"Hindi ka pa kumakain, we'll eat first." Tiyaka ko lang naramdaman ang gutom sa tiyan ko ng sinabi niya iyon. 

"Hindi mo sinabi na nagcacall pala kayo ni Jonas." He seriously said. Bahagyang napaawang ang labi ko pero agad din naman akong sumagot. 

"That was the first!" Agap ko, little bit guilty for I don't know why I'm guilty. "He said he will help me so he did." I added. 

"I can review you too." Marahan at mahinang wika niya pero dahil wala naman nagpeplay na kanta sa radio, narinig ko iyon. 

"But you're already doing my part," ang dami niya ngang ambag sa research namin "And you're exhausted too!" Pagod na siya sa individual works tapos medyo pabigat pa kami sakaniya sa research. 

"Next time, tell me." he said before he turn the way to Session, papuntang SM. Tumango nalang ako sa sinabi niya kahit hindi ako sure kung gagawin ko ba iyon. 

Kinabukasan, maaga kaming sinundo ni Iverson sa amin. Nauna niya akong sinundo bago si Gail. Nakapag-ayos din ako kagabi pagkauwi namin after kumain. I also bring my swimsuit with me, of course it's a beach. 

"Sa Aureo Beach Resort na ako nakapag book," Gail said. Wala nga yata akong ambag sa trip namin na ito dahil sagot ni Gail ang room dahil siya raw ang nagyaya. "May dalawang bed doon, we can share bed, Sheen or you both can share." She chuckled. Tiningnan ko lang siya sa rear mirror at inirapan. 

Nakatulog kami ni Gail sa biyahe. Dahil na rin siguro sa mga sleepless night namin sa paggawa ng requirements. Dalawang bag ang dala namin, isa sa mga damit and essentials namin at ang isa naman ay mga hand outs, books, laptop and such. 

Agad kaming ginising ni Iver nang makarating kami. Nakapagpark na rin siya. Agad akong nagising nang mahina niyang tinapik ang pisngi ko. Kaso si Gail ang mahirap gisingin ngayon. 

"Gail, we're here." Sabay na sabi namin ni Iver pero tulog pa rin siya. Bahagya kong niyugyog ang legs niya, nakahiga kasi siya sa back seat. 

"Gail." Tawag ko sakaniya pero parang wala pa rin talab kahit na niyugyog ko siya. 

Tinapik ni Iver ang kamay niya kaso lang medyo napalakas kaya nagising si Gail na nakakunot ang noo. 

"Aray huh?!" Sabi niya sabay upo "Pwede naman kasing maayos na gisingin bakit kailangan may tapik na malakas?!" Reklamo niya. Inalis na ni Iver ang seat belt niya bago sinagot si Gail. 

"Kanina ka pa ginigising nang mahinahon pero walang talab." Sabi niya tiyaka binuksan ang pintuan at lumabas. 

"Totoo ba?" Tanong ni Gail, tumango ako tiyaka lumabas na rin. 

Sumunod na si Gail sa amin. Kinuha na ni Iver ang mga gamit namin sa likod. Nasa magkabilang balikat niya ang bag niya samantalang sa kanang kamay niya hawak niya ang dalawang bag ko at sa kaliwa naman ay ang dalawang bag ni Gail. 

Na-touch naman ako sa pagiging gentleman niya pero agad din kaming natawa ni Gail and we took a photo of him. Agad ko naman iyong in-IG story, buti dala ni Iver ang wifi niya. 

'We're here!! @Iverson hiiiiii' 

Iyon lang ang caption ko at nilagyan kung nasaang place kami. Kaagad nag check-in si Gail, sumunod kami sakaniya dahil nasa kaniya yung card. In-open na niya ang tutuluyan namin, agad binaba ni Iverson ang mga gamit namin sa isang sofa. 

Kaagad kaming humiga ni Gail sa dalawang kama, tig-isa kami dahil na rin sa pagod sa biyahe kahit na mas pagod si Iver. Nakapagtanggal na kami ng sapatos habang nagtatanggal palang si Iver. 

"Kayo pa ang mukhang pagod sa biyahe ah." Sarcastic na wika ni Iver matapos hubarin ang sapatos niya. 

Agad na sinakop ni Gail ang isang kama, kaagad ay tulog naman siya. Hindi tuloy ako makatabi dahil naka dapa siya pero nakapatong ang isang paa niya sa isang unan. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu