Casper's POV
"Kumpleto na ba tayo?" Nilingon ko si Axl nang sabihin niya 'yon, nanatiling tahimik ang lahat at walang sumagot sakaniya.
Another day, another month and another fucking year! Parang bagyong dumaan lang ang bakasyon na mabilis ring umalis nang bansa.
First day na first day, practice?!
Nang nakumpleto ay agad din kaming nagsimula kaya maaga kaming natapos.
"Nakakapagod ang isang yon" sabi ni Aries, kaibigan ko.
"Nag-halo na yung pawis at cologne ko" amoy ni Leo sa sarili.
"Kadiri ka, wag mo kong lapitan" pinakita ko naman sakaniya kung gano ako nandidiri.
"Arte mo ah kala mo naman ambango bango mo, tsk!"
Nagpauna na siyang umakyat at naiwan naman kaming iiling-iling ni Aries.
"Hindi ko nagustuhan ang pagiging late mo kanina, Aries." Salubong samin ni Axl nang makasalubong namin siya paakyat.
Ang aga aga gumawa nang eksena.
"Wala naman akong sinabing gustuhin mo" bulong ni Aries na sigurado akong hindi naman narinig ni Axl. "Hindi na mauulit" naka ngiting sambit niya pa dito.
"Aasahan ko yan, sana ay umattend kayo mamaya." Sabi nito at huminto.
Hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy nalang sa pag-akyat.
"Bat ka nga pala late?" Tanong ko dito.
"Tss. Hinatid ko pa si Liberty"
"Bat hindi nalang siya sumabay kay Vlad o kung ayaw niya ay kay Gem nalang?"
"Sa arte non?" inis na sabi niya.
"Saan ba naman kasi pinaglihi yon ni tita Kim at sobrang arte kala mo anak mayaman." tawa tawang tanong ko dito.
"Hindi naman maarte si mom baka kay dad nagmana"
"Tutal, si tito sobra maka-alcohol nung hinawakan niya si nuggets" tukoy ko sa alagang aso ng aking kapatid.
Pagpasok namin sa room ay nandoon na si Leo kasama si Sav, ang malan-- este kaklase namin.
"Aga niyan bro ah" biro ko sakaniya.
"Tch. At istorbo ka"
"Mamaya na yan, dito ka na" turo ni Aries sa upuang pinagi-gitnaan namin.
"Kadiri ang pagkakasabi mo, naba-bakla ka na"
"Mula pa kanina ay puro pandidiri nalang ang nangyayari" banggit ko sa aking napansin.
"Oo nga, at mandidiri ka nanaman dahil makakasama nanaman natin si Axl mamaya." Sabi ni Aries na ikinalaki nang mata ni Leo.
"Para saan naman?"
"May practice pa after class" paliwanag ni Aries
"Di ba pwedeng ipagpa-bukas yan? Kulang ang tulog ko dahil sa practice kanina" pagdadahilan ni Leo.
"Meron din namang practice bukas. Bat kasi hindi ka maagang natulog? Sinabi naman na may practice tayo"
"Ah. Nag bar kase kami nila Miko kagabi nalimutan kong may pasok na pala"
"Yan ang napapala mo, puro kase chicks at alak" singit ko sa usapan nila.
"Wag ka na magalit baby" pinalambing niya pa ang boses niya at humawak pa sa braso ko, ramdam ko ang pagdaloy nang animong kuryente doon.
YOU ARE READING
Crossing Fate
Teen FictionCasper Lincoln. Two different persons destined to meet each other. Will they find a way to become as one? Or they will be labeled as "pinagtagpo ngunit hindi tinadhana"?
