Chapter 9 - High Hopes

63 4 0
                                    

Seirá Agápis #2
Latch
Chapter 9: High Hopes

•••
"When we love, we always strive to become better than we are. When we strive to become better than we are, everything around us becomes better too." -Paulo Coelho, The Alchemist
•••

LIMANG ARAW na ang nakalipas simula ang handaan na nangyari sa condo unit na binigay sakanya ni Liberty para sa ika-tatlong buwan ng kanyang baby girl. At sa araw nadin na yun ay naging sobrang saya siya dahil unang-una ay nagparamdam sakanya ang lalaking gustong-gusto niyang mahanap dahil nadin sa kagustuhan ni Liberty at kagustuhan din ng puso niya. Pangalawa ay sa araw na yun din niya ang dalawang babaeng dumagdag sa circle of friends niya, at yun ay si Mia at si Zara.

Nagulat pa nga siya ng malaman niyang si Mia pala ay isang Santillan at nagiisang kapatid ni Miguel. Lalo siyang nagulat ng malaman nula dito na siya ang bukambibig ng kapatid sa kanilang tahanan. Which actually make her think how weird can Miguel Santillan can get?

Ang sunod niyang kinagulat ay ang isa pang kaibigan ni Liberty na si Zara Yu ang may ari pala ng bar kung saan siya nagpakalunod sa alak at kung saan niya nakilala ang lalaki. At nagulat siya ng sabihin nito handa nitong tulungan siya sa paghahanap ng tatay ng kanyang anak. Na susubukan niyang tingnan ang mga cctv footages one year ago.

Sumangayon siya sa tulong na inihandog ng bagong kaibigan, ngunit ayaw niyang tuluyang umasa sa mga ito lalong-lalo na kay Liberty sa paghahanap sa ama ni Euphemia. She should be doing all the effort para nadin sa ikakapanatag ng kanyang kalooban.

At ngayong araw ay balik nanaman muli siya sa trabaho at ngayong araw din siya muling magpapa-alam kay Miguel kung pwede siyang hayaang mag-out bukas, araw ng biyernes. Sasabihin nadin niya ang plano niya upang tagalang payagan siya nito, dahil baka isipin nito na nagda-day off siya sa mga walang katuturang mga bagay.

At siguro bukas din ay plina-plano niyang makipag-kita sa kapatid na si Lynx. Nalaman niya kasi na nakulong ito dahil sa sinampang kaso sakanya ng pamilyang Hidalgo. Kasong rape dahil ni rape nga nito si Liberty. Ngunit sa huli ay pinili nalang ni Liberty na iurong ang kaso dahil sapat na daw ang malaman ng lahat ang ginawang kagaguhan ng iniidolo nila.

Liberty is the one who actually told her all the details of her brother's imprisonment, actually matagal na daw gustong sabihin bi Liberty iyon sakanya kaso hindi din daw ito makahanap ng tamang tiempo dahil unang una hindi niya alam kung nasaan ako, pangalawa ay ang balitang buntis siya.

Ayos naman na sakanya ang lahat dahil kasalanan din naman ng kapatid niya. Alam niya din kasi na nasanay ito sa pag i-ispoil ng magulang nila na minsan din niyang hiniling pero alam niyang impossible niyang makuha.

She is the black sheep of the family after all.

"Good Morning doktora!" - bati sakanya ng mga nurse na nagro-rounds at binati din naman niya ito pabalik nang may ngiti sa kanyang mga labi.

At sakanyang patuloy na paglalakad sa pasilyo ng hospital patungo sa opisina ni Miguel ay hindi niya maiwasang makarinig ng ilang bulong-bulungan

"Ang ganda ni doktora Krys hindi ba?"

"Oo nga sobra! At blooming na blooming siya ngayon!"

"Bagay talaga sila na doc Miguel! Jusko siguradong magiging gwapo at magaganda ang magiging anak nila!"

"Oh shit papayag na ako na makuha niya si Doc Miguel! Bes ang ganda niya kasi!"

Hindi niya napigilan ang matawa ng mahina dahil sa mga narinig niya. Hindi niya lubos akalain na may love team na pala sila ng Miguel na yon. Oo alam niya na may gusto ito sakanya pero klinaro din naman niya ang kanyang sitwasyon at sigurado naman na siyang matalino ang lalaki upang maintindihan ito.

And the fact that she still want to meet her baby's father is so strong that she can't focus on another man, kahit na may nararamdaman na siya ditong kaunting spark. Oo, mayroon na nga siyang nararamdaman na 'something' kay Miguel pero masyado itong konti dahilan para mangibabaw padin ang kagustuhan niyang makilala ang lalaking nagbigay sakanya ng munting anghel.

