Kabanata 1

36 3 0
                                        

Napahagikgik ako nang makatakas ako ng tuluyan kay yaya. Rinig na rinig ko pa ang galit na boses ni yaya habang hinahanap ako. Hawak hawak ko naman ang scarf ko na nakabalot sa akin dahil nakasuot lang ako ng spaghetti strap na dress.

"Pambihira ka talagang bata ka! Malalagot tayo nito sa mommy mo!" I can hear her frustration but still I ran as fast as I could.

Nang makalabas ako ng maliit na kagubatan ay dagat ang sumalubong naman sa akin. Tuwang tuwa akong tumakbo at nagtatampisaw sa mababang parte lamang na hanggang kalahati lamang bago mag tuhod ang lalim ng tubig.

Maligamgam ang tubig at kalma ang alon. Ibinuka ko ang mga kamay ko. Tinatanggap ang bawat pagyakap ng  hangin sa kabuoan ko.

"Hayy this feels good" pinikit ko ang mga mata ko at ngumiti.

Ito ang unang beses na naramdaman itong saglit na katahimikan at kapayapaan sa dagat.

My mom never let me go out alone. Minsan nga'y narito ako sa dagat pero hindi tulad ngayon na magisa lang ako at tahimik. Parating kasama ko si yaya na bawat oras ay sermon lang ng sermon sa akin na magingat ako dahil baka mapagalitan kami parehas ni mommy.

I want to be someone who is free and happy.

Hindi nagtagal ay bumalik ulit ako sa pagtatampisaw at paghampas ng tubig.

Nang mapagod ako ay umupo muna ako saglit sa dalampasigan. Yakap yakap ko ang mga tuhod ko at pinagmamasdan ang dahan dahang pagkawala ng matapang na kahel na araw.

Sa di inaasahan ay lumipad palayo sa akin ang scarf ko. Hindi ako agad nakakilos para habulin 'yon pero nang matauhan ako ay agad akong tumakbo para kunin ang scarf.

Tumigil ang scarfsa harap ng isang maliit na pabiloh na lamesang may tatlong upuan ang nakapalibot. Sa isang upuan ay may lalaking nakaupo na nakatingin sa akin.

Marahil ay nagtataka sa kung sino ako. Kahit ako ay binatuhan ko rin siya ng nagtatakang tingin dahil ngayon ko lamang siya rito nakita. Hindi ko alam na may iba pa palang nakatira sa islang ito? Akala ko'y kami lang?

May nakapatong na makapal na journal sa harapan niya at isang tasang may kape.

Mapungay ang mga mata niya at tsokolate ang kulay. Manipis ang labi pero mapula ito. Maskulado ang katawan na siguro kung ikukumpara sa akin ay apat na ako ang katumbas. Malaking lalaki siya at halatang mas matanda sa akin ng ilang taon. Medyo magulo rin ang kanyang buhok siguradong dahil sa hangin.

Ang gwapo!

Nang kumunot ang kanyang noo ay saka ko lamang napagtanto na masyado ko na pala siyang pinagmamasdan at nawala na sa isip ko ang scarf na kumawala sa akin kanina.

Pinulot ko ang scarf at ibinalik ang tingin sa kanya pero agad rin akong napayuko dahil sa mabigat na titig na inaabot ko mula sa kanya.

"Diana! Nako po kamg bata ka andito ka lang pala! Halika na at malapit nang umuwi ang mommy mo!" Tumakbo kaagad ako palapit kay yaya at binalot na sa katawan ko ang kakapagpag ko lang na scarf.

"Mapapagalitan tayo nito sa ginagawa mo eh!" Tinawanan ko lamang si yaya at kasabay na niya akong bumalik sa mansyon.

Nakaupo ako ngayon sa maliit na sofa na may kaharap na lamesang nasa verandah. Hinahainan ako ngayon ni yaya ng dinner.

"Yaya, may tanong po ako"

"Ano yon ineng?" Sambit ni yaya na hindi tumitingin sa akin at tuloy lang sa paglalagay ng kanin sa plato ko.

"Ilang pamilya po ang nakatira rito sa isla?"  Kumunot ang noo ni yaya at tumingin sa akin.

"Ang alam ko'y may tatlong pamilyang nakatira rito sa isla pero kailanman ay hindi ko pa nakikita ang kahit isa sa kanila" Natuwa ako bigla sa sinabi ni yaya dahil pwedeng may maging kaibigan ako rito sa isla. Ngayon ko lang sadya nalaman na may iba pa palang nakatira rito. Hindi ko kasi sila nakikita maliban sa gwapong lalaki na nakita ko kanina lang

"Bakit mo naman ineng natanong?"

"Kanina po kasi may lalaki akong nakita rito. Gwapo at matipuno! Siguro'y ilang taon rin ang tanda sa akin" napangiti si yaya sa sinabi ko.

"Nako. Ang alaga ko ba ay humahanga na?" Pangaasar sa akin ni yaya.

