"Mind can forget but heart don't" Ashton na seryoso na ngayon.

"Yun naman pala alam mo pala!" binatokan naman ni Belle si Ashton.

"Aray ko naman Belle! problema mo?"

"Eh kung makipag close ka kay Achelois parang hindi niyo kasama sa isang bahay si Nethon ah?"

"Walang utak yan" Misha

"Hoy kuya niyo padin ako" sabay sabay naman umirap ang mga babae sa sinabi ni Ashton.

-

Achelois' POV

Bagot na bagot na ako dito sa mansyon, para akong nakakulong dito sa pinagagawa ng mag pinsan.

Tumawag ang mommy ko nung nakaraan, masaya ito nang malaman niyang nasa mga Kyril ako ngayon nakatira at sinabi niya pa saakin na may mga tauhan din ang mga Kyril na nakapalibot sa bahay namin pero hindi naman daw ito nanggugulo.

Kinwento ko na din kay Nemlear ang nangyari at naintindihan niya naman ang nangyayari ngayon dahil sinabihan din daw ito ni Belle. Pero hindi niya daw mapigilan na mag selos dahil nasa iisang bahay kami ni Nethon.

Pag hindi niya na talaga mapigilan ang sarili niya, sabi niya pupuntahan niya ako dito kahit pa pigilan daw ito ng mga tauhan dito.

Ngayon wala ang mga Kyril, mga kasama ko lang ay yung mga katulong at mga bantay sa labas, umalis kasi si Ashton at Nethon, may emergency meeting daw silang mag pipinsan.

Nagkukulong lang si Nethon buong magdamag sa kwarto ni Misha, nung una nasa kwarto ito ni Ashton natutulog pero lumipat ito sa kwarto ni Misha at nagpaalam na din daw siya na doon muna siya.

Ang napansin ko sa mag pipinsan si Nethon ay close kay Misha, habang si Alice at Belle naman, paminsan minsan nagkakaintindihan si Ashton at Belle at syempre ang magkakapatid na si Alice at Alexander ang palaging nagkakaintindihan.

Doon lang natutulog si Nethon sa kwarto ni Misha pero naliligo at nagbibihis ito sa sarili niyang kwarto which is na ginagamit ko. Sa tuwing hindi ako nakatambay sa kwarto doon siya pumapasok.

Hindi din ito nakikipag sabayan saamin ni Ashton kung maglalaro kami, inaaya naman daw ito ni Ashton pero palagi daw itong tumatanggi.

Minsan ko din itong sinilip sa kwarto pero busy itong kaharap ang laptop niya habang nakakunot ang mga noo.

Para din kaming hindi nag sama ni Nethon sa iisang bahay.

"Nethon" napatayo naman ako nang pumasok sa main door si Nethon, sinulyapan niya lamang ako at nilagpasan, bagsak naman ang mga balikat ko sa ginawa niya.

"Goddess!" masayang bati saakin ni Ashton, nag tatalon pa ito papunta sa pwesto ko.

Ito na ang naging tawag niya saakin, nung una naiilang ako pero nasanay din naman ako.

"Karaoke tayo?" masaya nitong aya saakin.

"Hindi ako marunong kumanta"

"Then ako yung kakanta para sayo" tumango nalang ako bilang sagot.

Sinet up niya naman yung tv sa sala, hindi na ako magulat kung merong karaoke don, dahil doon din kami naglalaro ni Ashton.

Pag andito si Ashton hindi ako nababagot dahil araw araw may naiisip itong panibagong gawin.

"Kakantahan na kita ha?" umupo naman ako sa single couch at handa na siyang palakpakan.

Siguro naman maganda din ang boses ni Ashton dahil maganda yung boses ni Nethon.

Lalo naman bumagsak ang mga balikat ko nang mag simula itong kumanta at naibaba ang mga kamay ko na handa na sanang pumalakpak.

Pumikit pikit pa ito, randam na randam niya ang pagkanta na siyang nag pangiwi saakin.

Ang layo ng boses niya sa boses ni Nethon.

Dahil busy sa pag kanta si Ashton, tumayo naman ako.

Napadesisyonan kong puntahan si Nethon at siya ang pakantahin, mas kakalma ako pag boses ni Nethon ang maririnig ko kaysa kay Ashton.

Kumatok naman ako bago ko ito binuksan.

"Nethon?"

"What's your problem?" nilagay niya naman sa tabi niya ang guitar at tinuon ang pansin saakin.

"Nag karaoke si Ashton" napakagat ako sa labi ko at umiwas ng tingin nang marinig ko ang pag birit ni Ashton na nakakasira ng pandinig.

"Shit what's that?" napatayo naman ito at lumabas ng kwarto.

Sumilip naman ito sa baba, bigla naman itong napahilot sa noo niya.

"Uhm can you join us?"

"I only sing if you're the only audience"

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now