SPECIAL CHAPTER 01

Start from the beginning
                                    

"Mukhang babae talaga ang ipapakilala sa atin ni Jungkook." Parang nanghihinayang na sabi ni Jhope at napahilamos na sa mukha dahil sa sobrang frustration.

"Teka nga, bakit ba alalang-alala kayo masyado kung ano o kung sino 'yang ipapakilalang 'someone special' ni Jungkook? Bakit hindi nalang kayo tumitig sa akin at i-appreciate ang kaguwapuhan ko?" At gumawa pa ng pogi gesture si Jin.

Iba-ibang reaksyon ang isinukli ng miyembro kay Jin. May ibang nandiri, may iba namang natawa at may ibang tila balewala lang ang sinabi niya.

"Kukuha lang ako ng tubig." Biglang tumayo si Jimin matapos marinig ang sinabi ni Jin.

"Sama ako." Agad na sumunod si Taehyung.

Si Jhope naman ay kinuha ang selpon at kinalikot ito habang si Suga ay nakitingin sa ginagawang pagkalikot ni Jhope sa selpon niya. Tanging si RM lamang ang naalis at natawa sa sinabing iyon ni Jin. Napalabi tuloy si Jin sa nakitang reaksyon ng mga miyembro niya.

"Hindi talaga kayo marunong sumuporta!" At inirapan nalang niya ang lahat at muling nilaro-laro si RJ na nasa kandungan niya.

Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa BTS ng basagin ito ng tunog ng doorbell. Agad na bumalik ang BTS sa dati nilang pwesto at si RM lang ang tumayo upang pagbuksan ang pinto. Kinakabahan sila habang naghihintay kay Jungkook na kasama ang 'someone special' niya.

"Hyung..." Bati ni Jungkook.

Pero wala sa kaniya ang atensyon ng lahat kung hindi sa kasama niya.

"Oh?!" Gulat na bulalas ni Taehyung at itinuro nito ang kasama ni Jungkook na ngayon ay nagtatago na sa likod niya.

"Kilala mo?" Tanong ni Jimin kay Taehyung.

"Ah, oo, siya si--"

"How dare you Kookie. Kailan ka pa naging pedophile?" Biglang bulalas ni Jhope na ikinatigil ni Taehyung sa pagsasalita.

"Ha? Anong pedophile?" Naguguluhang tanong ni Jungkook. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa myembro niya ta gulat na gulat na nakatingin sa kasama niya.

"Bakit mo jinowa 'yang batang 'yan? For God sake Kookie, ilang taon palang 'yan pero nakagawa na ng malaking kasalanan sa Diyos! At talagang lalaki pa!" Punong-puno ng damdamin na sigaw ni Jhope.

Pero nagulat siya ng bumulanghit ng tawa ang mga miyembro niya. Bigla tuloy siyang napaisip, 'may mali ba akong nasabi?'

"May nakain ka bang masama Hobi? Mukhang hindi ka ata natunawan ah." Natatawang komento ni Jin na tila nauubusan na ng hininga sa sobrang tawa.

"Bakit? May sinabi ba akong mali?" Inosenteng tanong ni Jhope.

"Inisip mo talagang karelasyon ni Jungkook ang batang 'yan? Ang lupit mo." Komento din ni Suga at napapailing pa.

"Talaga Jungkook? Hindi mo jowa ang batang 'yan?" Baling ni Jhope kay Jungkook na natatawa pa din.

Tanging iling lang ang itinugon ni Jungkook dahil hindi pa talaga siya tumitigil sa pagtawa.

"Pero Jungkookie, bakit dinala mo 'yan dito? Pinayagan ka na ng Momma niyan? At bakit sinabi mong 'someone special' mo siya?" Hindi na mapigilang sabat ni Taehyung matapos tumawa ng tumawa.

Ngumiti muna si Jungkook bago kinarga ang batang kasama nito at iniharap sa kanila.

"Hala, bakit mo kamukha Jungkook?" Gulat na tanong ni Jhope ng makita ang pagkakahawig ni Jungkook at ng maliit na batang lalaki.

"This is JC...and he is my son...my 'special someone'..." Pagpapakilala ni Jungkook sa batang kasama niya na anak niya pala.

Katahimikan at wala ni isa man ang umimik matapos ng sinabi ni Jungkook. Lahat sila ay gulat na gulat at tila hindi pa naka-rehistro sa mga utak nila ang tinuran ni Jungkook.

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now