"Where's Nethon?"

Wala kaming alam kung nasaan ang magaling mong anak tito! kung alam ko lang kung nasaan ito, binugbog ko na ito.

"We don't know either"

"Nawawala ang anak ko?" tita

"He's not, we just don't know where he is"

"Bakit mas nag aalala pa kayo sa babaeng yan kaysa sa anak ko?" nagugulohang tanong ni tita.

Gusto kong mag salita pero pinipigilan ko ang sarili ko kasi ako ang mas malapit sa pwesto ng mga magulang ni Nethon paniguradong pag mag sasalita ako mabilis akong mapalo ng mga to.

Ayokong mag kapasa ang maganda kong katawan at gwapo kong mukha.

"Umalis na po kayo" may diin na sabi ni Misha.

We're protecting Achelois not because of Nethon's Request pero dinadala nito ang anak ni Nethon.

At galit kami ngayon kay Nethon dahil sa ginawa niya, naawa ako kay Achelois, kung hindi siguro ito binuntis ni Nethon, madali lang naman ito bitawan kaso binuntis ng gago kaya wala kaming magawa kundi ang alagaan ito.

"That girl will bring disgrace to our family, to my name"

Napatawa naman ako sa isip ko nang marinig ko ang sinabi ni tito.

Pero itong mga pinsan ko hindi nag dalawang isip ipakita ang reaksyon nila sa sinabi ni tito, ang tatapang eh ang liit lang naman ng agwat namin sakanila.

"Did I heard it right? your name?" Napalingon naman kaming lahat sa pintuan.

"Dad"

"Ricardo"

"Let me tell you one fact about your son that I know you don't know" napalunok naman ako wala sa oras nang lumapit si tito Ricardo kay tito Nereus.

Ladies and gentlemen! let me welcome you! our parents! dapat andito si Nethon para makita niya anong kaganapan sa ginawa niyang kagagohan.

Pati mga magulang namin mapapasali ng wala sa oras.

"Di ko alam pano ka nagkaganito Nereus, hindi naman tayo hinigpitan ng mga magulang natin, you choose Ashthea to be your wife and mom and dad supported you, bakit hindi mo ginaya ang mga magulang natin?"

Sinulyapan niya naman si Achelois na nasa couch at walang malay. Kadadating lang ni Voltaire, tinawagan siguro ito ni Belle, kinausap ito ni Alexander ngayon, siya naman nag karga nito at umalis sila.

"Minsan na din kaming nag usap ng anak mo, I never thought Nethon will share me something important to his life"

"I don't know what happen to Nethon back then, wala akong alam na may asawa na pala ito pero kung pag usapan namin si Achelois nakikita ko ang saya sa bata."

"It's Nethon first love"

"Alam kong tinuloy mo padin ang kasal kahit na napag usapan na natin five years ago, you better ready the divorce paper"

"Hindi ko na hawak ang desisyong yan, it's either Nethon will come home to his wife or Kristel will file a case to that girl"

Masaya sana itong nakikitang pinag aagawan si Nethon kung iba ang sitwasyon namin, kaso ang hirap makipag biruan kung ganito pala ang sitwasyon. May asawa si Nethon pero may binuntis namang iba.

At masaya din sana ito dahil nakikisali na ang mga matatandang Kyril, minsan lang ito makisali sa mga problema namin, hindi ito nakikisawsaw simula kay Alice hanggang kay Misha oh well except tito Orcus.

Ngayon ko lang nakitang mag aaway ang mga ito, gusto ko ng popcorn pero hindi ito ang oras na makikipag biruan ako.

I guess Nethon make a big mistake that can ruin our good name.

"N-nethon anak" biglang sabi ni tita na siyang natigilan kaming lahat at napatingin sakanya.

Sinundan ko ang tingin nito.

"Nethon!" sigaw ni Misha.

Pinasidahan ko ng tingin si Nethon, masyadong magulo ang buhok nito, wala ng kakulay kulay ang labi niya. Pero ang damit nitong puti ay may bahid ng kulay pula.

Saan ito galing? bakit ganito ang itsura nito. Mahigpit ang hawak niya sa hawakan sa hagdan at mabilis na bumaba. Andito lang ba ito buong mag damag?

"Where's Achelois? hindi ko siya nakita sa kwarto and her things" may kaba niyang sabi.

Natigilan naman ito nang dumapo ang tingin niya sa daddy niya.

"I hate you dad" nawalan ito ng malay pagkatapos niyang sabihin ito.

His Secret Affair ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon