Chapter 31

11 10 12
                                    

Ayra's POV

Lahat naman ng mga kaklase ko'y nagsibalikan sa kanya kanyang upuan ng pumasok na ang gurong si Ruper rito sa classroom.

"Good Afternoon! " masiyang bati pa nito sa amin. Kami naman ay nagsitayuang lahat .

"Good Afternoon Sir ". Sabay sabay pa naming bati. Wala naman ni isa sa amin ang nagtangkang maupo kahit lumipas na ang ilang minuto.

"Tch... Tch.. Tch... Talagang disiplinado na ata kayo ngayon ah? Sit down " Nakataas pa ang isang gilid ng labi nitong saad, samantalang mabilis namang naupo ang lahat . Naglakad lakad pa ito sa unahan namin na may ngiti sa labi. Nakatayo parin ito at biglang tumigil sa table niya, nakaharap sa aming mga studyante. Napalitan ng napakaseryosong mukha ang ngiti nito at malakas na ipinatong sa table ang magkabilaang kamay, dahilan para masindak at magulat ang iba sa naging impak o tunog nito.

"Get one whole sheet of paper. We're having a long quiz regarding our past topics"

Doon na nagsimulang magsimaktol at mag-ingay ang mga kaklase ko.

"Eh, Ser. Hindi niyo naman po sinabing magkakaroon ng long quiz ngayon ah? " namumungay ang mga matang tanong ng lalaki kong kaklase.

"Oo nga po, Sir. Hindi po kami ready.. " napapakamot ulo namang gatong ng isa pang lalaki.

"Eh Sir... Halos lahat po sa amin hindi nakapagreview". Rinig ko pa. Halos lahat naman ay ganito ang mga sinasabi. Kesyo hindi raw sila nakapagreview.

Hindi rin naman ako nagreview. Pero hindi naman ako nagrereklamo . Panatag na ang loob kong may maisasagot dahil lagi rin naman akong nakikinig sa mga lessons.

"Sir, may choices po ba? yung A.B.C.D? " Sa lahat ng mga tanong ng kaklase ko ay sa tanong lang ni Daylan ako natawa. Pero tanging sa loob ko lamang dahil ayaw kong makita ng iba ang emosyong ito.

Ang seryosong mukha naman ni Sir Ruper ay mas lalong sumeryoso.

"Kung talagang studyante kayo'y hindi niyo na kailangan pang paalalahanan pa para mag-aral! "

Lahat naman natahimik sa pagsigaw ng guro. Kung kanina ay sunod sunod ang tanong sa kanya. Ngayon ay wala ng nagtangkang magsalita.

Eto yung gusto ko pagdating sa paraan ng pagtuturo.

Kailangang strikto at seryoso....

Dahil kung lagi mong pagbibigyan ang mga gusto nila , ikaw ay maaabuso. Mawawalan narin sila sayo ng respeto dahil iisipin nilang kinakaya kaya ka lang nila.

"Question number one! "

Sa mga salitang iyon ay nagkukumahog at nag-uunahan namang makahanap ng one whole ang mga kaklase kong walang dala nito.

Inilabas ko naman ang one whole ko na wala pang bawas.

"Uy may one whole ka? ". Tanong ng isang lalaki kong kaklase habang nakatingin sa one whole ko.

Tsk, ano ba sa tingin mo?

Walang sali-salitang binigyan ko naman ito ng one whole. Parang slowmo naman ang paglingon sa direksyon ko ng lahat.

The Four PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon