Chapter 6

4 0 0
                                        


Mabilis lumipas ang oras kaya uwian na. Hindi pala ako masusundo ni Tay greg ngayon at sabi naman ni nay Helen nasa tindahan siya ngayon namimili kaya pupuntahan ko nalang siya.

May tricycle na huminto sa harapan ko at hindi ko alam kung sasakay ba ako. Natatakot po ako huhuhu

Wala na akong nagawa kundi sumakay.

Manong sa tindahan po sabi ko sa kanya.

Hinatid niya naman ako sa tindahan.

Manong magkano po ang pamasahe?" tanong ko e sa hindi ko alam eh

20 pesos lang po maam" sabi niya sakin.

Hala 20 pesos lang pero ang pawis niya at paghihirap niya grabe.

Ito po manong o abot ko sa kanya nga 500

Maam wala po akong pambarya eh. Cge nalang po libre ko nalang yan sa inyo baguhan po siguro kayo dito" nakangiti pa niyang sagot.

Kumuha ako ng 1000 sa pitaka ko tsaka nilagay ko sa kamay ni manong.

Manong sa inyo na po yan fahil mabait ka sakin yan nalang gift ko sayo" sabi ko nalang sabay kamot.ng ulo

Prelo kaba maam?"

Oo manong, paano mo nalaman? Ako nga po pala si Haziel"

Totoo pala ang sabi sabi dito na dito nag aaral ang isang Prelo at ng bait bait niyo po tsaka maganda"

Ah, salamat manong cge po mauna na ako" pagpaalam ko sa kanya.

O, nak saan ka galing bakita pawis na pawis ka?" salubong sakin ni Nay Helen habang hawak hawak niya ang limang plastic na may lamang paninda niya

Nag tricycle lang po kasi ako" sabi ko sa kanya at yumuko

juskong bata ka sana nag taxi ka nalang, baka napahamak kapa o kaya tinawagan mo si kuya fred mo may isa pa namang kotse duon" pangarap skin ni nay Helen at pinunasan ang pawis ko.

Kinuha ko naman ang dalawang plastic para tulungan si nay Helen.

***
Kinaumagahan, na late ako ng gising kaya late rin akong nakapasok sa paaralan.

Recess time na at hindi ko parin nakita si pipi. Absent siya siguro.

Nasa cafeteria ako ngayon kumakain ng biglang kinuha ni Megan ang bufger ko tsaka tinapon sa basurahan.

Oh guys, naawa ako sa kanya walang pira burger lang at tubig ang kinakain niya" sabi ni mega habang tumatawa

Scholar ka ba dito kaya nakapasok ka?" tanong niya habang naka smirk

Hindi ko nalang siya sinagot at ininom yung tubig na binili ko.

Aalis na ako sana ng hawakan niya ang buhok ko at pinalapit sa kanya

Arayy" sabi ko nalamh dahil masakit ang pagsabunot niya

kapag kinakausap kita wag mo akong talikuran" sabi niya pa at binitawan ang buhok ko. Binuhos niya pa sakin ang natitira kung tubig at tsaka tumawa sila ng kasama niya.

"Ito ba ang magugustuhan ni delquin? Isang mahirap at hampas lupa? Siguro pera lang ang habol mo sa kanya nu?" sabi niya pa habang tumatawa

Ano ba gong pinagsasabi niya. Ang sakit ng ulo ko haynako gusto ko soyang awayin pero.hindi ko magawa

kung sino man ang nanliligaw sa kanya dito wag kayong papatol sa isang ito nakita ko siya kahapon na sumasakay sa tricycle at sinundo ng nanay niya sa palengke, yakkk" sabi niya pa habang difing diri sakin at iniwanan ako.

Nakagingin lang ang lahat sa akin kaya tumakbo ako papuntang Cr. Dala dala yung P.E unifofm ko para makapagbihis.

Bakit ba galit na galit sakin si Megan. At ano naman kung mahirap ako sa paningin nila dapat ba mayaman lahat ng tao dito?

Napatingin nalang ako sa salamin gusto kunang umiyak. Pero ni isa walang tumulong luha.

Kuya" tawag ko nalang sa kanya.

Nang naka ayos na ako niligpit luna ang gamit ko para lumabas.

Nagulat ako paglabas ko may yumakap sa akin at kilalang kilala ko ito si pipi.

Siya lang ang taong kaibigan ko dito kay siguro magaan ang loob ko sa kanya.

Niyakap ko nalang siya pabalik gusto kung umiyak pero hinigpitan kolang ang yakap.sa kanya.

Bakit ba ganito sila? Wala naman akong ginawang kasalanan ah" mahinang sabi ko

dapat ba mayayaman lahat dito para tanggapin nila" sabi kopa

Shhh sorry baby" mahinang bulong niya pa

Habang nasa tabi kita walang may mananakit sayo kaya wag kang umalis"  kumalas siya sa yakap at tinignan ako ng mabuti.

Nagulat ako nung hinalikan niya ako sa noo.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko.

PROBLEM SOLVEDWhere stories live. Discover now