"Hindi naman. Second time na rin siguro. No'ng una, kami ni Clara magkasama pero hindi sa lugar na pupuntahan natin ngayon. Iba pa 'yon," sagot ko at muli ulit na sumubo.

Nang matapos akong kumain, nagsimula na ulit kaming bumiyahe.

This time, tahimik lang si Bright. Nakakunot pa ang noo na parang ang lalim ng iniisip.

"Ano iniisip mo?"

Nabigla siya sa tanong ko pagkalingon niya. I chuckled. "Ang lalim kasi ng iniisip mo. May problema?"

Mabilis siyang umiling. Binalik ko naman ulit sa daan ang tingin. Baka mabangga pa kami kapag hindi ako tumingin at nag-focus.

Muli akong tumingin sa kanya at agad na napansin ang suot niyang bracelet. "Ano 'yan?"

Bumaba ang tingin siya sa kamay niya na nginuso ko. Mabilis niya iyong tinago sa akin at umiling-iling. "Wala. Bracelet lang."

I stared at him and sighed.

Hindi na rin ako nagtanong at mas nagfocus na  lang sa pagmamaneho lalo na at malapit na kami.

*

"Nandito na tayo?" tanong niya. Kahihinto lang ng sasakyan. Tumango naman ako at mabilis na lumabas. Nilibot ko rin ang tingin sa lugar.

Nang makarating na kami sa specific place kung saan located ang Nagpatong, I asked then an assistance. Matapos ang lahat, may nakuha na rin akong tour guide.

"Ready na po kayo, sir?" tanong sa akin ng guide. Tumango naman ako. Bago sumunod sa kanya, tumingin muna ako kay Bright at nginitian siya bago sinenyasan.

Nagsimula na akong maglakad. Sinuot ko kaagad ang dalang cap ko. Nakasunod lang ako sa guide. Tahimik. Napagmamasdan ko rin ang paligid. Ang tahimik. Puro mga matatayog na mga puno.

But I know, when we reach there, it would be worth it.

Nang mapagod ay huminto muna ako pero pagkalingon ko kay Bright, mukhang hindi man lang siya tinablan ng pagod. Sabagay, multo naman kasi siya, e. So, ano ba ang ine-expect natin sa isang multo?

Pero sobrang saya ko naman kasi nakikita kong masaya siya. Kung nag-eenjoy siya, mag-eenjoy na rin ako. I mean, alam mo 'yong kapag nakikita mo ang taong importante sa'yo na masaya, magiging sobrang saya ka na rin at maiisip mong ang lahat ng gagawin mo ay worth it kasi napasaya mo siya. Napasaya mo ang taong gusto mong sumaya.

Ngayon, napasaya ko si Bright and it's enough already para maging masaya rin ako.

"Tuloy na natin, Sir?" sigaw na tanong guide na nakahinto rin pala. Mabilis akong tumango at nagsimula na ulit na maglakad.

Huminto ang guide kaya huminto rin ako. May nakita naman akong hagdan. Tinignan ko iyon at papunta iyon sa taas. Sa tuktok. Pinunasan ko ang noo kong sobrang pinagpapawisan na. Namaywang ako.

"Nandito na tayo, Sir. Ito na ang huling dadaanan para makarating sa tuktok," sabi niya.

Tumango ako at nagsimula na akong umakyat sa hagdan matapos niyang magbilin ng mga do's and dont's sa akin. Dahan-dahan. Nakasunod naman sa akin si Bright.

"Mauna ka na kaya sa itaas?" suhestiyon ko sa kanya. Nginusuan niya ako at umiling.

"Ayoko! Gusto ko sabay tayo," sabi niya. Nagkibit na lang ako at nagpatuloy na sa pag-akyat. Naramdaman ko na rin ang malakas na hangin. Malamig.

Nang tuluyan na akong nakaakyat, I was amazed by the view. So mesmerizing!

"Wow!" sobrang ganda ng paligid. The wind was so refreshing.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now