"Wayen nga! Yang bunganga mo, malandi!" ngumingiwing saway ni Polly nang makabawi sa mga pinagsasabi ni Wayen.

            Natawa naman kaming lahat sa sinabi Polly.

"So ano na? We need to resolve the two of you," Thisby said after laughing.

"Fine. I'm sorry that I called him jerk, okay? Ikaw na ang bahala kung ayaw mong maniwala sa akin. And besides, tinawag mo akong Barbie na walang utak!"

"Woaaahh! That was harsh, Santi!"

"My god, Polly, tinawag niya akong "little miss puppet", that I am groomed like a dog, and that I am full of crap that I could pass a toilet paper! Mas masakit siyang magsalita!"

"Daaaammnnn Tamsin! I couldn't imagine that you can use literary insult!" pumalakpak si Leto na tila niluwal niya ako at proud na proud siya sa ginawa ko. Of course, she will be. Literature yung isang course niya eh.

"Mas masakit kang magsalita Tamsin! Oh my god! Hindi ko talaga aakalain na meron pa lang ganyang insultuhan sa inyong dalawa," tumawa ng malakas si Thisby.

"Cheers sa inyong pangmatalinong trashtalkan!" sigaw ni Wayen at itinaas ang inumin nito. Nakuha naman naming ang atensyon ng mga boys dahil sa lakas ng tawa nga apat.

"Ang saya-saya natin ah!" pinagtabi nila Marco Polo and Liam ang kanilang bench and bench namin.

"Dude! Talagang nakakatawa! Akalain niyong may bardugalan palang naganap sa dalawang mutya ng section natin?" hindi pa rin tumitigil sa pagtawa si Wayen.

"Oh? Kaya pala panay tawag ni Tamtam na "bitch in the toilet" kay Santi #1," Santi #2 laughed.

"What? Santi #1?" naguguluhang tanong ni Santi #1.

"Kasi nga ako si Santi #2, the number 2 loser, at ikaw daw ang number 1," humalagpak ito ng tawa. Natawa na din ang mga kaklase namin sa mga narinig nila. Napanguso naman ako sa mga pinagsasabi ni Santi #2.

"Kita mo, Thisby! Mas mabait ako sa kanya. She call me names behind my back! Ako bitch lang tawag ko sa kanya pero sa kanya ang dami-dami!" sumbong ni Santi #1 kay Thisby. Niyakap naman ni Thisby si Santi #1. Lumapit naman sina Polly, Wayen, at Leto kay Santi #1 at nakiyakap, kunyaring nakikisimptaya kay Santi #1 na para bang niyurakan ko ang pagkatao nito.

"Tamo Tamtam ang sama ng ugali mo!"

Naiinis na sinuntok ko sa Santi #2 sa braso nito. "Ang daldal mo!"

Binalingan ko naman yung limang babae na tila pinakakaisahan ako. "Fine! masama na ang ugali ko. I'm sorry, okay?"

"Aaayy hindi sincere..." Leto smirked.

"Kung ako yan, hindi ko ito papatawarin," dagdag pa ni Santi #2.

"Fuck kayong dalawa Isaac Santino, Leto Aloysius! Pagnalasing kayo mamaya ilalaglag ko kayo sa river!"

"Chill nga, chill! Masyado kang hot! Tama na yung maganda ka na," itinaas ni Santi #2 ang dalawang kamay nito.

"Abaaaa! Bumabanat ka na ba my boy, Isaac? Kaya mo ata kinaibigan itong si Tamsin para makatsansing ka eh!" kantiyaw ni Kenzo. Inakbayan naman ako ni Santi #2.

"Hindi nga! Bahala kayo. Basta jowa ko na lang silang dalawa ni Leto. Patay na patay sila sa akin eh!"

"Ang kapal talaga ng mukha mo, Isaac/Santi #2!" sabay naming sigaw ni Leto. Kinurot ko naman ang tagiliran nito. Nagsitawanan naman ang mga classmates namin.

"Mukhang nagkakasiyahan tayo dito, ah."

Sabay na nagsibaling ang atensyon naming lahat sa nagsalita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ballad of the Street Lamps (Landmark Series 1)Where stories live. Discover now