PROLOGUE

2.7K 69 0
                                    

Author's POV

Sa isang kilala at sikat na universidad ay nag aaral ang ibat ibang mayayaman na tao, sikat na singer, artista, gangster at iba pa, pero sa pamamlakad ng may ari ng university ay kailanman ay hindi niya hinayaang gamitin ang kakayahan ng bawat estudyante sahalip ay naglunsad siya ng isang batas na lahat ay pantay pantay at walang manggugulo.

Kaya alas 9:00 palang ng gabe ay wala ng katao tao sa labas ng universirty, once a month lang nakakalabas ang estudyante sa university na ito maliban nalang kung may emergency.

Sa kalagitnaan ng gabe ay tanging huni na lang ng mga insekto sa pang gabe ang maririnig, hangin na humahaguyos sa lamig. Ngunit sa hindi lamang kalayuan sa kabilang building na ginagawa pa lamang ay makakarinig ka ng mga ingay.

Dalawang tao ang makikitang tila naghahabulan sa gitna at hindi pa maayos na building " Run martina ruuuunnn" nakakakilabot na sigaw ng babae.

Habang si martina naman ay paika ikang tumatakbo, hanggang sa napunta siya sa tapat ng isang room kung saan ay naiisipan niyang maaaring pagtaguan, agad siyang pumasok sa loob at nagpalinga linga sa loob ng room para maghanap ng mapagtataguan, ngunit tanging ang lamesa lang ang nakita niyang pagtataguan.

"Martina...!!?" Madiing tawag ng babae ngunit bakas ang nakakatakot at malamig nitong boses, sa sobrang takot ni martina ay agad nalang siyang nagtago sa ilalim ng lamesa, napaiyak na siya sa takot na baka mapatay siya ng babaeng humahabol sa kanya " i need to get out of here" bulong niya sa sarili habang namimilipit sa hapdi ng mga sugat na natamo niya.

" martina.......!!!" Malamig na boses ang tumawag muli sa pangalan ni martina, tinakpan niya nalang ng mahigpit ang bibig niya para pigilan ang paghikbi, nanlalaki ang mata niyang napatingin sa dalawang pares ng paa na nasa harapan niya kung saan siya nagtatago napapikit nalang siya sa takot na baka makita siya ng babae.

maya maya ay narinig niya ang pagsara ng pinto kaya nakahinga siya ng maluwag, akmang lalabas na sana siya ng biglang umangat sa ere ang lamesang pinagtataguan niya, nanlalaki ang mata niyang tumayo at tatakbo na sana ngunit nagulat siya ng biglang hawakan ng babae ang buhok niya, at buong pwersa nitong inihagis si martina.

" ahhhh, huhuhu" iyak na daing ni martina
Pilitin man niyang manlaban ngunit wala siyang kakayahan dahil sa mga sugat na natamo niya idagdag mo pa ang pamamanhid ng buong katawan niya dahil sa pagkakahagis sa knya. dahan dahang gumapang si martina ngunit na hawakan ng babae ang buhok ni martina.

Bahagya namang napaangat ng tingin si martina ng hilain ng babae ang buhok niya " ple...please do...dont kill me" iyak napagmamakaawa ni martina " did you know what have you done?" Madiing tanong ng babae ngunit tanging iling lang ang nasagot ni martina.

" come on dark queen, you're a brave girl why dont you fight me back or why dont you tell me the truth" kalmadong boses ng babae " wala akong sasabihin, dahil wala akong ginagawa" sagot ni martina.

" ganon ba? You're so hardheaded my dear, will hindi ako mahirap kausap and you already know that" nakakakilabot na banta ng babae

" please im begging you, dont kill me please" nagmamakaawang sabi ni martina " sa dami ng kasalanan mo sakin, satingin mo ba ay may dahilan pa ako para kaawaan ka?" Nakangising tanong ng babae " please " sambit ni martina

" okay " sagot naman ng babae agad itong tumayo sa pagkakaupo at binitawan ang buhok ni martina bago tumalikod " uto uto ka talaga" bulong ni martina

agad na kinuha ni martina ang binitawang shurekin ng babae at akmang hahagisan ang nakatalikod na babae ngunit nagulat nalang siya ng bigla siyang bumulagta.

Napaaubo pa ito ng dugo at nahihirapan ng huminga, " bibigyan na sana kita ng chance to still you alive pero akalin mong ikaw na ang nagmadaling tapusin ang buhay mo" nakangising saad ng babae.

binunot nito ang katanang bumaon sa noo ni martina pagkatapos ay sinaksak ng dalawang beses sa dibdib, dahilan para tuluyang mawalan ng buhay si martina.
Agad agad namang umalis ang babae na puno ng dugo ang mga kamay ....








Thats for prologue i hope you will support me, kapag naayos ko to i promise gagawa ulit ako ng new story

Love lots

HIDDEN DEMON (Book1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora