호시3

56 5 0
                                    


"Lia! Ang sakit ng ulo ko!" Reklamo sa kanya ni Sab.

"Ikaw pa talaga ang nagrereklamo! Paano naman ako na nag-uwi sayo? Kagabi pa sumasakit ulo ko sayo no!" Papasok sila sa klase ng umaga na iyon.

"I hate hangover!" Sabi pa nito.

"Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sayo."

Nang makarating sila sa klase nila ay naabutan nila ang mga kaklase nila na parang may pinagkakaguluhan.

"Sana nagpunta tayo kagabi!"

"Kung alam ko lang! Sayang talaga!"

Sunod sunod na sabi ng mga kaklase nilang babae.

"Ano bang meron?" Para naman nawala ang sakit ng ulo ni Sab sa narinig. Pag chismis nga naman mabilis pa sa kidlat ang kaibigan niya.

"Nasa Itaewon daw si Wonwoo at Hoshi kagabi!" Parehong nanlaki ang mata nila.

"Omgee?! Totoo?! Lia! Ba't di natin sila nakita?!" Madramang hinawakan nito ang balikat niya at inalog alog siya.

"Sab nahihilo ako sayo! Pumirmis ka nga!" Gawin ba naman siyang rag doll.

Nagsimula na silang magsiupuan nang pumasok na ang Instructor nila para sa subject na iyon.

Wala pa man twenty minutes na nagsimula ang klase nila ay biglang may tumunog na cellphone. Sa sobrang lakas nito ay napatingin sa kanya ang mga kaklase niya.

Nagtaka pa siya dahil hindi sa kanya pamilyar ang ringing tone pero nang hanapin niya ang nagriring na phone ay nasa loob pala iyon ng bag niya.

Nanlaki ang niya nang mapagtanto na hindi pala niya naibigay ang cellphone sa lalaki kagabi.

"Miss Kim? Please turn off your phone If you don't want me to confiscate it." Agad naman niya iyon pinatay. Mamaya na lang niya iyon iintindihan pagkatapos ng klase nila.

***

"Lia nag palit ka ng phone?" Tanong sa kanya ni Sab habang nasa canteen sila para kumain ng lunch.

"Ay oo nga pala!" Nilabas niya ang phone at binuksan nang maalala niya ito.

"Wow naman yayamanin! Pinakalatest yan na Iphone ha? Nasan na yung 8 mo?" Usisa naman sa kanya nito.

"Baliw! Nalimutan ko 'tong ibigay sa tumulong sa atin kagabi." Napakunot ng noo si Sab sa sinabi niya.

"May kasama tayo kagabi?" Nanlalaki pa ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Ay wala. Para ka ngang baliw doon na nagsasasayaw kagabi. Nakakahiya jusco! Buti na lang tinulungan nila tayong makauwi."

"Now that I remember—Alam mo bang may nakasayaw ako kagabi! Kamukha ni Wonwoo!"

"Alam mo din? Iniisip mo lang yan kasi nalaman mong nasa itaewon sila kagabi." Bigla ay parang napaisip siya. Inilala niya kagabi ang itchura ng mga tumulong sa kanila. She never thought how weird their outfits were until now. Pareho kasing nakahoodie ang dalawa. Hindi na niya masyadong matandaan ang mukha ng dalawa dahil sa madilim ang lugar at medyo lasing na din siya.

"Psh, panira ka talaga no? Masama na bang mag-fan girl ngayon?" Inirapan lang niya ito.

Natigil silang dalawa nang magring ulit ang phone.

"Seungcheol Hyung?" Basa ni Lia sa caller ID.

"Ha? Sino yung tumatawag?"

"Seungcheol Hyung." Iniharap niya sa kaibigan ang phone.

Seventeen Series 1: GOOD TO ME [Hoshi]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora