Prologue

759 29 0
                                    

Prologue

Five Years Ago

Agravante's Mansion

TAHIMIK lang ang isang babae habang kumakain siya. Hindi siya kumikibo kung hindi siya kakausapin ng mga kasabay niyang kumain lalo na ang lalaking katabi niya na kanina pa siya kinakausap pero hindi niya ito iniimik.

"Can you please talk to me?" tanong ng lalaki na nagngangalang Finley sa babae na kanina niya pa kinakausap pero hindi siya kinakausap ng babae. Hindi siya pinansin ng babae kahit magmukha ng bastos ang dalaga sa harap ng magulang nito at magulang niyang kasama nila sa hapag-kainan.

Nilapag ng babae ang kubyertos na hawak niya bago kinuha ng babae ang baso ng juice niya at uminom. Pagkatapos ay pinunasan ang bibig niya bago tumayo at tinignan ng walang emosyon ang magulang niya.

"I'm done. I'll go in my room to take a rest." saad ng babae bago tumalikod.

"Huwag kang bastos sa harap ng fiancee at ng magiging in-laws mo. Huwag mong ipakita sa kanila ang bastos mong pag-uugali." galit na saad ng ina ng babae na ikinalingon ng dalaga sa ina at napaismid itong tinignan.

"Fiancee? In-laws? Ni-hindi ko nga kilala ang lalaking ito at hindi ko rin siya mahal para matawag na fiancee ko. Bakit hindi na lang kayo ang magpakasal sa lalaking iyan total kayo naman ang may gusto na ipakasal siya sa akin, 'di ba? Ni-hindi ninyo nga muna ako tinanong kung gusto kong magpakasal sa kanya, 'di ba?" mapang-uyam na sagot ng babae sa magaling niyang ina na gumuhit lalo ang galit sa mukha nito at napatayo pa ito.

"Bastos kang bata ka! Walang kang respeto sa akin na ina mo!" galit na sigaw ng ina ng babae.

"Yeah, kasi ang gusto niyo lang na lahat ng sasabihin niyo ay susunduin ko. Bakit ba ayaw niyo akong pakinggan? Bakit? Ni-minsan ba ay pinakinggan niyo ako sa lahat ng pakiusap ko sa inyo? Hindi, 'di ba? Never niyo akong pinakinggan. Gusto niyo, kayo lagi ang pinakikinggan namin ni Kuya. Ganoon kayo, Mom." nasasaktang sabi ng babae sa ina niya. Hindi na niya napigilan ang sarili niya na ilabas ang sama ng loob niya sa mga magulang.

"What's happening to you, Kiara? Ang pagpapakasal mo kay Finley ay para rin sa ikabubuti mo." mahinahong sabi ng ama ng babae na nagngangalang Kiara.

"No, I won't marry him. Ganyan kayo, eh. Gusto niyo lagi kayo ang bida. Gusto niyo lagi kayong nasusunod. Nakita niyo ba ang itsura namin ni Kuya kapag may gusto kaming sabihin o may gusto kaming gawin. Wala tayong masabi, hindi ba, Kuya?" baling ni Kiara sa nakakatandang kapatid na lalaki na kanina pa tahimik at nakatingin kay Kiara.

"Look--" Hindi pinatapos ni Kiara sa pagsasalita ang ama niya ng magsalita agad siya.

"Makinig naman kayo minsan, Mom, Dad?" galit na singhal ni Kiara sa magulang niya.

"Talagang nagiging bastos ka na sa magulang?" galit na sigaw ng ama ni Kiara pero nanatiling walang pakialam ang dalaga kahit galit na ang mga magulang niya sa kanya.

"Tama na, Kiara." pagpigil ng lalaking katabi ni Kiara at hinawakan siya nito sa braso pero agad niya iyong ipiniksi.

"Lahat kayo ay palagi niyo na lang akong pinapakialaman? Hindi na natupad kung ano ang gusto ko. Alam mo iyan, Kuya. Lagi kong sinasabi sayo, lahat ng mga gusto ko ay natupad ba? Hindi ba, lahat ay hindi pwede." naluluhang sabi ni Kiara at nang hindi niya na napigilan ang luha ay lumandas na ito sa pisngi niya. Agad pinunasan ni Kiara ang luha niya bago seryosong tumingin sa magulang niya.

The Doctor's True Love [DAILY UPDATE]Where stories live. Discover now