Nang marating niya na ang opisina ni Miguel ay agad siyang kumatok. Ngunit nagtaka siya ng wala siyang narinig na sagot sa loob ng opisina nito dahil kadalasan na kapag may kumakatok dito ay agad itong sumasagot ng 'pasok' o kaya ito mismo ang nagbubukas ng pinto.

Muli niyang sinubukan ang pagkatok ngunti wala padin kaya nakapag desisyon siya na pumasok na sa loob dahil nagsabi din naman ang lalaki sakanya na welcome siyang pumasok sa loob ng opisina nito.

"Excuse me Miguel. Papasok na ako" - Krystique said almost in a whisper at binuksan niya na ang pinto. Nilibot niyang muli sa ikalawang pagkakataon ang kanyang mata sa paligid at hindi niya padin mapigilan mamangha sa ganda ng opisina nito.

Ikalawang beses niya palang ngayon na papasok sa opisina lalaki kaya talagang hindi pa siya maka get over sa ganda ng mga paintings na nandito. Miguel said that the paintings are made by his mother. His office looks really exquisite.

Uupo na sana siya sa sofa kung saan siya unang umupo noong unang punta niya sa opisina nito nang may marinig siyang kung anong ingay sa isang pintuan malapit sa desk ng lalaki, ingay na parang may naguusap. Dahil sa curiosity ay dahan dahang lumapit si Krystique dito ay sinimulang pakinggan ang pinaguusapan ng kung sino man ang nasa loob.

"I told you already Mia. I am fucking doing everything I could alright?! Wag kang masyadong atat diyan!" - she heard the person on the other side exclaimed and she already know that the voice came from Miguel and by the looks of it he is talking to his sister

"Hindi pa nga ako pwede magpakilala sakanya! Intindihin mo din naman Miana! — Oo nga tangina! Malapit na okay?!" - she heard once again at hindi niya mapigilan ang magtaka kung ano man ang pinaguusapan nito.

Pero dahil ayaw niya ng mag eavesdrop pa ay nakapag desisyon siyang maglakad pabalik sa sofa at maglagay nalang nang airpod sa kanyang parehong tenga at nagpatugtog siya nang isa sa mga cover ni Liberty na dinownload niya pa sa itunes.

Pinikit niya ang kanyang mata at dinama niya ang bawat lyrics ng kanta. Nagbilang siya nang 60 seconds, at tska niya binuksan ang kanyang mata. Halos mapatalon siya sa gulat ng makitang isang dangkal nalang ang layo ng mukha niya at mukha ni Miguel.

'KAILAN PA TO NAKAALIS SA KWARTO NA YUN?!' - she exclaimed on her mind at bago pa man siya makapagreact ay naramdaman nalang niya na may kung anong malambot na bagay na dumapo sa kanyang labi.

Napakurap-kurap siya ng mapansing magkadikit na ang labi nilang dalawa ni Miguel. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at para bang hinihigop ng lalaki ang buong lakas niya, kaya bago pa man siya tuluyang mawalan ng lakas ay pwersahan niyang tinulak ang lalaki kasabay ng pag iwas niya ng tingin.

"B-ba-bakit m-mo a-ako hi-hi-hinalikan?" - she managed to ask at nakita niya na napaiwas din ng tingin ang lalaki, nilagay nito ang kanang kamay sa bibig niyo at kapansin pansin din ang pamumula ng buong mukha nito.

"Di ko alam" - he managed to say habang nakaiwas padin ito ng tingin sakanya at ganoon din naman siya. She closed her eyes at bumuntong hininga siya.

Alam niyang kailangan niya ng magpaalam para makaalis na siya sa opisina nito dahil konti nalang talaga ay tatakbo na siya dahil sa hiya.

"Ah magpapaalam sana ako na kung pwede maaga ako mag-o-out bukas. Siguro tatapusin ko lang ang lunch break. I am meeting my brother tomorrow at may iche-check din ako sa bar baka nakuha na kasi noong may ari yung cctv footages a year ago" - dire-ditetso niyang saad at mabuti nalang at hindi siya nautal.

Nakita niya ang pagtango nang lalaki and that's her cue. She pushed Miguel a little bit at tska siya kumaripas ng takbo palabas ng opisina nito. Hindi nadin niya nagawang mag paalam dahil hindi na talaga niya kaya.

Habang tumatakbo siya sa pasilyo ay ramdam na ramdam niya ang unti-unting pagpula ng kanyang mukha. At naisip niya na sana hindi naman mawasak ang mataas niyang pag-asa na makita ang ama ng kanyang anak dahil sa isang simpleng halik ni Miguel Santiallan.

"Pa virgin ka KRYSTIQUE! Arghh!!" - she scolded herself as she continue to run.

© IMPERATRICE C

I will not be updating Latch and Bad Together tomorrow kahit na nasa sched ko na mau-update ko bukas silang dalawa because I am planning to finish Unviersidad de Primos already. Hope y'all understand! 💋

LatchWhere stories live. Discover now