Note 5

3 0 0
                                    

Natalie's POV

Sinalubong ako ni Athena pagdating ko. Nakaayos siya at mukhang hindi bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha subalit alam kong kinakabahan din siya gaya ko. Mahaba ang buhok niya na kinulayan ng medyo kahel na scarlet ang kulay ng kanyang buhok na maalon, may itim na laso sa kanyang ulo na mistulang head band. May kaputian siya at maganda ang aking pinsan na hanggang ngayon ay wala pa ring nobyo.

Lumapit siya sa akin nang makita ako sa lobby kung saan niya ako hinihintay. Hindi ko magawang lumapit dahil ayokong marinig kung masamang balita man ang sasabihin niya. Nang malapit na siya sa akin ay ibinuka niya ang kanyang mga bisig upang yakapin ako.

Hindi ako umiimik at nanatili na lamang na nakatulala sa hangin habang mahigpit ang yakap niya sa akin. Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi si April, ano na ba talagang kalagayan niya bakit siya nagkakaganito?

Hindi ko man nakikita pero alam kong lumuluha si Athena dahil sa paghikbi niya na naririnig ko.

"Si April? Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko sa kanya at pagkatapos ay kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Tiningnan niya ako sa mata at nagpunas ng luha. Hindi ko napansin na tumutulo na rin ang luha sa aking mga mata gayong hindi ko pa naman alam kung ano talagang nangyari.

"Si April... Comatose siya ngayon..." Wika niya at pagkatapos ay yumuko marahil ay upang hindi makita ang magiging reaksyon ko.

"A-ano? Paano? Anong nangyari?... Bakit?" Sunod na sunod na tanong ko. Gusto ko siyang makita. Hindi ko alam kung uunahin ko pa ba ang pakikipagtsismisan kay Athena o ang anak ko.

"Sumunod ka sa akin, ipapaliwanag ko sa iyo habang naglalakad tayo." Wika niya at agad naman akong sumang-ayon. Sinundan ko lamang siya dahil siya ang nakakaalam kung nasaan ang silid ni April.

Naglakad kami sa pasilyo at sumakay ng elevator paakyat.

"Nabangga si April ng sasakyan, habang pauwi na daw siya sa inyo." Napatingin ako nang mag-salita si Athena habang nagpipindot sa elevator. Diretso lamang ang tingin niya "Ang sabi ng mga nakakita may lalaki daw na humahabol sa kanya kaya siya nabangga"

Nanlaki ang mga mata ko sa mga narinig ko.

"Naireport na ba ito sa mga pulis?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya bilang tugon.

"Oo, pero yung lalaki na iyon hanggang ngayon hindi pa rin siya nahuhuli. Walang ideya ang mga pulis kung sino ang lalaking iyon, lalo pa't hindi pa nagigising si April pero yung driver ng nakabanggang sasakyan nasa presinto na." Paliwanag niya. Hindi ako gaanong nabahala tungkol sa taong nakabangga kundi doon sa humahabol sa kanya. Marahil aksidente nga lang ang nangyari pero kung may humahabol sa kanya ang ibig sabihin may nagtatangka sa buhay ni April.

*ting*

Tumunog na ang elevator at pagkatapos ay nagbukas ito. Isang pasilyo na naman ang bumungad sa amin at muli ko na namang sinundan si Athena. Nagtungo siya sa kanan at sunod-sunod ang mga silid na aming nadaanan. Maya-maya pa'y huminto kami sa tapat ng isang private room, marahil ay ito na nga ang silid ni April.

Binuksan iyon ni Athena habang ako'y hindi alam ang gagawin sa sobrang pag-aalala. Bumungad sa amin ang matinis na tunog ng vital signs monitor. Nasa higaan naman si April at balot ng benda ang katawan may suporta din ang kanyang leeg at puro pasa ang kanyang mukha. Bigla akong nakadama ng awa sa anak ko at agad ko siyang nilapitan. Naiwan naman si Athena sa pinto at pinagmasdan lamang ako.

Tinitigan ko ng maigi ang mukha ni April, halos manlumo ako sa sinapit niya. Kung maaari sanang ako na lang ang nasa higaan na iyan at hindi siya gagawin ko. Gusto ko man siyang hagkan ay hindi pwede, baka lumala ang mga tama niya sa katawan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Notes of AprilWhere stories live. Discover now