Prologue

10 3 1
                                    

___ Sorry if this story is unedited  , so please do expect some grammatical and typographical errors, i promise to fix this when i have time. And this may have some mature contents and a very strong language that are not suitable for very young audiences. Please read at your own risk. Thankyou.

______

Agad kong padabog na sinarado ang pintuan nang makapasok ako sa opisina ko.

Agad ko namang tinanggal ang coat na suot ko at umupo sa sofa bago minasahe ang sintido ko.

Sobrang nakakapagod ang mga nangyari ngayong araw, napakadami na namang mga taong napapadpad dito, halos wala na kaming pahinga, kain, maski ang tulog.

Hindi nagtagal ay may kumatok sa pintuan ng opisina ko, tuluyang nagambala ang plano ko na mapahinga. Wala sana akong balak na magpapasok ng kung sino pero no choice ako.

Patuloy lamang ang kung sinong talipandas na kumakatok sa pintuan ko kaya napabuntong-hininga na lang ako.

"Pasok!"

Agad pumasok si Roy , na siya palang talipandas na gumambala sa pahinga ko.

"May problema ka--i mean tayo--basta merong problema!" tila kinakabahang ani nito.

Agad napa-kunot ang noo ko na may halong pagka-inis.

Kingina! kakatapos lang sa lima kanina meron na namang bago!

"Ano na naman ba 'yan?!" pasigaw na tanong ko.

Napakamot siya sa ulo niya at sinenyasan akong sumunod sa kanya.

Napahinga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili bago kuhanin ang coat ko at lumakad pasunod sa bwisit na iyon.

Hanggang sa makarating kami sa lobby ay makikita ang mga taong nagkakagulo.

Napakadami nila at ang iba ay nagkakagulo pa, napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Sumalubong naman sa akin si Brie, ang isa pa namin kasamahan dito. Sumunod na rin siya kay Roy.

"It's a call from the emergency room for a patient from a car accident" sabi nitong hinihingal pa.

"All right."

Nang makarating ako sa kung saang sulok ng gusaling ito ay tila nanlamig ang buong katawan ko. Nanginginig ang mga kamay kong nasa loob ng bulsa ng coat ko. Tila binihusan ako ng nagyeyelong tubig nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon at sugatan.

"It's hemoperitoneum(haemoperitoneum)"sabi ni Roy.

Tulala pa rin ako at nananatiling nakatitig sa ginang na nasa harapan ko.

Pero ilang sandali lang ay naramdaman ko ang mga titig nila sa akin. Agad akong napaubo ng peke tsaka pinilit na magsalita.

"Go to the operating room and tell Dr. Zoue to get ready" nahihirapang sambit ko.

Buti na lamang ay hindi ako nautal kundi paniguradong magtatanong sila ng kung ano-ano.

Agad naman silang kumilos at dinala ang ginang na pasyente sa OR. Habol ang mata ko dito hanggang sa mawala ito sa paningin ko.

Ikalma mo yang sistema mo Gaia, hindi ka pwedeng magpadala sa mga emosyon mo ngayon. May buhay na nakasalalay sa iyo.

____

"I'm going to cut the abdomen now" kasabay ng pagbanggit ko nito ay siya ring pagsabay ng lalim ng paghinga ko.

"Scalpel" inabot naman sa akin ni Ms.Yam.

I nodded to Dr. Zoue to start the machine.

I need to fucking focus

Hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang mga bawat hakbang na ginagawa ko. Nanatili akong kalmado at pinilit ang sarili na hindi kabahan.

Why are you here Tita Cleo?

___________________________________________________________________________________________________🧡

Hemoperitoneum is a condition in which blood accumulates into the peritoneal cavity. In the abdomen, there is a thin membrane that surrounds the outer abdominal wall called the parietal peritoneum. Additionally, there is a separate thin membrane that surrounds all the organs in the abdomen, enclosing all the organs in a bag-like membrane. This membrane is called the visceral peritoneum. The space between the parietal peritoneum and the visceral peritoneum is a space called the peritoneal cavity.

Casa De Habromania Girls Series 1: The Girl Who Hates Happy EndingsWhere stories live. Discover now