"You.. don't know everything Alrin. Just shut up. Hindi pa ako bingi para hindi ko marinig na sinabi mo'ng Beryl. Huwag mo akong gawing tanga Alrin!!" Parang galit na galit na sabi ni Calli. Napayakap naman sa akin si Callix. Parang natakot siya sa sigaw ni Calli.

"Well, you are really deaf Callidon. Kinakamusta ko si BERLY about ship that I need to operate okay, now if you let me,I'll go." Boses ni Alrin. Seryosong-seryoso siya at parang nakakatakot din banggain.

"Don't turn your back on me Alrin James! You dumbass!" Nadinig ko na nalaglag ang phone. Tinignan naman kung namatay ang tawag pero hindi.

"Sasapakin mo ako? Sasapakin mo ako? Sige put*ng*na! Dahil d'yan sa paghahanap mo eh hindi mo namamalayan na nagbabago ka na! Saka bakit mo pa 'yon hinahanap?! Ex mo na 'diba, wala na kayong relasyon kasi Ex na ?! Ang alam ko ay iniwan mo daw ang Beryl na 'yon tapos ngayon, binabago mo ang sarili mo sa paghahanap. Siraulo ka palang gag* ka eh! Iniwan mo tapos hahanapin mo ngayon at parang kawawang naghahanap. Hahaha! Kami 'yung sinasabihan mo nito pero let me do the honor to say this words to you, hindi kami katulad mo. Ikaw 'yung bobo, tanga!" Bigla akong nakadinig ng parang sinuntok kaya agad akong naalarma.

"Alrin!" Sigaw nung kambal. Dahil don, nalaman kong si Alrin ang nasuntok. Ngunit parang nasundan pa ang suntok.

"Callidon! Putsa kayo tigilan niyo nga ang pagsasapakan!" Sigaw ni Harren. Batid kong gumanti si Alrin sa sapak ni Calli sa kanya.

Lalo akong nagalit kay Callidon sa ginawa niya. Never siyang nanuntok ng kaibigan. Gagawin lang niya 'yon kapag naghaharutan sila kumbaga pabirong suntok. Pero 'yung manigaw ng may panglalait tapos manununtok na parang hindi niya kaibigan ang sinusuntok, ngayon ko lang nalaman na ganon na pala ang Callidon ngayon.

Nagbago na talaga siya.

"Sapakan ba hanap mo ha? Putsa pare, hindi ka mananalo sa nag-iisip na tulad ko, kasi bobo ka!" Sigaw ni Alrin na parang galit na galit.

"Hindi mo alam kung ano ang totoong rason kung bakit ko siya iniwan kaya huwag kang magsalita na parang alam mo ang lahat gag*! Hindi mo alam kung gaano kasakit na maghanap sa tao na parang wala ng pag-asang makita pa at lalong hindi mo alam kung gaano kasakit na ang taong mahal mo ay ayaw magpakita sayo!" Gusto ko man na masaktan para sa kanya ay hindi ko magawa.

Nagpaulit-ulit ang sinabi niya kay Alrin.

'Hindi mo alam kung gaano kasakit na ang taong mahal mo ay ayaw magpakita sayo.'

What the hell?!

Hindi ko na siya kilala. Parang wala siyang isip kung umasta. Siya nang-iwan tapos ako pa ang lalapit sa kanya na para bang wala siyang ginawang masama. Gustong-gusto kong sigawan siya at ipamukha sa kanya ang lahat ng ginawa niya sa akin ngayon pero hindi pwede. Hindi ko gagawin 'yon. Hindi na ako magpapakita pa sa kanya hangga't ganyan ang pag-iisip niya.

"Pare, matagal na kitang kaibigan kaya tanggapin mo ang sasabihin ko ha? Komentong pangkaibigan lang." Natatawang sabi ni Alrin.

"Pare, ang tanga mo! Ang bobo mo! Gag*, ikaw ang nang-iwan tapos siya pa ang lalapit sayo? Gusto mo bang mangyari na lalapit siya sayo at hahalik tapos sasabihing I miss you? HAHA! Ang bobo. Kambal, iuntog niyo nga 'yang kaibigan niyo sa pader baka sakaling matauhan..." saglit na nanahimik ang linya.

"O siya, asahan mo nang hindi na siya magpapakita sayo ha? Hindi na siya babalik sa bobong katulad mo. I'll go now." Mas matagal na nanahimik ang kabilang linya.

"Nasa labas na ako, Lyne." Iniba niya ang tawag sa akin. Mabuti naman.

"Sorry ha? Ang tanga lang kasi namin sa part na nakipag-usap kami sayo sa office niya. Sorry, puro kami kapalpakan." Sobrang lungkot ng boses ni Alrin. Ramdam ko ang senseridad niya.

Just Keep Running from BillionaireNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