Chapter 8

94 31 0
                                    

"Bakit ako magseselos? gusto ba kita?" huling sabi ni zaffiro at lumabas.

Naiwan naman akong tulala sa sinabi nya, nang-aasar lang ako pero bakit ang seryoso nya?

weirdo.

"Who's that?" hindi ko na namalayan na kausap ko si Xavier na inaakala nyang boyfriend ko.

"Kaibigan ko lang" i said.

Friends ba talaga kami? alangan naman kung sabihin ko sa kanya na crush ko yon baka marinig pa ako dito.

"By the way, kailangan nyo ko balak dalawin dito? miss ko na kayo" sabi ko sa kanya, hindi kaagad sya nakasagot dahil nagdidinner pa sya.

Nasa ibang bansa ang parents ni xavier kaya magisa lang sya sa condo nya. Kaya sya ang naiwan dito sa pilipinas para asikasuhin ang beach resort nila sa cavite. Sa aming tatlong magkakaibigan, sya ang pinakabusy at matalino. Hindi nakakasagabal sa pagaaral nya ang pagmamanage nya sa resort nila.

"Nextmonth siguro kapag bumisita dito si kuya trevor sasama kami."

"Pupunta sya dyan?" i asked.

"Yup, pinapaasikaso daw sa kanya ng daddy nya yung pagaaral nya sabi nya kaga-" hindi nya natapos ang sasabihin nya nang may pumasok sa kwarto nya.

"Bro, kilala mo s-" napatigil sya ng nakitang may kausap si xavier, he's holding his laptop habang pinapakita ang picture ko sa facebook account ko.

Did i know him?

"Hey! ako yan. Sino yan Xavier?" tumingin ako kay xavier habang tawa ng tawa dahil sa reaction nung lalaking kasama nya.

"Oh, may kausap ka pala." he asked noong nakarecover na sya. "Ikaw 'to diba?" his finger is pointing at my picture.

Tumango ako

"I'm Julian Constello, kaibigan ni xavier. Xyrene Silvestria right?" he said.

Diba Constello din si kenzo? magkakilala kaya sila? pero ang impossible naman baka malayong kamag-anak? aish whatever.

Maslumapit pa sya sa laptop ni Xavier at ngumit sa akin.

"I have a crush on you"

Nagulat ako sa sinabi nya, he is so straight to point.

I admit it, gwapo sya pero hindi ko sya type so sorry basted ka na.

"Julian, take it slow." Xavier said habang nilalayo kay julian ang laptop nya." don't you dare to hurt my sister"

Natawa ako sa sinabi ni xavier basta
talaga may manliligaw kay katrize noon sa kanya muna dadaan dahil nababasa ko yon sa groupchat namin noon tapos ngayon sakin naman sya nagiging overprotective.

Ang sarap magkaroon ng kaibigang Xavier.

Kung hindi ko sya kaibigan baka najowa ko na sya, charrot.

Tinawanan lang sya julian at agad ding nagpaalam dahil susunduin pa daw nya ang kapatid nya. Nalaman ko rin na anak mayaman si julian, anak sya ng isa sa mga may malalaking company sa manila.

Saglit lang kaming nagusap ni Xavier at agad din nyang pinatay ang tawag dahil marami pa daw syang tatapusin na paper works.

Humiga ako sa kama at niyakap ang unan ko, napatingin naman ako sa sofa na hinihigaan ni kenzo kanina.

Hindi na bumalik, pikon.

Sinubukan kong makatulog pero hindi ako sanay na matulog sa sahig kaya naisipan kong pumunta muna sa canteen ng hospital.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now