"Hala hindi po! Kanina po kasi ay lumipad ang scarf ko patungo sa pwesto niya kaya lumapit ako. Ngayon ko lang po siya nakita" sinamahan ko pa ng kamay ang pagsasabi kong hindi.

"Alam mo, anak, ayos lang naman ang humanga lalo na sa edad mo. Aba'y nuong sing edad mo nga ako ay maraming lalaki ang humahanga sa akin pero iisang lalaki lamang ang hinahangaan ko noon!" Napahagikgik ako sa kwento ni yaya. Ngayon lamang kasi ako nakarinig ng kwentong pag-ibig mula sa kanya.

"Hindi naman po ako humahanga at mukhang masyado po siyang matanda para sa akin." Pagtapos ko sabihin ay sumubo ako ng kanin at ulam.

"Mabuti naman at wala pa sa isip mo ang mga ganyang bagay. Masyado ka pang bata, Diana. Alam mo rin naman ang mommy mo masyadong strikta pagdating sayo"

Hindi na ako umimik pagkatapos ng sinabi ni yaya. Tinuloy ko na lamang ang pag kain ko at nang matapos ako ay sakto rin namang dumating si daddy. Basa ang kanyang paa. Siguradong dahil sa pagbaba niya ng bangka.

"Magandang gabi, daddy." Humalik ako sa pisngi niya at niyakap siya. Nakakatuwa at ngayon na lang umuwi si daddy at mommy!

"Good evening, anak. Kumain ka na ba?"

"Opo! Kayo po ba?" Ngumiti si daddy at humalik sa aking tuktok.

"Tapos na rin akong kumain, anak" luminga linga ako sa paligid at napakunot ang noo ko.

"Nasaan po si mommy?" Tumingin sa akin si daddy.

"Oh your mom? Nagpaiwan siya sa Manila dahil sinugod sa ospital ang tita Maricel mo" nanlaki ang mata ko.

Umupo si daddy sa sofa sa living room na siya namang tinabihan ko.

"Ano pong nangyari kay tita Maricel?" Alalang tanong ko.

"Lalong lumalaki ang cyst ng tita mo sa tiyan. Hindi maiwan ng mommy mo kaya nagpaiwan siya" nalungkot naman ako sa binalita ni daddy. Maya maya nga'y matawagan ang pinsan kong si ate Rain para kamustahin sila.

"How's your stay here naman anak?" Umakbay sa akin si daddy at ako naman ay pinulupot ko ang kamay ko sa katawan niya.

Miss na miss ko ang daddy ko!

"Mabuti naman po." Magpaalam kaya ako kay daddy? Magpaalam kaya ako kung pwede ba akong lumabas bukas ng hapon? Sa oras ng paglubog ng araw! Masyado kasi akong nabighani sa ganda ng kahel na araw! "Daddy.."

"Ano yon anak?" Tumingin sa akin si daddy na parang handa na sa sasagutin niya sa akin kahit wala pa akong sinaaabi.

"Pwede po ba akong magpaalam na gumala sa dalampasigan bukas ng hapon?" Tumaas ang kilay ni daddy at mukhang nagulat sa ipinaalam ko. Ngayon lang kasi ako nagpaalam patungkol sa paglabas ng mansyon.

"Of course anak! Mabuti namam at gusto mong lumabas kahit papaano. Sabihin mo kay yaya Neri na pinapayagan kita na gumala bukas" nagliwanag ang mukha ko sa sinabi ni daddy. Pinapayagan niya ako!

"Nandito ka pa po ba bukas?" Tumango si daddy. "Baka po pwedeng samahan niyo po ako bukas! Maglaro tayo sa dagat!" Nakangiti kong sambit kay daddy. Umaasa ako na sana pumayag siya! Minsan lang naman kami magkita! Lalo kapag busy sila ni mommy.

"Sige ba! Sasamahan kita bukas sa dalampasigan pero pagkatapos mong magpa-check up kay Tony." Nanlaki ang mata ko at lumaki lalo ang ngiti nang marinig ko ang pangalan ni kuya Tony.

"Pupunta dito si Kuya Tony bukas?!" Tumawa ng bahagya si daddy.

"Oo at ilang araw muna siyang mags-stay dito. He needs to unwind" Lalo akong naexcite dahil makikita ko na naman ang paborito kong pinsang doktor na bibihira ko lang rin makita.  "Pero wag mong sasabihin sa mommy mo ang mga gagawin natin ha?" Tumawa ako dahil sa sinabi ni daddy.

Masyadong strikto si mommy to the point na kahit si daddy na ang minsang magpumilit sa kanya ay kapag sinabi niyang hindi ay talagang hindi pwede.

"Oh sige na anak. Prepare for your slumber already. Im gonna have to do some work first" I bid my goodnight and went upstairs to prepare myself to sleep.

Sa ngayon matutulog akong nakangiti dahil sa excitement na nararamdaman ko para bukas!

Remembering DianaWhere stories live. Discover now