CHAPTER 47 : THE STAGE PLAY PROPOSAL

27 4 2
                                    

Chapter 47 :
The Stage Play Proposal
( EPIC FAIL )

Dedicated to : BabyLoveNiSevi
Thank you ❤❤
__
SOFIA's POV :

Masyado akong nabibilisan sa mga nangyayari

Hindi na tutol samin ni dax si dad pero gusto naman niya ikasal na kami agad

Si Kier naman ikakasal na din pero sa bestfriend kong si sheena

Ang kuya ko naman kahit hindi niya sabihin sakin alam kong may problema siya, Hindi na siya yung bradley na masiyahing nakilala ko.. lagi siyang nakakulong sa kwarto at nag giguitara at ayaw makipag usap maski sakin.

Nasa harap ako ng kwarto ni brad ngayon ay may dalang pagkain.

Hindi kasi ito bumaba para kumain kaninang tanghalian

(Kumatok ako)

walang sumagot pero patuloy lang ang pag guitara nito

(Kumatok ulit)

"Kuya .. ako to"

"I'm okay iya, kung may dala kang food ibalik mo na yan sa baba, wala akong ganang kumain" sabi nito

"Ayoko! Hindi ako aalis dito hanggat di mo ito kinukuha"

(Katahimikan)

Tumigil ito sa pag guitara pero wala akong yabag na naririnig.

Hindi ko tuloy alam kung palapit na ba ito sa pinto para pag buksan ako o hindi

10 minuto ako sa ganung pwesto at naghihintay na buksan ni brad ang pinto

Nawawalan nako ng pag asa na lalabas pa siya

Nang biglang bumukas ang pinto

"Akin na" sabi ni brad na inaabot ang hawak ko

Pero diko yun binigay

Bagkus, lumakad ako palapit dito at mabilis na pumasok

"What are you doing iya!" Nabiglang sabi ni brad na hinawakan ang kamay ko pero nagpumilit pa din akong tuluyang makapasok

Nabigla ako pagkita ko sa loob ng kwarto ni brad

Napakagulo ng kwarto, yung mga damit at gamit niya sabog sabog at naka hagis lang kung saan saan tapos may nakita pakong in can na alak (RH) na nakakalat din sa sahig

"Ano bang problema mo kuya?" Sabi ko dito nung humarap ako muli sa kaniya "sabihin mo na sakin.. kapatid mo ako"

"No need iya, wala lang naman ito!"

"Kuya naman eh.. di ako aalis ng kwarto mo hanggat di mo sinasabi sakin kung bakit ka nagkakaganyan"

"It's nothing!" sabi ni brad saka kinuha yung hawak kong pagkain at sumenyas ito na lumabas nako

"Siguro wala akong kwentang kapatid para sayo.. hindi mo magawang sabihin sakin kung ano problema mo.. para kang si sheena.. hindi niya din masabi sakin yung problema niya!" Pagdadrama ko dito (para makunsensiya)

nakita kong napataim bagang ito sa sinabi ko at kitang kita ko din ang pagkuyom ng palad nito

parang may bumbilyang umilaw sa ulo ko

"Bakla ka kuya??!" napabulalas ko

"What??!" -Bradley

"Eh kasi nagkaganyan ka nung nalaman mo na ikakasal na si kier at sheena .. imposible namang si sheena ang gusto mo kasi matagal na tayong magtotropa at siga pang kumilos sayo yun.. kaya it means.. type mo si kier.. OMG!!" nanlalaking mata kong sabi

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CHASING THE CAMPUS HEARTTHROBWhere stories live. Discover now