BS #2: TRUST ISSUE

399K 4.7K 849
                                    

WARNING: MEDYO SPG PO!

******

NEW BS#2: TRUST ISSUE

********

MELISSA QUIZON

KINABUKASAN ay wala akong na-receive ni isang text ni Wright. Wala kaming pasok ngayon dahil Sabado. Ito yung araw na pupunta dapat si Wright kila Raquel dahil kaarawan ng kapatid nito. May tiwala ako kay Wright, alam kong hindi nya sisirain ang tiwala ko. Baka naman busy lang ito sa mga projects at pagre-review dahil malapit na ang Midterm.

Magkagayunman ay inintay ko pa rin ang text o tawag nito hanggang sa maggabi. Hindi na ako makatiis ay ako na mismo ang tumawag dito. Matagal bago nito sagutin ang tawag.

"Babe." sagot nito. Bakit parang medyo maingay yung lugar? Baka siguro naka-radio.

"Asan ka?" tanong ko. Mahinahon lang ang boses ko. Humiga ako sa kama. Niyakap ko ang unan ko habang nasa tenga ang cellphone.

"I don't wanna lie to you, Melissa. But-----"

"Yow, Wright! Let's go! Tinatawag na tayo ni Raquel!" narinig ko ang boses ng isang lalaki na parang nasa tabi lang ni Wright.

Nagsalubong ang kilay ko. Raquel? What the what?!

"You. Broke. Your. Promise." madiin kong sabi. Tumataas na rin ang dugo ko sa galit.

"No-- err, Yes! Pero napilit lang ako nila Fier." Huminga ito ng malalim. "Babe.. We should have time for friends. You know----"

"Fine. Pakasaya ka, ha?" sarkastiko kong sabi. Hindi ko na inantay pang makapagsalita ito at pinatay ko na ang cellphone ko.

Pagkagising kinaumagahan ay nakasimangot ako at patay pa rin ang cellphone ko. Naiinis ako kay Wright. Inis na inis. May tiwala naman ako sa kanya, eh. Kay Raquel ako nawawalan ng tiwala, paano kung lasingin nya si Wright? Takte! I wasn't born yesterday! Alam kong gagawa sya ng paraan para mapunta sa kanya si Wright! That Flirty Bitch!

Kasalukuyan akong nagwawalis ng bakuran namin. Kailangan kong ibaling sa iba ang atensyon ko dahil kung hindi, baka makapatay ako ng tao. At yung tao na yun ay walang iba kundi si Wright Agoncillo!

Ilalagay ko na sana yung mga natuyong dahon sa dustpan nung may biglang bumusina. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang dustpan at kumalat na naman yung dahon. Handa ko na sanang sigawan yung nambusina ngunit umurong ang dila ko ng makita ko kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyan.

The mighty Wright 'Jerk' Agoncillo. Ang itim nitong Lamborghini ay nakahinto sa gilid ng bakuran namin. Bawat nagdadaang tao ay hindi maiiwasang tumingin sa kotse nito, lalong-lalo na sa nagmamay-ari niyon. Nakaitim itong damit na hapit sa katawan nito at nakapantalon kaya umaangat pa lalo ang kakisigan nito. Bawat kababaihan na dumadaan ay parang namamalipit sa sobrang kilig at pa-cute dito. Muntik na akong mapanganga nang hubarin nito ang mamahaling shades at tumingin sakin.

Tumikhim ako at mataray itong tiningnan. Huminga ito ng malalim at lumakad papunta sakin. Muli kong ibinalik ang inis rito.

"What are you doing here?" I smirked.

"Usap tayo." Mahinahong sabi nito. Sinubukan nitong hawakan ang braso ko pero agad kong hinawi iyon.

"How's the party?" nang-uuyam kong sabi.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Where stories live. Discover now