Chapter 6 - Hug

62 5 1
                                    

Seirá Agápis #2
Latch
Chapter 6: Hug

•••
"A hug is a smile with arms, a laugh with a stronger grip."
― Terri Guillemets
•••

ISANG malalim na buntong hiniga ang pinakawalan ni Krystique sa hangin ng successful niyang matapos ang dalawang oras na operasyon sa pasyenteng mayroong head trauma na naging dahilan kung bakit nagkaroon ng pamumuo ng dugo sa utak nito. Mabuti nalang talaga at naagapan niya ito dahil kung hindi ay baga kinabukasan ay kinuha na ito ni Lord.

She is proud of herself that even if she is under huge stress she still finished the operation successfully. Noong nasa Germany pa kasi siya ay kapag alam niyang stressed siya ay hindi siya tumatanggap ng operasyon at hinahayaan ang ibang doctor ang gumawa dahil ayaw niyang mapahamak ang pasyente. But because of what happened today, she now know that she can still perform a successful operation when she put her mind and heart above all pressures and stress.

Umupo siya sa waiting bench sa labas ng operating room at pagod na pinikit ang kanyang mga mata. She just need a few minutes of rest dahil napagod talaga siya. At hindi pa naman tumatagal ng isang minuto ang pagpikit niya ay may isang pamilyar boses na nagsalita sa kanyang harapan.

At ng imulat niya ang kanyang mata ay tumumbad sakanya ang parehong lalaki na nakasalamuha niya bago ang operasyon. The man that has a surname of Santillan, which is obviously the son of the owner of the hospital she is planning to work.

Ang kaninang kaba na baka hindi siya matanggap dahil sa katanggahan at katigasan ng ulo niya, na kahit hindi pa siya opisyal na doctor sa hospital ay nag-opera na siya ay bumalik sa sistema niya. At hindi nalang kaba ang nanalaytay sa katawan niya ngayon kundi pati takot.

Dahil kahit na mala-adonis ang kaharap niya ngayon ay hindi padin niya mawaksi sa isip na anak ito ng direktor ng opsital.

"Here" - she almost flinched when the man said something at nakita niya nalang na may hawak hawak itong kape na nasa lata. Dalawa ang hawak nito, ang isa nescafè brown at isa naman ay nescafè white. Imabot sakanya ng lalaki ang nescafè white, ngunit hindi niya agad ito kinuha bagkus ay nagtanong pa siya.

"For me?" - pagkatanong niya ay agad na tumango ang lalaki. Kinuha na ni Krystique ang kape at binuksan niya na ang lid nito. Bumaba na ang tingin niya at nanatiling nasa lata ng kape nalang ang kanyang mata.

Naramdaman niya ang pag-upo ng lalaki sa kanyang tabi. At kitang kita niya sa peripheral vision niya ang pagsandal ng likod nito sa bench, ang kanang kamay nito ay nakapatong sa sandayan nito, at naka de quatro pa ang lalaki. Ang kaliwang kamay nito ang nagbukas ng lid ng lata at kahit na nakayuko siya ay kitang kita niya kung paano ito uminom ng kape.

"Salamat dito" - saad niya at uminom nadin siya ng kape. The sweet taste of the coffee made her taste buds crave for sweet food. Also it eased the stress she was feeling a while back.

"The name is Miguel... Miguel Santillan. I am the owner's son and I am a cardiologist here" - halos mabitawan ni Krystique ang kapeng hawak-hawak niya ng bigla itong magsalita. Siguro dahil nadin sa kapeng ininom niya kung bakit bigla siyang naging magugulatin.

But still, she can't believe that the mab introduced himself first. And she is sure right that the man is the owner's son. Gusto niya sanang tingnan ang mukha nito upang ma-inspeksyon kung bagay ba ang pangalang Miguel sa mukha nito, kaso alam niyang maari siyang mahalata kaya pinili niyang pigilan ang kanyang sarili.

LatchWhere stories live. Discover now