PROLOGO

23 5 0
                                    

DAPHNE


ISANG mensahe ang tumambad sa akin kagising ko. Pakiramdam ko'y unti-unting gumuguho ang mundo ko. Nanginginig kong ni-reply-an ang mensaheng iyon na galing kay Hina.


Mabilis kong tinahak ang daan pababa ng hagdan upang tawagin ang asawa ko. Nang makitang wala ito sa bahay ay nagpasya akong tawagan ang kaniyang numero.


"Hon, punta raw tayong ospital. Nag-text sa akin si Hina at pinapapunta raw tayo ni Doc. Phil," bungad ko kasagot niya ng tawag.


Halata ang bakas ng pagkapagod sa kaniyang boses. "O sige, aalis na ako rito sa opisina," sagot niya. "Ms. Dredas, I'll leave now. Take care of the other things for me," rinig kong pahabol nito sa kaniyang sekretarya.


Ibinaba ko na ang tawag at inihanda ang aking sarili. Nagsuot ako ng dark green longsleeved below-the-knee dress at nagdala ng maliit na purse para sa aking wallet at cellphone.




Makalipas ang ilang minuto, nakarating na rin ng bahay si Paul. Dali-dali itong pumasok ng bahay at nagpalit ng damit. Agad din naman itong lumabas at pagkatapos ay sinalubong ako ng mainit at mahigpit na yakap. Ngumiti ito ng pagkatamis at ginabayan ako papasok ng sasakyan.


Habang nasa byahe ay nakatanggap ako ng mensahe. Tinignan ko iyon at nakitang galing iyon kay Guila.


NINA CORTEZ

Daph! Open mo naman data mo, tawagan mo ako.


Binuksan ko ang data ko at agad siyang tinawagan. "Bakit, Nina?" tanong ko sa kaniya.


Napansin kong magulo ang buhok nito maski ang damit. "Sorry, Daph. Napadaan kasi si Alfred kaya alam mo na hehe," nahihiyang pagpapaliwanag nito. "Dapat kanina pa ako tatawag. P'wede ka ba mag-earphones?" utos nito.


Mukhang may importante siyang sasabihin kaya kinuha ko ang airpods at ikinonnect sa aking phone. "Ayan na. Ano'ng meron?"


Napakamot ito ng ulo, mukhang nag-aalinlangan sa kaniyang sasabihin. Maya-maya'y nagsalita na rin ito. "Ano kasi, pagpasensyahan mo na ako. Nagtanong kasi ako kay ate tungkol sa'yo, sabi niya tinext ka na raw niya. Totoo ba na baog ka?"


Laking pasalamat ko na hindi naririnig ni Paul ang usapan namin ngayon. Tinignan ko siyang seryosong nagmmaneho. Napalingon ito sa akin at nginitian ako ng bahagya. Tumango ito kay Nina bilang pagkilala sa presensya nito na siya namang dahilan ng pagngiti ng kaibigan ko.


Hinarap kong muli si Nina at tumango bilang sagot ko sa tanong niya kanina. Pagkatapos no'n ay nagpaalam na ako sa kaniya at pinatay ang tawag.





Ilang minuto pa'y ligtas kaming nakarating sa ospital kung saan ay sinalubong kami ni Hina. Sinabayan niya kaming pumasok sa kuwarto kung nasaan si Doc. Phil. Binati kami nito ng tipid na pagngiti.


Umupo ito sa harap namin at pinagsaklob ang magkabilang kamay. Huminga ito ng malalim at seryosong tumingin sa amin. "Mr. & Mrs. Gimenez, how are you two?" pangangamusta niya. Nginitian namin siya bilang sagot sa kaniyang tanong. "I see. But I have a very bad news."


Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Paul. "A-Ano po iyon, doc?" garalgal kong tanong ko.


"Mrs. Gimenez, I'm sorry but according to the test results, you're barren."


Kahit na alam ko na ang totoo dahil sinabi na ito ni Hina sa akin, hindi ko pa rin maiwasang maiyak. Naunang umalis sa akin si Paul dahil nakiusap akong kakausapin ko muna sina Hina at Doc. Phil. Kahit na nakakalungkot ang balita'y nagpasalamat pa rin ako sa kanila dahil ginawa nila ang trabaho nila.


Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko mabigyan-bigyan ng anak ang asawa ko. Dalawang taon na naming sinusubukan!


Pagka-uwi ko, nakita kong bagong laba at nakasampay na ang mga damit na suot kanina ni Paul. Inis kong pinagtapak-tapak iyon at itinapon sa basurahan dahil sa inis kahit wala naman siyang kasalanan.


I'm sorry, Paul. I failed you.

Marrying YouWhere stories live. Discover now