Chapter 3

22 1 0
                                    




Tamsin's

            NATATAWANG LUMABAS kami nina Santi #2 ng classroom namin, as if hindi ako napahiya sa class, while Leto has this annoyed face. Kasi naman, her recit was so funny. She got caught off guard nang magkatotoo yung sinabi ko kaya na mental block ito.

            "Hanep ka talaga, Leto! Akala ko ba nag-aral ka?" Santi #2 laughed at Leto.

            "Bwisit kayong dalawa! Makakaganti rin ako. And besides, hindi naman ako pinagalitan ni sir kaya chill lang," nakangusong sabi ni Leto bago ako binalingan. "Eh, ikaw nga tiningnan mo yung kay Sir! Malandi ka!"

            Damn this girl. Why does she have to remind me of my stupidity?

            "Di ko alam na may pagkamanyak ka pala, Tamtam," Santi #2 smirked. Nakakairita talaga ang pagmumukha niya!

            "Shut up! Bahala na nga kayo jan!" I walked out.

            "Pikon," bulong nilang dalawa na narinig ko naman. Hinabol naman nila akong dalawa.

            "Ikaw naman. Wag kang pikon, dsai," Inakbayan ako ni Santi #2 nang maabutan niya ako. Inalis ko ang pagkakakbay nito sa akin bago ko tinapakan ang kanyang kanang paa.

            "Aray naman!" rekalamo nito. "Sadista! Pag ikaw naging asawa ko, iaapply ko sa'yo ang Article 36 ng Family Code kapag nagfile ako ng annulment case," nakangiwing sabi ni Santi #2 habang hawak ang nasaktang paa nito. Natawa naman ng malakas si Leto.

            "Shit! Wala pa ngang relasyon annulment agad ang pinag-uusapan. Imba ka talaga, kaibigang Isaac Santino," natatawang sabi ni Leto while tapping Santi #2's shoulder.

            "Yuck! I'm not even planning on entering a relationship with you, moron. You suck!" I raised my middle finger to Santi #2. He's so gross.

            "Oo na. Ang sama talaga ng ugali mo," he then rolled his eyes. Yes, he did. Tiningnan ko lang ito ng masama.

            "Ano, sabay ba tayong uuwi?" tanong ni Leto.

            "Dala ko yung kotse ko. Hatid ko na kayo," Santi #2 offered.

            "Si Leto na lang ang ihatid mo. Sasabay ako kay Cairo."

            "Okay. Ikaw ang bahala. Saan mo ba siya hihintayin? Hatid ka na lang namin dun," Santi #2 just shrugged at inakbayan si Leto.

            "Diyan lang naman sa Batibot. You just go to the parking lot. Don't mind me na lang," I shooed them away.

            "Fine. Goodnight, Tamtam!" Santi #2 said habang nakaakbay kay Leto. Well, it's normal for him to be that sweet and clingy to us. One time nga our classmates thought na may relasyon kaming dalawa ni Santi #2 and I was like: "Duuuhhh with that guy?" Then days later, they thought na baka si Leto talaga at si Santi #2. Pinagtawanan lang ni Leto ang mga classmates namin. Santi #2 even has the audacity to tell them na girlfriend niya kaming dalawa at patay na patay kami sa kanya. Ang kapal ng mukha niya.

            Nakarating na ako sa Batibot—which was a lonely tree in front of our building. There's even a myth that if umupo ka sa Batibot, you will not be able to graduate. I think that's absurd so I didn't mind sitting in this lonely tree.

            I already texted Cairo na sasabay ako sa kanya. We live in the same building naman kaya sa kanya na lang ako magpapahatid. I stopped using my car when I became friends with Santi #2. Siya na kasi ang naghahatid-sundo sa amin ni Leto. He's kind though sira-ulo at makapal lang talaga ang mukha.

Ballad of the Street Lamps (Landmark Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon