Chapter 20 (Fvcked jamming)

15 3 0
                                    

The Heiresses

Johaizza's P.O.V

Ngingisi-ngisi kaming apat nang makarating kami sa sinasabing pwedeng pag-jamming-an daw, pa'no ba kasi. Sino'ng hindi matatawa sa itsura ng apat pagbaba ng sasakyan namin?

Ipinalibot ko ang tingin ko sa loob sinasabi nilang jamming hall. Isang simpleng jamming hall lang ang pinuntahan namin pero 'di ko maipagkakailang ang daming tao dito, lalo na't gabi na ngayon at Sabado pa bukas. May maliit na stage sa harapan at mga intrumento na gagamitin ng mga banda para kumanta.

Nasa likurang parte pa rin kami habang ang apat na lalaki ay tumungo na sa 'di malamang lugar. Seriously, they just left us here dumbfounded? Hindi man lang sila nag-iwan ng isa sa mga kaibigan nila? Nagalit siguro kaya gumagante, ah?

"Talaga lang ha? Iniwan tayong apat dito na 'di man lang nila alam na hindi natin alam kung ano ang gagawin natin dito?" Asar na sabi ni Blaizzane habang nakahalukipkip.

"Yeah! Are they stupid?" Inis na saad naman ni Hazmaein kasabay pa ang pagtikwas ng mga daliri niya. Napangiwi nalang ako. Arte!

"Ba't ba ang dami nyo'ng reklamo diyan? Why don't you look for vacant table so we can sit and not just standing here like  idiots" Usal ni Reign habang pinasadahan ng kaniyang daliri ang kaniyang mahaba at makintab na buhok. Nag-irapan naman kaming tatlo sa sinabi niya. Kami lang? Eh, ano'ng gagawin niya dito? Aba, mayora 'te?

"And, how about you?" Sabat ko. Inirapan naman niya 'ko. Akala siguro niya na maiisahan niya 'ko. Excuse me, valedictorian ako no'ng Elementary days ko noh.

"Hayst! Wait--- where's Eduard? Where's that man? Siya ang nag-suggest ng jamming na 'to and then, hell suddenly out without us knowing?" Iritang saad na naman ni Hazmaein habang nagpapalinga-linga. Maging kaming dalawa ni Blaizzane ay nagpalinga-linga na rin, nakalimutan na naming hahanap dapat kami ng mauupuan namin. Inabot siguro kami ng halos sampung minuto na walang pigura kaming makita ni Eduard, ni anino ay wala. Where the heaven is that man?

"Stupid Hazmaein! Why don't you call that man?! Urgh! Sumasakit na ang ulo ko sa inyo! Ang sarap niyong pag-untugin!" Angil ni Reign na minamasahe na ngayon na ang sintido niya. Napangiwi nalang kaming tatlo sa sinabi niya. Edi wow! Siya na ang matalino!

"Ay! Oo nga no? I'm so stupid talaga!" Sagot nito at nagtakip ng bibig habang maarteng tumatawa. Napairap nalang kaming tatlo. Isa pa 'tong babaeng 'to! Sobrang arte!

"Haha! Oo nga 'e! You're so stupid talaga!" I mimicked her then flipped my hair and rolled my eyes at her. Ngumuso at umirap siya sa'kin bago muling hinalungkat sa bitbit niyang handbag para hanapin ang cellphone niya. Nang makapa niya ito ay agad siyang nagpipindot-pindot bago tipid na sumulyap sa'min, nakasunod lang ang tingin namin dito hanggang makarating siya sa labas.

Nang saktong pagbalik ng aming mga tingin ay agad itong tumama sa apat na lalaking nasa stage ngayon. What the heaven are they doing there? Stupids! Inuna pa ang mga instrumento nila! Hindi man lang nila naisip na may iniwan sila rito sa likuran at kanina pa kami nangangalay?!

"These boys are getting into my nerves!" Nanggigigil na si Blaizzane habang nakatanaw sa maliit na entablado para sa mga magpe-perform.

"Mic test. Mic test. 1.2.3!" Alexander tested the microphone! P'rang tanga lang? Ginamit na nga yan kanina ng mga nagperform tapos magma-mic-test-mic-test siya? Duh! Tanga lang koya?

Muntikan na kong mapairap sa kapreskohan ng apat na lalaki sa entablado. Lahat silang apat ay nakahawak ng mic na nakatapat sa mga labi nila habang nakangisi. Ngising nakakapang-akit, nakakabihag, at nakakatunaw. Damn! Shut up Johaizza!
'Lalo na si Lucas? Ang gwapo?!

Ilang minuto ang lumipas ay nakabalik na si Hazmaein ng may 'di maipintang mukha!

"Anyare na naman sa'yo? Ba't busangot ka na naman?" Asar na sabi na naman ni Reign matapos makita ang mukha ni Hazmaein.

"Ang gagong Eduard na yo'n! Na-goyo tayo! Tang*na!" Napangiwi na naman kaming tatlo sa pananalita niya. Minsan kasi pag 'di siya maarteng magsalita ay barumbado naman!

"Ansabe ba?" Tanong ni Blaizzane na pilit kinakalma ang sarili para 'di mabigwasan ang kaibigan.

"Enjoy daw!" Maiksing sagot nito dahil sa pagkasar.

"And wait? Why are we still standing here? Wala man lang kayong nahanap na mesa?! Mygosh!" Dagdag nito habang maarteng pinapaypayan ang sarili.

Minasahe ko nalang ang sintido ko maging sina Reign at Blaizzane ay gano'n rin. Ang sarap bigwasan ng mga 'to 'e! Isali narin sana ang apat na lalaking 'to na wala man lang pagka-gentleman sa mga katawan! Mga bwisit!

"Ladies and Gentlemen! Good evening ka-tambay!" Biglang sigaw ng lalaking parang unggoy na laging nakangisi! Their audience went wild! May humahampas sa mga lamesa, may nagsisigawan at may gumagawa ng tunog gamit ang yelo na nasa baso.

"But, before we start. Please let those pretty ladies right there, sit. Please give them that seats." Sabi ng unggoy matapos bumulong sa kaniya si Lucas. Agad na nahawi ang mga tao at binigyan kami ng daan. Lahat ng tingin nila ay nasa amin na para kaming isang kwestyonableng biglang sumulpot.

'Duh! As if we care about their stares.'

Nang makaupo na kami sa mesang pinaupuan sa'min ay agad na nag-strum ng gitara ang guitarist nila.

"So, this song are for you..." Tipid na ngumiti sa direksyon na'min si Lucas na ang mga mata'y nasa akin. Syempre, confident ako na sa'kin nakatingin. Excuse me, valedictorian ako plus beauty? Bihag ang koreanong hilaw!

"...ladies" Dagdag nito bago nag-iwas ng tingin. Nagsimula ng tumugtog ang banda. It's a mellow music. Tumahimik ang mga audience dahil na'rin sa unang strum palang ng gitara.

Hindi ako masyadong pamilyar sa kantang 'to pero damang-dama 'e! Bawat bigkas nila ng salita tumatagos. Ang kanilang papikit-pikit! Shit! Ramdam mo ang sakit sa bawat lyrics ng kanta. I am at the verge of closing my eyes to feel the lovely yet sad music when a voice of a mad woman suddenly interfered!

"Tang*na! Nakakiyak! Sa lahat ng kanta  pwede pang kantahin 'yan pa?! Tang*na! SANA ALL HINDI BITTER SA KANTANG 'YAN!"

---

princesayannahh

The HeiressesWhere stories live. Discover now