Chapter 26

13 11 4
                                    

Ayra's POV

"Lucas.. Where are you?"

"Hello....?  Sino po 'to? Please tulungun niyo po ako... Kanina pa po hindi lumalabas si kuya sa kwarto niya.... ". Rinig kong tugon ng kabilang linya. Panigurado ay ang nag-iisang kapatid iyon ni Lucas. Sa narinig ay hindi ko na nakontrol pa ang emosyon.

Maya maya pa ay biglang namatay ang kabilang linya.

"Huh? ".Hindi ko na napanatiling blanko ang expression. Wala na kong pakialam kung makita ng iba ang emosyong mababakas sa aking mukha.

I need to see him

Hindi na maalis ang kabang bumabalot sa akin habang naiisip muli ang mga sinabi ng kapatid ni Lucas.

Pamilyar na itong mga nadaraanan kong mga naglalakihang punong kahoy kaya alam kong malapit na ako sa bahay nila. Maya maya pa ay abot tanaw ko na ang tinutuluyan ng magkapatid.

Ngayon nalang ulit ako nakabalik rito

Dahan dahan ko namang pinarada ang motor ko sa gilid. Napapabuntong hininga naman akong naglakad papalapit  sa nag-iisang mumunting bahay kubo. Liblib itong lugar na tinitirahan nila at malalaki ang distansya ng bawat bahay rito.

Nang makalapit ay agad akong kumatok sa pinto. Maya maya pa ay bumukas naman ang kahoy na pinto at tumambad sa akin ang singkit na batang babae.

"Ano pong kailangan niyo? ". Mahinahon naman nitong tanong sa akin. Agad na pinasadahan ko siya ng tingin.

Mahabang itim na buhok. Singkit na mga mata. Matangos na ilong at kulay rosas ang manipis na labi. Napagtanto ko ring tumangkad ito ng kaunti at pumayat ito.

"Annyeong ( good morning )". Agad naman itong natigilan ng marinig ang boses ko. Napadungaw naman ako sa loob.

"Mwo hae? ( what are you doing? )". Tanong ko pa rito dahil gulat na gulat lang itong nakatingin sa akin kaya tipid na nginitian ko ito.

"A-ate....?"

"Oh? "

"A-ate Ayesha! Ikaw nga! ". Agad naman ako nitong sinalubong ng mahigpit na yakap. Mabuti nalang at nabalanse ko ang katawan ng dambain ako nito ng yakap kaya hindi kami natumba .

"Bakit ngayon ka lang po dumalaw rito ulit. At tsaka, bakit ganyan yang itsura mo po? ". Kumalas naman ito sa yakap at masigla ako nitong hinatak papasok.

"Masyadong busy eh "

"Aaah...Ganyan po talaga ang buhay. Marami kang pagkakaabalahan at paglalaanan ng iyong oras. Sa gusto mo mang bagay o hindi ". Seryosong saad naman nito kaya napangiti nalang ako sa aking isipan. Hanggat maari ay ayaw kong may nakakakita sa'king ngumiti.

The Four PrincessesWhere stories live. Discover now