First day of school na
Maaga akong nagising tsaka nag almusal
Excited pa ata ako sa teacher namin 6:20 palang nagpahatid na ako kay Tay greg sabi niya pa susunod daw sa kin si Kuya Fred para may bodyguard ako para safe raw
Hindi ako pumayag ayaw kung may magbantay sa akin eh
Pumunta ako sa Learning Resources Center (LRC bldg) dito ang room ko 3rd floor.
Nang pumasok ako, tumawa nalang ako dahil ang aga ko talaga nung sa dati kung school first day of school late pa ako.
Laking pagbabago ko ah, compliment ko sa sarili ko. Umupo ako sa likuran malapit sa bintana.
Mayat maya nagsidatingan na yung iba kung kaklase.
7 na pala hindi ko naman namalayan ang oras kakaisip.
Dumating na ang teacher namin kasunod nito ang grupo ng mga lalaki.
Napatili naman ang ibang babae. Wait lang kilala ko yung isa si pipi ata yun.
“Late kayo" sabi ng teacher.
Pero hindi man lang sila napagalitan. Umupo sila sa bandng likuran malapit sa akin napayuko ako nung umupo si pipi sa gilid ng upuan ko.
“Goodmorning class, may bago kayong kaklase, ija come here magpakilala ka"
Tumayo ako na nakayuko parin dahil nahihiya ako.
“Hi I'm Haziel Joms nice to meet you all" sabi ko habang nakayuko at ngumi parin.
“Ikaw diba yung sinabihan akong pipi?" napalingon ako at nakita ko si pipi na nakaturo sakin
Gulat akong napatingin sa kanya
“Nakakapagsalita ka?" gulat ko paring tanong
"Owwww" kantyaw ng mga kaklase namin
Tumawa sila habang ako naman ay gulat paring nakatitig sa kanya
Nakapagsasalita pala siya hindi niya man lang ako kinausap hayss.
Umupo na ako sa gilid niya habang nakayuko parin myghadd nakakahiya may lesson lesson pa naman akong sinasabi dun.
Tumingin ako sa kanya at siya naman ay nakangiti habang nakatitig sakin
“Akala ko pipi ka pasensya na" sabi ko sa kanya habang nahihiya.
Nag lecture na ang teacher na si Mr. Chen 2 hrs. Nakinig nalang ako dahil wala pa akong friends dito.
Nang natapos na ang lecture hudyat na ng recess. Niligpit ko muna yung gamit ko. Nang makalabas na ako sa pinto nagulat ako ng makitang nakasandal si pipi,
ayy hindi siya pipi pero hindi ko alam pangalan niya so pipi nalang muna.
“Hi, pwede bang sumama sayo mag recess?" tanong niya sakin
“Ah cge"
Lumakad kami papuntang cafeteria. Maraming tao ang nakatitig sa amin kaya nahiya ako.
Artista siguro tong kasama ko gwapo kasi at parang perpekto mabait pa.
“Ahmm pwede magtanong? Bakit tayo pinagtitinginan?"
“Wag mo lang yun pansinin nagagandahan ata sila sayo" sabi niya habang nakangiti parin
Ako?
“binibiro mo naman ako eh, ikaw siguro dahil gwapo ka!" sabi ko sa kanya kaya napatigil siya at tumingin sakin.
Myghadd ano batong sinabi ko juskoo
“So gwapo pala ako para sayo?" tanong niya habang naka smirk
Tinignan niya ako pero ako hindi makatingin kaya hinila ko nalang siya papuntang cafeteria dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot.
Nung pumasok kami sa cafeteria lahat ng kumakain at nag uusap ay napatigil at tumingin samin.
Ano batong pinasukan ko bakit madaming nakatingin samin?
Nakita ko na maraming nakapila kaya naman parang nawalan ako ng gana.
“hey maraming nakapila, mamaya nalang siguro tayo kakain" sabi ko sa kanya na parang binubulong pa
Pero hinawakan niya lang ako sa kamay ko at hinila papuntang counter.
“Anong gusto mo?" tanong niya sakin
“Spaghetti ,fries nalang at tubig"
Siya naman ay nag order lang ng sandwich at tubig rin.
“Magkano po lahat?" tanong ko sa cashier
“586 po" mataray na sabi niya pero nagulat ako sa presyo juskoo ang mahal.
“Mahal pala pagkain dito" bulong ko kay pipi kaya napatawa nalang siya.
Kukuha na ako sana ng pera pero nauna na siyang magbayad.
“Hala, babayaran kita sabi ko sabay abot ng pera" sabi kopa sa kanya
“No need, my treat" sabi niya sabay hila naman sakin papuntang upuan.
“habang kumakain siya nag sanwich nakatititg lang ako sa kanya.
“Gwapong gwapo kaba sakin kaya kanina mo pa ako tinititigan?" sabi niya habang naka smirk naman
Grabi siya palagi siyang naka smirk
“Alam mo ang bad mo!" sabi ko sa kanya
“Bakit naman?" kunot noong tanong niya.
“Eh maraming pumipila kanina tapos dumeretso kalang sa counter, sana pumila nalang tayo. Tapos ikaw pa nagbayad ng pagkain ko pero salamat hehe"
“Ang cute mo" sabi niya kaya napa ubo ako at uminom kaagad ako ng tubig.
“Kukuha lang ako ng tissue sa counter" pagpapaalam ko sa kanya.
Kumuha ako ng tissue pero nung pabalik na ako binunngo ako ng tatlong babae at natapunan pa ako ng juice.
Myghadd ang lamig
“Hala, sorry" sabi ko sa kanya habang nakayuko
Tumawa lang sila tsaka tinapunan pa ako ng juice nung isa sa kanila.
“Megan, wala pala yan eh ang pangit hindi siya magugustuhan ni babe delquin mo" sabi nung isang kasama nila
Nakayuko lang ako para akong luluha pero pinigilan ko nalang.
“Wag kang aaligid ligid kay Delquin dahil malala pa diyan ang aabutin mo" sabi nung megan
“Pasensya na talaga" sabi ko sabay pulot ng baso na nabasag dahil sa pagtapon nila ng juice.
“What the hell!?" sigaw nung pamilyar na boses nung tinignan ko siya nag tama ang mata namin napayuko nalang ako.
“Babe siya kasi eh pa harang harang sa harapan namin" sabi ni megan habang pinupulupot ng kamay niya sa kamay ni pipi
Gilfriend siguro niya si megan na ito napayuko nalang ako. Tatayo na ako sana pero hinawakan niya ang kamay ko na may dugo dahil sa paglilinis ko sa bote.
“Huwag mo akong hawakan megan!" galit na sigaw ni pipi
Napayuko naman si megan na umiyak at tumakbo sila paalis.
Nakayuko parin ako habang nakahawak ang kamay niya sakin.
“Sorry hindi ko sinasadyang awayin girlfriend mo" sabi ko habang nakayuko parin kinuha ko yung kamay ko at akmang aalis na pero niyakap niya ako sa likuran.
“Sorry" sabi niya ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.
YOU ARE READING
PROBLEM SOLVED
Teen FictionYan ganyan magaling kayo sa unahan Pero kapag nag ka problemahan Biglang nauuwi sa hiwalayan Tandaan mo ikaw ang naunang umamin Ngunit hindi mo naman pinanindigan Kaya sa huli ako tong nasasaktan Tiniis ko ang lahat ng sakit Kahit ako'y may malalan...
