"Uhhh. So, may katabi akong multo ngayon?" paniniguro ni Carl. Clara slowly nodded. Carl also nodded and then faced my side.

"Nice to meet you!"

Ngumiti ako at plano ko sana na guluhin ang buhok niya pero tumagos lang ang kamay ko. Ano ba 'yan.

Napagawi naman ako kay Clara na humalakhak. Binalik ko kay Carl ang tingin saka ako sumagot.

"Nice to meet you rin!"

"Nice to meet you rin daw, Carl," pagpaabot ni Clara sa kapatid sa sinabi ko. Napabaling ako kay Haze na nakatingin kay Clara.

"May paraan kaya para makita ko rin sila gaya mo, Clar?" biglang singit ni Haze. Nahinto si Clara at napakunot ang noo.

"Bakit mo natanong?"

Umiling si Haze. "Wala. Just curious lang. Sige, kain na tayo kasi may lakad pa tayo."

Clara just nodded at nagpatuloy na sa kinakain.

After kumain, umupo lang ako sa sofa at nakatingin sa kamay ng orasan na tumatakbo. Alas otso pa lang ng umaga.

Si Haze at Clara ay nasa taas. Nagbibihis pa siguro si Clara. Tahimik lang ako at pinagmamasdan ang loob ng bahay nila Clara. Malaki ito na mukhang old style ang disenyo. Mukhang matagal na rin ito.

Tumayo ako at naglakad paakyat sa kwarto ni Clara. Ang tagal kasi nila, e. Pagkapasok ko sa kwarto ay nadatnan ko silang magkayakap.

Nakangiti akong nakatitig sa kanila. I wish them a good relationship. Ako kaya? May girlfriend kaya ako noon? Pero wala namang dumalaw sa akin so baka wala akong girlfriend o baka kaya ay nagbreak na kami no'n bago pa man ako mamatay.

Nang kumawala si Clara, mabilis akong lumabas kasi baka makita niya ako. Bumalik ako sa sala at umupo.

*

"So, ready na ba ang lahat?" tanong ni Clara.

"I guess so," Haze replied.

"Kung ganoon, tara na!" sigaw ni Clara at pumasok na sa shotgun. Haze walked to the driver's side at pumasok na rin. Ako naman ay pumasok sa backseat.

Nilingon ako ni Clara.

"Okay ka ba diyan?"

Tumango ako and smiled assuring her that I am fine.

Haze looked at the rearview kaya nagtama ang mga mata namin. I smiled at him.

Nang umandar na ang sasakyan, tahimik lang ako at nakamasid sa labas pero nang maalala ko si Carl ay nagtanong ako.

"Okay lang kaya si Carl na mag-isa doon sa bahay niyo?" tanong ko.

"Sanay na 'yon," sagot ni Clara.

Nagulat naman si Haze sa biglaang pagsasalita ni Clara. Natawa ako at ganoon din si Clara.

"Hindi pa ata ako masasanay na bigla kang magsasalita Clar. Technically speaking, para kang nagsasalita mag-isa kasi walang tao na nag-e-exist na kausap mo. Others would think the same way except sa akin," Haze laughed.

Natawang muli si Clara at napatingin sa akin sa rearview.

The two-hour drive seems to be just a snap of the clock kasi papalapit na talaga kami sa university na sinasabi ni Clara.

"Ito 'yong daan na nakita ko. May mga nagbago lang kasi may mga ibang bagay na nandito na ngayon na wala sa nakita ko," kuwento ni Clara habang nakatingin sa labas.

Hanggang sa nasa malapit na kami sa gate. Hininto ni Haze at sinabi na dito na kami bababa kasi bawal magpark sa tapat ng gate.

Nang makalabas na kaming tatlo, nilibot muna nila ang buong lugar. Si Haze naman ay nakakunot ang noo at hindi ko maipaliwanag ang mukha.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now