CHAPTER 29 : LIBRARY

107 9 0
                                    

CHAPTER 29 : LIBRARY

___
SOFIA ALCANTARA's
point of view

'sabi mo magde date tayo?? .. eh bakit dito sa national library moko dinala?? nakakainis ka naman eh daxx.. wala akong hilig magbasa amp!!'

inilagay ni daxx ang daliri niya sa tapat ng labi niya (quiet!)

pagtingin ko sa paligid ko nakatingin na nga halos lahat ng tao dito sa library

'ayy.. sorry po,sorry po,sorry po!'

kitang kita ko ang pag ngiti ni daxx dahil duon

aba teka.. natutuwa pa yata siyang napapahiya ako ah hmp!

___

halos dalawang oras na kami sa library..

walang tigil niya akong pinapabasa ng english-tagalog dictionary ,encyclopedia at kung ano anong mga libro na nakakarinding basahin pero wala akong magawa kundi basahin dahil sa tuwing binababa ko ang librong binibigay niya sakin titingin siya sakin (tiger look)
saka salubong ang kilay na sasabihing (suko kana??)

at dahil sa pag ibig tyinaga kong pag aralan at basahing maigi yung mga librong pinapabasa niya sakin kahit nahihilo nako kakabasa ng english

nagmukha pa siyang tutor ko na tinuturo yung mga hindi ko naiintindihang salita

ng biglang..

sa napakatahimik na lugar na katulad nitong library..

na tanging paglipat ng pahina ng mga libro ang maririnig mo..

biglang tumunog ng malakas ang tiyan ko

(O__O)

..

tinakpan ko ng libro ang mukha ko dahil sa hiya

tapos nung dahan dahan kong binaba ang libro para makita reaction ni daxx

nakita ko itong nakatitig ito sakin na namumula na ang mukha kakapigil ng tawa habang hinihintay akong tumingin sa kaniya

awwww...

nakakahiya 😥😥😥😶😶😶

'okay, thats all for today..
kain na tayo halata namang gutom na gutom kana .. lalo na yang anaconda sa tiyan mo' sabi nito na tumatawa tawa pa habang nililigpit ang mga librong ginamit namin

'grabe ka naman' namumula ang pisnging sabi ko

ginulo ni daxx ang buhok ko saka nakangiting nagpatiunang lumakad palabas

'wait daxx.....'

pagkarinig nun..
agad na lumingon sa akin ni daxx

'ah eh.. e-eto naba yung date na sinasabi mo?' nahihiya kong sabi

gusto ko kasi ngayong tapos na kami sa library

mag date na kami..

yung literal na date..

yung kakain sa labas,
bibilhan ng teddybear or flower nung lalaki yung girlfriend niya..

pupunta sa amusement park

lalakad ng naka holdinghands

etc.. etc..

ang dami ko na kasing nakikitang mga nagde date na couples

at gusto kong maranasan yung pakiramdam ng tunay na DATE

'yup.. yun na yung date natin'
sabi nito na humakbang palapit sakin saka hinawakan ang kamay ko at hinila nako palabas ng city national library

CHASING THE CAMPUS HEARTTHROBWhere stories live. Discover now