SPECIAL CHAPTER 01

Start from the beginning
                                    

"Ano daw?" Pagbabasag ni Jin sa katahimikang namamayani sa kanila.

"JC daw...tapos anak niya daw..." Wala sa sariling sagot ni Jimin at nanatili ang tingin sa batang ngayon ay karga-karga ni Jungkook.

"Wow! So anak mo pala siya? Ikaw pala ang tunay na ama ni JC. So ano niya si Rain? Yaya?" Excited na bulalas ni Taehyung.

"Anong yaya? Siya ang nanay ng anak ko!" Sikmat ni Jungkook.

"Sinong Rain?/Teka, sinong Rain?/Who's Rain?" Iba-ibang tanong ng mga miyembro matapos makarinig ng isang hindi pamilyar na pangalan.

"Si Rain po ang Momma ko..." Mahinang saad ni JC na tila nahihiya pa.

Dahil sa pagsasalita ni JC ay tila natauhan ang mga miyembro ng BTS.

"Hala, ang kyut!" Bulalas ni Jhope sabay lapit kay JC.

"Kamukha mo Jungkook." Komento naman ni Suga.

"Gusto ko na din ng anak." Hindi napigilang saad ni Jin.

"Bakit ngayon mo lang pinaalam JK?" Seryosong tanong ni RM. Syempre, maselang bagay ang pagkakaroon bigla ng anak ni Jungkook. Paanong nangyaring naitago niya ito ng matagal sa kanila?

"I also just learned about it recently..." Kibit-balikat na tugon ni Jungkook.

"Recently? Anong ibig mong sabihin?" Singit ni Jimin sa pag-uusap nila.

"You already knew of me having a girlfriend before but she left right? Umalis siyang dala-dala si JC sa sinapupunan niya at wala siyang balak na ipaalam sa akin. But recently, she came back here in Korea at nagkaharap kami. And then I learnt about JC." Mahabang paliwanag ni Jungkook.

"Oo yun, andun ako nung time na yun." Proud na singit ni Taehyung.

"Anong mangyayari sa inyo? Magpapakasal ba kayo ng nanay niya?" Tanong ni Suga na pirmi pa ding nakaupo sa pwesto niya dati.

"Hell no! Galit ako sa kanya." Mabilis na sagot ni Jungkook.

"Hala, sa akin nalang si Rain kung hindi naman pala kayo magpapakasal." Masayang saad ni Taehyung. Simula kasi nung unang-una niyang makita si Rain sa grocery store ay nagka-crush na siya dito. Simple lang kasi pero magandang-maganda itong tingnan.

"HINDI PWEDE!" Nagulat ang lahat ng biglang sumigaw si Jungkook. Maging si JC ay napaigtad gulat dahil sa reaksyon ng ama.

Kinabahan naman si Taehyung sa nakitang reaksyon ni Jungkook. Mukha atang mali ang sinabi nitong galit ito sa babae. Buti nalang at crush pa lang ang nararamdaman ukol sa dalaga kaya safe pa ang puso niya.

"J-joke lang Jungkookie, hehe..." At nag v-sign pa siya.

"Galit pala ha..." Hindi mapigilang komento ni Jimin at napapatawa pa. Pero agad itong nawala ng tingnan siya ng masama ni Jungkook.

"Ahh, hello JC, ako nga pala si Uncle Jhope mo. Mga ka-member kami ng Daddy mo." Pambabasag ni Jhope sa katahimikan upang mawala na din ang awkwardness sa hangin.

"I know you po. I already saw you in TV. Ang galing niyo pong sumayaw." Ngumiti si JC sa kanya habang nasa mata nito ang pagkamangha sa kanya.

"Ako nga po pala si Justynn Cloud Park, JC nalang po. Magsi-six na po ako." And he showed his right hand and one finger on his left hand.

"Aww, ang cute mo, ako nga pala si Uncle Jimin." Pagpapakilala ni Jimin kay JC habang ngini-ngitian niya ito.

"Ang cute nyo din po lalo na kapag nagi-smile." Puri ni JC kay Jimin na ikina-pula ng pisngi ng huli.

"Hello JC, ako nga pala si Uncle Jin. Ang 'Worldwide Handsome'" at muling gumamit ng pogi-sign gesture si Jin habang nagpapakilala.

"Hello po. Ang gwapo niyo po." Likas na flatterer si JC na ikinatuwa naman ni Jin. Kinindatan ng huli si JC dahil natuwa ito sa tugon ng bata.

"Ako naman si Uncle RM o Uncle Joon. Masaya akong makilala ka Little Jungkook..." At ginulo ni RM ang buhok ni JC.

"Hello po Uncle Joon. Ang gwapo niyo din po."

"Hi. Ako si Uncle Suga." Tipid na pakilala ni Suga.

"Hello po. Ang galing niyo pong mag-rap pati na din po si Uncle Joon. Paturo po ako ah." Masayang saad ni JC at tila excited pa itong magpaturo.

"Hello baby JC! Naalala mo ako? Ako si Uncle--"

"Hello po Uncle Tae, ang gwapo niyo po." Pagpuputol ni JC sa sasabihin ni Taehyung.

"Awts, dali JC, nagluto si Uncle Suga ng masasarap na foods. Gusto mong kumain?" Kinuha ni Jhope si JC mula sa pagkakakarga ni Jungkook at agad din naman itong sumama sa kanya. Sa isip ni Jhope ay marahil ay mahilig itong kumain.

Nauna ng nagtungo sa hapag kainan sina Jhope at JC na sinundan din naman ng ibang miyembro. Naupo na sila sa mga upuan at nagkanya-kanya ng kuha ng pagkain. Nagpapalitan din sila ng usapan habang sumusubo. At dito nagtatapos ang nakakalulang pagpapakilala at nakakabaliw na reaksyon ng BTS patungkol kay JC na anak ni Jeon Jungkook.




~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~




END OF SPECIAL CHAPTER 01🧚

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now