Ang tingin ko ay nasa mata niya lang.

"Tawagan niyo na si Hell," sabi nito sa isang lalaki na nilabas ang telepono nito saka may pinagpipindot.

Nagtataka ako. Ano ba kinalaman ni Hell dito sa mga lalaking ito? At ano rin ang kinalaman ko?

"Ano? Masarap ba maging boy friend si Hell?" tanong nito sa akin.

A-ano raw? Girl friend niya ako? Bakit hindi ko alam?!

Agad akong natawa kahit may tape ang mga labi ko. Hindi ko maiwasang kiligin!

Girl friend niya raw ako! Iba sa pakiramdam!

"Ano nakakatawa?" tanong nanaman  nito sa akin saka nito tinggal ang tape sa mga labi ko. Ramdam ko ang sakit dahil parang sumama ang balahibo ko sa tape.

"Sino nagsabing girl friend ako ni Hell?" ako naman ang nagtanong sabay tumawa muli ngunit gano'n na lamang nang maramdaman ko ang sampal nito sa mukha ko.

Halos tumabingi ang mukha ko sa sampal na iyon. Unti-unti ko itong tinignan, halos naniniliksik na tingin ang binigay ko sa kanya.

"Ano masakit ba sampal ko?" tanong nito sa akin na halos nangaasar. Hindi ako kumibo, tinignan ko lamang ito.

Lumapit ang isang lalaki at may ibinulong ito sa kaniya.

"Kawawa ka naman. hindi ka ililigtas ng boy friend mo." 

Pinilit kong alisin ang pagkakatali sa kamay ko at nakita naman niya ang ginagawa ko.

"Satingin mo ba ay makakatakas ka kung hindi ka nakatali?" wala akong pakialam sa kaniya. Salamat at sinabi na girl friend ako ni Hell pero inis na ako sa kaniya.

"Sayang talaga. Pinaghandaan pa naman namin ito. Kung pumunta lang ang boy friend mo dito ay paniguradong 'di na sisikatan ng araw 'yon..." tinig niya na biglang
ikinalaki ng mga mata ko.

Umangat ang dugo ko sa ulo ko sa sobrang inis! Halos galit ang nararamdaman ko sa sinabi nito.

Galawin na nila ang lahat, 'wag lang ang crush ko!

Kita ko ang gulat nito nang punitin ko ang taling nakatali sa kamay ko. Agad akong tinignan nito pero kaagad itong natumba ng sinalubungan ko ito ng suntok sa mukha.

Isang suntok lamang iyon ngunit natumba na ito. Mabilis kong naalis ang tali sa paa ko at saka muling pinagsusuntok ang lalaking nagbanta sa buhay ng mahal ko.

Sa ilang suntok na ibinigay ko sa kaniya ay napasuka ito ng dugo.

"Subukan mo galawin si Hell. Ikaaw ang papatayin ko," mariin kong sinabi sa kanya ngunit nabigla ako ng maramdaman ko papalapit na kamao kaya naman agad akong napatayo.

Mabilis kong sinalubong ang kamao nito kasabay ng aking pagtayo.

Agad kong hinawakan ang kamay nito na pasuntok pa lamang saka ko sinuntok ang tyan nito.

Rinig ko ang aray nito.

Kita ko ang gulat sa tatlong papalapit sa akin upang pagtulungan ako. Nauna ang lalaking naglagay ng tape sa bunganga ko. Takbo itong pumunta sa akin hawak-hawak ang isang tubo.

Alerto kong nakita ang paghampas nito ngunit gano'n ang bilis ko ng bago pa man ako nito mahampas ay nasuntok ko na ito sa tyan niya.

Agad niyang nabitawan ang tubong hawak niya. Kita ko ang pagtumba nito sa lapag.

Kinuha ko ang tubo nito saka tinignan ang dalawa.

Halos nagdadalawang isip ang mga ito kung susugudin pa ba ako ngunit hindi ko na inintay ang pagkakataon na iyon.

Agad ko itong sinugod dala-dala ang tubong hawak ko. Saka ako nag-slide upang tamaan ang tuhod ng isang lalaki.

Kita kong napaupo ito saka niyakap ang tuhod. Tinignan ko ang nag-iisang lalaking nakatayo. Ang takot sa kaniyang mga mata ang una kong napansin.

Sandali lamang nang maramdaman ko ang sakit ng aking ulo.

"Ah!" sigaw ko sa sobrang sakit na naramdaman ko. Agad akong napaupo dahil sa kirot na binibigay ng sakit na iyon.

Saka ko naramdaman ang papalapit na tubong papalo sa akin kaya naman ay agad kong binakod ang braso ko.

Ramdam ko ang sakit na tumama sa braso ko, halos nagsabay sila ng kirot ng ulo ko. Segundo lamang ng unti- unting nawawala ang kirot sa ulo ko.

Agad kong nilingon ang lalaking nanghampas sa akin ng tubo kaya naman unti-unti akong tumayo.

Hinanda niya ang tubo nang makita akong mapatayo.

Lumapit ako sa kaniya.

Isang hampas niya sa akin ay mariin kong nasalo ang tubo. Tumaas ang kilay kong tignan ang mga matang takot.

Agad kong siniko ang dibdib nito upang maubo ito at matumba. Malakas ang pagkaka siko at ramdam ko dahil sa nakikita ko sa kanyang mukha ang sakit.

"Gusto mo bang iparamdam ko sa 'yo kung paano mo ako hinampas, ha?" nanlaki ang mga mata nito.

Bata pa ito ngunit barambado na...

Parang high school lamang ito. Hahampasin ko sana ito ng bigla niyang hinarang ang kamay nito.

"Sorry po!" sabi nito saka umiyak hawak-hawak pa rin nito ang dibdib na siniko ko.

Agad kong nabitawan ang tubong hawak ko saka tinignan ang kabuuang nagawa ko.

"Sino ang nagsabing girl friend ako ni Hell?"

"Iyong babae po! Ouch! I-iyong babae po na D-debb po ang p-pangalan..." inisip ko kung sino 'yon. Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan.

Nanlaki ang mata ko. Lahat sila ay bagsak.

Ako ba ang may gawa nito? Napatingin ako sa mga kamay ko.

Sino ba ako noon?

Ano ba ako noon?

-
PROJECT SERIES ONE: CLARKSON HELL ANDERSON.

Seven's POV

Napatitig ako sa isang numero na tumatawag sa akin. May natawag lang sa akin kapag...

"Hell? May girl friend ka ba?" tanong ko sa kanya na nakaupo lamang at nagsisigarilyo.

"Wala," tipid nitong sagot.

Sinagot ko ito...

"Kamusta, KAZU.." mula sa kabilang linya.

"Ano kailangan mo?" sa boses pa lang na iyon ay alam ko na.

"Hawak namin ang girl friend ni Hell, kung gusto niyo pa itong makita ay pumunta dito si Hell..."

"Walang girl friend si hell..."

"Anong wala? hawak namin si Stacy...' kumunot ang noo ko. Hindi ko kilala ang sinasabi niya. "Baka ibang babae 'yan. Walang girl friend si Hell ngayon. Bye..."

Pinatay ko ang tawag. Kung sakaling totoo man na may Stacy nga doon ay rest in peace.

Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)Where stories live. Discover now