BS #15: AYAW PA

358K 4.9K 562
                                    

BS #15: AYAW PA

********

MELISSA QUIZON

"Ibaba mo nalang siya sa kwarto niya." Sabi ko kay Eugene habang buhat-buhat nito ang natutulog kong anak. Napagod kasi siya kakasali sa iba’t-ibang laro. Halos dapit-hapon na natapos ang event kaya gabi na kami nakauwi.

Tumango si Eugene at nagdire-diretso na sa pinto ng kwarto ni Reid. Ibinaba ko ang mga bag na pinaglalagyan ng mga ginamit naming kanina. Isa-isa kong nilabas yung container ng pagkain at inilagay sa lababo. Kung bukas ko pa kasi aasikasuhin iyon, malamang mabaho na ang amoy nito.

Pagharap ko ay nakita kong nakatayo si Eugene. Kita ko ang pagod at saya sa mga mata nito habang nakatitig sa akin. Siya kasi palagi ang kinukulit ni Reid dahil gusto nitong mag-swimming sa malalim na bahagi ng pool. Hindi naman ako marunong lumangoy kaya si Eugene nalang ang inaaya niya.

Pinunasan ko ang kamay ko. "Gusto mo ng chocolate cake?"

Hinawi nito ang buhok ko sa likod ng aking tainga. "'Wag ka ng mag-abala, alam kong napagod ka din."

Lumapit siya sa akin. Napapikit ako nang marahan nitong halikan ang aking noo.

"Eugene.." Mahina kong sabi nang magtama ang aming mga mata. "Are you really willing to wait?"

"Yeah." Hinaplos ng hinlalaki nito ang pisngi ko. "You know I can."

Nakita ko ang sincerity sa mata niya.

"I'm sorry kung nahihirapan tayong dalawa sa sitwasyon natin." Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko. "I can't just love you with my broken pieces. It will hurt us both, Eugene."

Tumango ito. Pumaikot ang mga braso niya sa balikat ko. Narinig ko ang malakas at mabilis na pagpintig ng puso niya. Pinakiramdaman ko rin yung akin, hindi, hindi iyon kasing bilis ng pintig ng puso niya. Gusto kong mahalin si Eugene. Pero, parang may kung anong puwersa ang pumipigil sa akin.

"Don't let your anger consume you." Lumayo siya at bumaba ang mukha nito para bigyan ako ng marahang halik sa pisngi. "Good Night, Mel."

"Good Night."

Hinintay ko pang mawala sa paningin ko ang kotse ni Eugene bago ko tuluyang isara yung pinto. Ini-lock ko iyon at dumiretso sa kwarto ni Reid. Nakahiga na ito sa kama niya at himbing na himbing sa pagtulog. Kumuha ako sa cabinet niya ng pajama, may tatak iyong transformers, saka lumapit kay Reid para bihisan ito.

Dahan-dahan kong tinanggal ang damit nito at pinalitan ng pajama. Mas magiging komportable ito kung pajama ang suot niya. Hinalikan ko siya sa noo bago dahan-dahang sinara ang pinto ng kwarto nito. Inasikaso ko naman ang sarili ko bago ako matulog. Sinuot ko yung pajama na katerno ng pajama ni Reid. Humiga ako sa kama ko. Dala na siguro ng pagod, bumigat na ang talukap ng mga mata ko.

Tatlong araw ang lumipas na hindi nagpaparamdam si Wright sa amin. Ipinagpasalamat ko naman na hindi na niya ako ginugulo. Mukhang natanggap na niya ang katotohanan na hindi ko na siya kayang tanggapin pa.

Pagkatapos kong ihatid si Reid sa school niya ay pumasok naman ako sa trabaho. Binati ko ang ibang co-teachers ko pagkapasok ko ng faculty room. Ibinaba ko yung gamit ko sa ibabaw ng lamesa at umupo sa upuan.

“Oh, my gosh! Break na sila?” Nilingon ko si Ellyza. Nakatitig ito sa may telebisyon. Halos lahat ng co-teachers ko ay napatigil sa ginagawa nila nang makitang may balita kay Wright.

“Wright Agoncillo and Claire Dela Rosa already broke up?!” Iyan ang naka-caption habang pinapakita ang mga picture ni Claire at Wright na magkayakap sa loob ng isang eksklusibong restaurant. “And Mr. Wright Agoncillo confirmed it!”

Biglang nagpop ang video kung saan napaliligiran ng media si Wright habang ang mga security personel ay hirap na hirap na protektahan ito.

“Yes. We already broke up. Actually, matagal na. Bago pa ako umuwi sa Pilipinas, wala na kami. But, we’re still friends.” Sabi ni Wright habang nahihirapan itong maglakad dahil sa tulakan ng iba’t-ibang media men.

“Wright, may nakakita sa’yo na pumasok sa simbahan pagkatapos mong magpunta ng isang resort. Ano ang ginawa mo doon?” Tanong ng isang media man.

“No comment.” Simpleng sagot ni Wright.

“Wala ka bang dine-date ngayon?” Sigaw ng babaeng reporter.

Ngumiti ng malungkot si Wright. “Wala. Ayaw pa kasi sa akin nung babaeng gusto ko.”

Mabilis na pumintig ang puso ko nang tumingin siya sa camera. Lalong nagkagulo ang Press sa sinabi niyang iyon. Nagkakandarapa pa rin ang mga ito sa pag-interview kay Wright kahit na nakasarado na ang elevator na sinakyan nito.

“Hala! May pag-asa na tayo!” Kinikilig na sabi ng co-teacher ko. “Pero, halata naming break na sila ni Claire, ‘diba? Nakikipag-date na nga si Claire sa ibang lalaki, e.”

“Oo nga. Masyado kasing private ang life ng My loves ko.” Saad ni Hilda.

Sikreto akong umismid sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis ngayon. Naiirita ako. Ano naman kung may babae na siyang natitipuhan ngayon. Ano naman ang pakielam ko?! Mabuti nga iyon at titigilan na niya kami.

“Syempre. Artista siya at multinational businessman pa. Grabe.” Kwento ni Marites. Nakikinig lang ako sa usapan nila.

Bigla-bigla nalang ay nagkagulo sa labas ng faculty room naming. Hindi ko na sana iyon papansinin kung hindi lang nagtakbuhan ang mga co-teachers ko para tingnan kung sino yung nasa labas. Baka mamaya may  bago lang kaming estudyante at anak ng isang kilalang personalidad kaya pinagkakaguluhan. Madalas naming nangyayari iyon since, exculsive musical school naman ang pinagtatrabahahuan namin.

Dinala ko yung mga papel na naglalaman ng mga musical notes dahil Piano keys ang ituturo ko ngayon sa mga estudyante ko. Inaayos ko iyon habang naglalakad nang may masangga ako habang papalabas ako ng faculty.

“Ay! Sor—“ Goddamnit!

“Hi.” Nakangiting bati ni Wright sa akin.

-------

UNEDITED.

Pasensya at mabibitin. Iyan lang ang nakayanan ko dahil nagkaka-writer’s block ako. :3 Sorry sa typos at grammatical errors. Umpisa na ng pasok ko sa lunes. So, medyo matatagalan po ang UD. Pero pipilitin kop o talagang mag-UD hangga’t hindi pa seryosohan ang school days. Salamat.

UPLOADED: June 5, 2014

SWEETKITKAT LOVES YOU ALL!!

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon