I - Ang Alamat ng Plantsa

647 47 64
                                    

Kaizer

"KAINIS!!!" Sabay tagpas ko ng bolo sa kawawang damo.

Dahil hindi pa naman nagsisimula ang pasukan, heto tinutulungan ko si mama na maglinis ng garden niya na tinaniman ng iba't ibang gulay. May bakanteng lote kasi dito sa tabi ng mismong bahay nila Tita Tavia. Sabi ni mama sa kanila rin daw ang bakanteng lote na ito. Kaya nag suhestiyon si mama na gagawin niyang hardin dahil namimiss niya na rin daw ang buhay probinsiya. May hardin naman sa tapat ng bahay nila, ngunit sadyang nakalaan ito para sa mga halamang namumulaklak.

Sa tabi lang mismo ng hardin ay may nakatayong kubo na nagsisilbing pahingahan ni mama, na sa tingin ko ay magiging paboritong tambayan ko. Napakatahimik, maaliwalas at sariwa ang hangin. Malayo ito sa polusyong ikinakalat ng nilalang na kasama ko sa kwarto. Namimiss ko rin kasi ang buhay probinsiya.

"Hay naku ka talaga Kai! Pinaghirapan kong itanim yang okra na yan tapos tatagpasin mo lang?!" Galit na sabi ni mama.

'Ay oo nga okra pala ito. Akala ko kasi si Octavio. Sorry ma, sorry na, ma.' Sa isip ko.

"Ooops sorry ma. Nakakainis kasi!" Pagdadabog ko.

"Ano na naman ba problema mo diyan ha?"

"Nakakainis kasi yung bida sa wattpad, sinaktan niya si Jake. Bakit pa kasi hindi niya nalang aminin na mahal niya si Jake. Ampangit pa ng ginawa niyang paglayo, nag abroad siya tapos pagbalik niya sira na yung buhay ni Jake. Ang malala pa mahal naman pala siya nito. Kawawa naman si Jake." Pagrereklamo ko habang patuloy sa pagtatagpas ng mga ligaw na damong ilegal na tumutubo sa hardin. Naiinis kasi ako kay Kuya Ryan sa Ang Pinsan Kong Inosente.

"Hay naku ka talaga. Pati ba naman yan nirereklamo mo? Teka ano ba kasi yang wattpad na yan? Anong channel yan para mapanood ko rin."

Hay naku isa pa to.

"Hayyss! Wag na ma hindi nakakabata yon."

Pailing-iling nalang si mama na nagpupunas ng pawis na tumatagaktak sa mukha niya.

"Oh, kamusta naman kayo ni Rey? Hindi pa rin ba kayo magkasundo?" Wala sa hulog niyang tanong.

Ang totoo niyan si Rey talaga ang dahilan kung bakit ako naiinis. Nakita ko ba namang nasa loob ng inidoro yung toothbrush ko kaninang umaga. Tapos sasabihin niya accidentally daw itong nahulog doon. Eh kung isaksak ko sa bunganga hanggang lalamunan niya yon tapos sasabihin ko. 'Oops sorry accidentally kitang nasaksak.' Matutuwa kaya siya?

Naku ha, dalawang linggo palang akong namamalagi sa kanila andami ng kalokohang ginawa niya sa akin. Mabuti nalang kahit papaano ay master ko ang pagtitimpi. Naiintindihan ko naman siya dahil bahay nila ito. Pero hindi ko parin maiwasan minsan na patulan siya. Minsan nga naiisip kong gumati. Paano kaya kung paggising niya sa umaga ay nakataklob ang arenola ni mama sa mukha niya. Masaya kaya yon? Masubukan nga minsan.

"Naku ma, napakabait na bata. Maalaga, maalalahanin at magaling makipagkapwa tao."

"Eksaherada ka! Eh kung alam ko lang, siya naman talaga ang dahilan ng pagkabugnot mo."

Hindi nalang ako sumagot.

Ilang sandaling katahimikan.

"Alam mo nak, mabait naman talaga yang si Rey. Naging ganyan lang naman yan mula nung nadestino ang daddy niya sa ibang bansa. Ayon nagtampo. Papa's boy kasi yan. Umuuwi naman ang daddy niya taon-taon, pero ewan ko ba sa batang yan. Kaya ikaw wag kang susuko, tingin ko matutulungan mong mapatino ang batang yan."

Kung makapag reveal naman ni mama kala mo naman teleseye ito.

'Duh! Kung alam mo lang ma, konti nalang malapit ko na siyang gawing pataba sa lupa.'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Go-Between (BXB)Where stories live. Discover now