Umalis na si kuya at ako naman ay nakatingin sa tatlong regalo. Ang isa nanggaling kay mommy ang isa kay kuya at ang isa naman kay daddy.
Hindi ko naman napigilan ang iyak ko.
Binuksan ko muna ang kay mommy at bumungad sa akin ang isang kulay bughaw na necklace napakaganda nito.
“thankyou mommy" bulong ko sa hangin.
Binuksan ko naman ang kay kuya at nakita ko ang dalawang susi. Napakunot ako ng nuo kung saan ko gagamitin ang susi.
At ang huli kay daddy bulinuksan ko ito at bumungad sa akin ang family picture namin.
“Daddy bakit?" napahagolgol nalang ako dahil sa sakit.
Kinain ko nalang ang dala ni kuya tsaka lumabas para ihatid ito sa kitchen. Nang pabalik na ako sa kwarto narinig kong nagsisigawan si daddy at kuya.
“Dad, bakit hindi mo man lang pinag laban si mommy? Ha!" galit na sigaw ni kuya habang umiiyak.
“Frank, hindi iyon madali. Please wag mong sabihin ang dahilan ng pagkamatay ng mommy mo kay Haziel" pagmamakaawa ni daddy
“At bakit ha!? Birthday niya ngayon dad! Kaarawan niya!! At ngayon pa mismo nangyari to!"
Napatakip ako sa bibig ko habang naririnig ang usapan nila.
“Frank, bata pa siya hindi niya pa to maiintindihan, pasensya na"
“Wala kang kwentang ama!"
Napatigil ako dahil sa sinabi ni kuya agad akong pumasok sa kwarto ko at umiiyak naman at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
***
“Baby gising na"
“Mommy 5 minutes pa wait lang" sabi ko sa kanya habang nakapikit parin ang mata.
“Baby si kuya to, wala na si mommy"
Napadilat ako ng mata sa narinig nag flashback naman sakin lahat ng nangyari kahapon.
Tumulo naman ang mga luha ko.
“Shhh wag ka nang umiyak, magbihis ka muna at dalhin mo ang lahat ng importante mong gamit duon ka tutuloy sa condo" sabi ni kuya habang pinipilit ngumiti
Sinunod ko nalang siya. Naligo ako at nag impake ng gamit.
Pumasok ulit si kuya para kunin ang mga dala-dala kung gamit at isinakay iyon sa kotse niya. Bumaba naman ako para sumunod sa kanya.
Nakita ko ang ilang maids na nakatingin samin habang nakangiti pero nakita ko sa mga mata nila ang lungkot.
“Tara na" sabi ni kuya habang pumasok sa driver sit
Pumasok na ako sa loob tsaka nag seatbelt.
3 hours rin ang byahe namin at nakatulog ako dahil sa maraming iniisip.
“Baby gising nandito na tayo" pag alog ni kuya sa akin
“Saan tayo kuya? Ang layo naman nito
“Nandito tayo sa Flock Nel isa sa pagmamay ari nating lupa. Naayos kuna lahat ng papeles dito muna ipagpapatuloy ang pag aaral mo" nakangiting sabi ni kuya
Nang bumaba kami napa wow ako sa ganda ng bahay. Sabi ni kuya condo daw pero bahay pala astig ang ganda at kulay blue pa favorite color ko. May dalawa ring sasakyang nakaparada sa sariling parking lot at ang isa ay motor.
"Kuya kanino tong bahay?"
“Binuksan mo ba ang regalo ko sayo kagabi?" tanong ni kuya
“oo, susi. Saan ko naman yun gagamitin? Wag mong sabi-" napatingin ako sa bahay at kay kuya myghadd
“Oo haziel ragalo koto sa iyo, Happy birthday ulit baby iloveyou" sabi ni kuya habang nakangiti.
Niyakap ko siya kaagad at hinalikan niya naman ako sa noo.
“Thankyou kuya ang ganda nito"
“Tara pasok na tayo"
Nung pumasok ako bumungad sa amin ang dalawang kasambahay at isang driver at isang security guard.
“Magandang araw po maam and sir" bati ng mga kasambahay.
“Goodmorning rin po" pagsagot naman ni kuya
Nilibot ko ang tingin maganda talaga.
Ang hagdanan ay gawa pa sa kahoy may pagka vintage ang bahay nato kaya nagustuhan ko kaagad dahil mahilig ako dun.
May pitong kwarto dito. Apat sa taas tatlo naman sa baba. Ang dalawang kwarto sa baba ay para sa mga maids ,driver at security ang isa naman ay guestroom.
Sa taas naman ang isa ay kwarto ko, isa naman ay library. Nang pumasok ako duon marami kaagad akong libro na nakita. May dalawang computer sa gilid at may dalawang circle table at long table sa gitna na para bang library sa school.
Nang pumasok naman ako sa isang silid bumungad sa akin ang ibat ibang music inatruments may gitara, piano, violin at iba pa. Malaki itong room natu habang sa kabilang gilid nitong instrument may apat na Computer at upuan na parang gaming center astig!
Ang isa namang room ay guestroom
ESTÁS LEYENDO
PROBLEM SOLVED
Novela JuvenilYan ganyan magaling kayo sa unahan Pero kapag nag ka problemahan Biglang nauuwi sa hiwalayan Tandaan mo ikaw ang naunang umamin Ngunit hindi mo naman pinanindigan Kaya sa huli ako tong nasasaktan Tiniis ko ang lahat ng sakit Kahit ako'y may malalan...
Chapter 1
Comenzar desde el principio
