Kisapmata

1.7K 11 4
                                    

Madali akong lumapit sayo at mariin na tinitigan ang buo mong katawan. Napakakisig mo sa suot mong barong samantalang ako naman ay nakasuot ng kulay asul na saya at puting kamiseta.


Napakaaliwalas ng iyong mukha.


Napakapayapa.


Ngayon ang araw ng pag-alis mo at matagal tayong maghihiwalay.




"Mahal na mahal kita. Lagi mong tatandaan yan." sambit ko sakanya. Wala akong nakuhang sagot mula rito. Mapait akong ngumiti.



"Huwag mo sana akong malimutan at nandito ka lang lagi sa puso ko, mahal ko." muli kong sambit. Nadudurog na ako sa pag-alis nya.



Wala na ang mahal ko. Unti-unti nang isinara ang kabaong kung saan sya nakahimlay.


Ito na ang huling beses ko syang makikita dahil tuluyan na syang magpapahinga.



Nawala sya saken na parang isang kisapmata.

DagliWhere stories live. Discover now