Maaga akong ginising ni lola dahil nga aalis kami. Nadismaya naman ako nang makitang wala paring sulat sa kwarto ko.

I sighed. I just took my towel and do my routine. I wore my highwaist fitted jeans paired with my white crop top. I also wore my favorite white shoes.

"Miss xyrene, Hinihintay na po kayo ni Madam sa kotse." salubong sa akin ni yaya esmeralda pagkababa ko palang ng hagdan.

I nodded and followed what she said. Dumiretso ako sa kotse ni Lola. "Morning, Lola." I said and she smiled.

"Tara na apo?" She asked and I nodded. Inutusan naman niya ang driver na paandarin na ang sasakyan.

Habang ako naman ay kinukulit si Lola sa pagtatanong kung saan kami pupunta pero tanging ngiti lang ang isinasagot niya kaya tumahimik na lamang ako.

"Where's trevor? Hindi po ba natin sya kasama?" tanong ko kay lola nang maalala ko siya.

"Nako apo. Sa ganitong oras ay tulog pa yon. Hapon pa ang gising non." Natatawa niyang sagot.

Napatango naman ako sa sinabi ni lola kaya lang naman napapunta dito iyon dahil sembreak nila at dagdag problema lang daw kila tito Frank. Nakatatandang kapatid ni Daddy.

Napatingin ako sa labas ng sasakyan. Naroroon ang malalawak na bukirin at ang bahayan sa tabing ilog na syang pinuntahan namin noong nakaraan. Napadaan din kami sa lugar ng mga kabayo ni lola, Isang malawak na lupain iyon at mas nakaagaw pansin rin sakin ang mga magagandang bulaklak. Maraming klase iyon.


Pagkatapos ng ilang oras na biyahe ay biglang huminto ang sasakyan kaya napalingon naman ako sa labas.

"Nandito na tayo apo." Bigla sabi ni Lola.

Pinagbuksan sya ng driver nya at lumabas. Inayos ko naman muna ang mukha ko bago lumabas ng sasakyan.

Napanganga ako sa nakita ko. Isa itong eskwelahan na may tatlong palapag maganda ito pero di hamak na mas maganda ang paaralan sa manila.

"M-Magaaral na ulit ako lola?" hindi sumagot si lola sa halip ay ngumiti ito sa akin.

Pumasok kami sa loob at nakita ko ang karangyaan ng paaralang ito. May mga paintings ang hallway at ang bawat silid na madadaan mo ay masasabi mo talaga na matitino ang magaaral dahil sa sobrang linis nito. Wala kang makikita na kung ano anong nakasulat sa pader o sa upuan man.

Naglakad kami ni lola sa isang building na katapat ng pinasukan namin kanina. May tatlong building na mukhang mga classroom at meron ding cafeteria na bilang lang ang upuan at lamesa pero hindi mo maaakila na sobrang aliwalas ng lugar na 'to.

Sunundan ko lang ang bawat hakbang ni Lola hanggang sa pumasok kami sa isang silid na siguro ay Dean Office.

"Magaaral na ulit ako lola?" ulit kong tanong kay lola dahil hindi sinagot ang tanong ko kanina.

Ginaya ko naman ang ginawa niyang pagupo sa harap ng table na siguro ay syang Dean rito.

"Oo apo. Pansamatala ka munang magaaral dito habang di pa naayos ng tito frank mo ang problema sa company nyo." She said

May kumpanya nga pala na naiwan ang mga magulang ko. Ang alam ko ay simula nang nawala sila ay si tito ang namahal roon. Mabuti na lang at hindi ito pinapabayaan ni tito.

Kahit ayokong pasukin ang business ay wala akong choice dahil ang kompanya na lamang na iyon ang naiwang ala ala sa akin nila kaya hinding hindi ko iyon pababayan.


I will make them proud of me.

"Okay lang ba po na dito muna?malayo na kasi dito ang magagandang paaralan." tanong ni lola sakin.

"Ang mahalaga po mapagpatuloy ko pagaaral ko para sa kanila." napangiti si lola sa sinabi ko.

Sakto namang lumabas ang dean at pinagusapan nila ni lola ang tungkol sakin hindi ko na lang yon pinakinggan dahil wala naman akong pakealam.

"Ito Ms. Silvestria. Yan ang magiging section mo for this school year." sabi ni dean lucia sabay abot ng papel.

"Hanapin mo lang ang section na yan sa building two." dagdag pa nya.

"Thank you,dean." I said and she smiled.

Nagpaalam na rin si lola na aalis na kami. Nalaman ko na lang na magkakabata pala si lola at dean kaya ganon na lang sila kaclose sa isa't isa.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga buildings na narooon. Napahinga ako nang malalim nang may alaalang sumagi sa isip ko.

Dati rati ay kayo ang hatid at sundo nyo pa ako sa elementary school ko, Daddy. Dati rati ay ikaw Mommy ang nagdadala ng lunch namin ni kuya.

It's too sad to think that you'll never see me graduate and finish the course the you both want me to do.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now