"Noong mga panahong iyon, hindi ko alam na isa sa mga Senior ko lang ang pumatay sa kapatid ko," may halong galit ang boses ko, hindi ko inaasahan na bubuksan at palalawigin niya ang tapika na ito.

Inibedensya ko na sa tono ko na hindi ko gusto kung saan tu-tungo ang usapan namin, pero sadya sigurong hindi madaling pumick-up ng parinig si Head.

"Kaya ka ba nag quit noong nahuli at napatay siya ni Wojtek?" walang pakundangan niyang sabi, "O baka naman umalis ka dahil sinabihan ka niyang daga bago siya mawalan ng hininga?"

"Adam!"

Natigilan si Head nang isigaw ko na ang una niyang pangalan. Maging siya ay nagulat sa biglaang pag sigaw ko.

Napapikit, napalunok at napahimas ako ng sentido. Ito ang dahilan kung bakit ayokong makipagtalo kay Adam, hindi nakakabuti sa mentalidad minsan ang mga salitang lumalabas sa bunganga niya kapag humaharang sa desisyon niya.

Nakita kong isinara ni Adam ang nakaawang niyang bibig, tanda na iyon na napansin niyang na opensa ako sa sinabi niya. Inilabas niya mula sa likuran ang isang brown folder at walang anumalyang inihagis iyon sa ibabaw ng lamesa ko.

"Ikaw ang panganay sainyong magkakapatid, Alex."

Kinuha ko ang folder na inihagis niya, mga papeles iyon ukol sa kaso ni Cash.

Pero mas natuon ang pansin ko sa isang litrato na nagbalik sa akin sa nakaraan.

Kinuha ko ang litratong iyon at binitawan ang folder.  

1999. Sa kaliwang bahagi ng litrato ay ang 21-year-old na ako, katabi at kaakbay ko si Jonathan na nagi-isang kwela ang mukha sa litrato. Halatang mas malapit kami dahil kami ang magkasing edad.

Sa kanan ni Jonathan ay si Wojtek na mas bata sa amin ni Jonathan ng isang taon, masasabi kong siya ang pinaka magaling sa aming lima pero lagi iyong tinututulan ni Jonathan. Ako daw ang manok niya.

Naaalala ko pa tuloy noong panahong sinasama pa lang kami sa crime scene para magbigay ng deduksyon, parang referee si Jonathan na pinag tu-tunggali kami ni Wojtek kapag naglapagan na ng mga argumento. 

"Pustahan tama si Alex,"  bulong ni Jonathan kay Nathalie habang naka krus ang dalawang braso. Naglapag kaming lima ng deduksyon sa pagkakataong ito.

Inikutan lang siya ng mata ni Nathalie.

"Si Jonathan ang tama," deklara ni Adam habang nakatingin sa crime scene, napailing pa siya na tila hindi rin makapaniwala.

"Seryoso?"  sabay na tanong ni Nathalie at Jonathan.

Hindi sumagot si Adam kaya naman napapalakpak si Jonathan sa tuwa, kung hindi lang siya sinamaan ng tingin ni Head ay nagpa misa na siya.

Napakurap naman ako nang tapikin niya ako sa likuran.

"Hina mo na Alex," pangungutya pa niya habang tinuturo ang sentido niya.

Bahagya naman akong natawa sa naalala ko.

Sa gitna ay ang pinabatang kaunti na bersyon ni Adam, hindi pa siya Head Agent nito at Senior Agent pa lamang. Sa kanan niya ay si Nathalie na tinalo pa si Adam sa pagka seryoso ng mukha sa litrato, katabi niya rin si Cash na kaswal na nakangiti sa kamera, siya rin ang pinakabata saamin.

Kuha ito nang opisyal na kami naging Investigation Agents, yoong tipo na pwede na kaming humawak ng kani-kaniyang kaso.

Unti unting nawala ang ngiti ko nang mapagtanto na hindi ko nakita ang iba dito sa Headquarters maliban kay Adam at Jonathan. Alam ko na ang nangyari kay Cash, kaya naman ang lagay nung dalawa na lamang ang nais kong malaman.

Jenny the Stripper ✔(Zodiac  Predators Series #2) [UNDER REVISION]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora