CHAPTER 25 : OUR FIRST DAY TOGETHER

123 14 3
                                    


SOFiA's
point of view

___

totoo ba to?

akin na siya?
at
sa kaniya lang ako?

kung nananaginip ako..

wag nyo kong gigisingin!!
please lang! ^.^

nga pala..

hindi pa tapos pagmomoment namin ni daxx

andito pa din kami sa bahay

ng dalawa lang kami

simula nung sinabi ni daxx na
girlfriend na niya ako

wala pang lumalabas sa bibig ko kahit na isang salita

hindi ko alam kung na shock lang talaga ako masyado

o

hindi lang talaga ako makapaniwala na nagkatotoo na ang matagal ko ng pinapangarap

ayaw talagang mag sink in sa utak ko eh!

ang alam ko kasi hanggang pangarap lang talaga ako kay daxx..

never niya kong magugustuhan

never niya kong mamahalin

at never ding magiging kami

kaya naiisip ko baka imagination ko lang yung kanina? ..

napatingin ako kay daxx

tahimik lang itong kumakain

pagkakataon ko na para titigan siya habang naka yuko siya

walang tulak kabigin sa kaniya..

kahit saang angle ng mukha siya tignan

.. gwapo talaga!

ang pino niya ding kumilos..
daig niya pa ako..

tiaka astig niyang tignan kahit sa simpleng pag bagay na ginagawa niya!

..

nang bigla itong nag angat ng mukha

nabilaukan ako dahil dun

UBO.UBO.UBO

ngumiti naman ito at tumayo palapit sakin

'i told you to be careful.. sabihin mo nalang kasi kung gusto mo akong titigan.. pagbibigyan naman kita eh, kahit magdamag mo kong titigan okay lang basta tapusin mo muna yung kinakain mo' sabi nito sabay tawa

napatitig lang ako sa kaniya

sweet siya sakin???

edi hindi ako nag iimagine o nananaginip kanina??

'simula nung sinabi kong boyfriend mona ako, at girlfriend na kita.. wala ka pang sinasabi kahit na isang salita.. hindi ko tuloy alam kung masaya ka ba o ayaw mo akong maging boyfriend!'
saka ito tumayo at lumakad papunta sa sala

'DAXX sandali........' tawag ko sa kaniya na  sobrang kaba,takot,saya at pag alinlangan ang nararamdaman sa dibdib ko

hindi ko alam paano magreact eh
baka kasi masabihan nanaman akong assuming

tumigil sa paglakad si daxx at humarap sakin

'what??' sabi  nito na nakasalubong na ang kilay

awwww..
galit na siya..
ayun na nagbago na ang mood niya ;(

'ah.... eh... sa-saan ka pupunta?? eh kasi.. kasi.... hindi ko kayang maglakad ng maayos,iiwan mo nalang ba ako dito?' nagkanda utal utal kong sabi

CHASING THE CAMPUS HEARTTHROBWhere stories live. Discover now