Chapter 4

21 1 0
                                    




Tamsin's

            HINDI AKO INUWI NILA LETO AT SANTI #2. They did not buy my reason. Ang tanga naman kasi nung sinabi ko kaya sino ang maniniwala? Dumeretso kaming tatlo sa condo ni Santi #2. Bawal kasi sa dorm ni Leto dahil all girls at ayaw naman nila sa condo ko kaya kay Santi #2 kami napadpad.

            "Seriously? Will you please cut it off?" naiiritang naupo ako sa sofa.

            "Nope. We will bother you kapag hindi ka nagsalita," nakangising sabi ni Leto and settled herself on the floor bago nilagay yung mga gamit niya sa coffee table. Dumeretso naman si Santi #2 sa room nito upang magpalit ng damit.

            "And besides, magsi-sleep over kayo dito dahil mag-o-all nighter tayo ngayon sa criminal law. Last minute plan lang ito. Nabobo kasi si Leto sa crim kaya ayun, nagbiglang plano," Santi #2 butt in. Kakalabas lang nito sa room nito. Tinapon nito sa mukha namin ni Leto ang dalawang t-shirt at boxers nito.

            "Ang bastos natin Isaac ah? Kailangan talaga sa mukha?" naiiritang sabi ni Leto sabay tapon ng sapatos nito sa gawi ni Santi #2. She's calling him Isaac. Ayaw niya sa trip kong Santi #2.

            "Sa susunod nga mag-iwan na lang kayo ng mga damit niyo dito," nakangusong sabi naman ni Santi #2 at umupo sa tabi ko. Binuksan nito ang bag nito at may kinuha. "Oh, nagrequest ako ng dalawang extra keycard ng condo ko. Itong password."

            "Iba ka talaga, Santi #2! Kaya mahal ka namin ni Leto eh," natatawang sabi ko at niyakap siya. Tumayo naman si Leto at umupo sa kabilang side ni Santi #2.

            "Iba ka talaga, friend!" yumakap din si Leto kay Santi #2. Well, sanay naman na kaming ganito kahit one month pa lang kaming magkakilala. I don't know. Maybe, the bond's just different because we understand each other's struggles, especially in law school. Silang dalawa talaga ang favorite classmates ko.

            "I'll also give you my extra keycards, just in case gusto niyo sa condo ko naman mag-all nighter," umalis na ako sa pagkakayakap ko kay Santi #2. Baka masanay eh.

            "Nakakairita yung condo mong pink at mukhang may sumukang unicorn, pero sige," sinabunutan ko naman si Santi #2 ng sabihin niya yun.

            "Iba talaga pag may condo mga friends mo," natatawang sabi naman ni Leto. "Buti na lang, user friendly ako."

            "Magbihis na nga kayo. I'll cook dinner. Anong gusto niyo?" tumayo na si Santi #2 sa sofa.

            "Adobo!" sabay naming sigaw ni Leto habang tumatakbo papuntang room ni Santi #2 upang magbihis.

            IT'S ALMOST 3:00am at gising na gising pa rin kaming tatlo. Malapit naman na kaming matapos sa mga cases na binabasa namin. Nakagawa na rin kami ng case digest ng bawat kaso para hindi na kami mahirapang magreview mamayang hapon.

            "Tapos ko nang idigest yung last case!" Leto yawned. Hinilot naman ni Santi #2 ang likod nito. Napahiga naman ako sa sahig dahil sa sobrang pagod. Nagkakalat naman yung mga highlighters and bondpapers sa sahig. Sa coffee table kasi kami nag-aral dahil trip naming tatlo.

            "Salamat naman at tapos na!" Santi #2 raised both of his arms, stretching.

            "So, porket tapos na tayo ay matutulog na tayo. Walang matutulog hanggat hindi nagsasalita ang iba jan," Leto looked at me. No shit! I thought they already forgot.

            "Fine, fine! nakakainis kayo!" I rolled my eyes at them. "Don't judge me, okay?"

            "Nanlalaki nga," Santi #2 smirked.

Ballad of the Street Lamps (Landmark Series 1)Where stories live. Discover now