

"Pasensya naman. Masyado akong na-overwhelm e."

"Overwhelm. Pinasosyal mo pa e kinabahan ka lang talaga." Nang-aasar na singit ni Suga-hyung.

"Eh, kinabahan din naman kayo ah." Depensa ko.

"Atleast may nagawa ako. Kumusta ka naman, nahimatay ka na lang kanina tapos nagpabuhat ka pa. Walang silbi." pagpaparinig pa ni Suga-hyung.

"Uy, may silbi ako. Ako kaya umalalay kay Rain." Singit ni Taehyung. Akala niya siguro siya ang tinutukoy ni Suga-hyung. Masyado naman siyang guilty.

"Kung makapagsalita ka ah, parang ang laki ng maitulong ng pag-alalay mo. Kumusta naman akong nagbuhat sa kanya." Pagkontra ni Jimin kay Taehyung.

"Teka nga, bakit parang nanunumbat kayo?" Hindi ko mapigilang sabihin.

"Tumigil na nga lang kayo. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito kasi ang iingay natin." Pagsasaway ni RM-hyung

Agad kong tiningnan ang paligid at nakitang pinagtitinginan nga kami. Bigla tuloy akong nahiya at tumahimik nalang. Ganundin naman ang ginawa ng iba.

"Siyanga pala, natawagan mo na ba ang pamilya mo pati ni Rain? Si JC? Siguradong matutuwa 'yun kapag nalamang lalabas na ang kapatid niya." Inayos ni RM-hyung ang damit dahil lukot na lukot ito na parang ginahasa.

"Natawagan ko na kanina. Papunta na sila dito."

Hindi ko alam kung ilang minuto o baka oras na nga kaming naghihintay sa labas ng ICU. Dumating nalang ang pamilya namin ni Rain pero hindi pa din lumalabas ang doctor. Nagsimula na akong kabahan. May nangyayari bang masama? Bakit ang tagal nila.

Pero nasagot ang mga tanong kong iyon ng lumabas na ang doctor ng nakangiti. Nauna akong lumapit sa kaniya at nagsi-sunuran naman ang mga myembro at ang mga pamilya namin ni Rain.

"Congratulations Mr. Jeon. It's a healthy baby girl." Masayang balita ng doctor at agad ding nagpaalam na umalis.

Biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. It's a girl! Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon at alam kung ganun din ang mga kasama ko.

"Baby Girl!/Babae?" Sabay-sabay na sigawan nila.

I can't wait to see her and hold her. It's a baby girl, then, Crystal Snow...




Welcome to the world baby Crystal Snow Jeon...








~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~










END OF SPECIAL CHAPTER 02🧚

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now