"So eto na nga..." she paused.

Tiningnan muna niya kami isa-isa at ngumiti ng nakakaloko. Pa-suspense pa siya masyado. Tandaan niya bagong gising kaming lahat. Hingahan lang namin siya ng fresh naming mga bibig, paniguradong makakapunta na siya sa langit.

"Hoy Coast umayos ka," pagbabanta ko.

"Pa-suspense ka masyado," gatong pa ni Bal.

Kinuha ni Coast ang cellphone niya at mayron siyang pinindot doon. Pinapanuod lang namin siya sa kaniyang ginagawa dahil wala kami talagang ideya sa sasabihin niya.

"Tanda n'yo pa yung ginawa nating social experiment last month?" She asked us.

"Alin? 'Yung 'Taong Grasa Challenge'?" tanong ko.

"Hindi."

"Alam ko na, 'yung 'Kapag Tumingin Ka, Akin Ka Challenge'." sabi ni Keist.

"Lalong hindi! Last year pa 'yun eh."

Napakamot ako ng ulo. Ang dami niyang paligoy-ligoy. Ayaw pa niya kaming diretsuhin. Kapag talaga ako hindi nakapagtimpi, mababatukan ko itong kaibigan ko.

"Sabihin mo nalang. Hindi ito Pinoy Henyo para maghulaan tayo." Axti said with an irritated tone.

"Iyong vlog kasi natin sa school! 'Ask strangers to go out on a date'."

"Oh ano mayroon doon?"

Humugot muna siya ng malalim na buntong hininga. Mukhang bumubwelo pa siya sa kaniyang sasabihin.

"NAGVIRAL SIYA! MAY HUMIGIT KUMULANG 3.4 MILLION VIEWS NA SA YOUTUBE!" masayang wika ni Coast.

"WHAT?!" we said in chorus.

Inagaw ni Aera ang phone ni Coast at tiningnan ito. Nanlaki ang kaniyang mga mata at bigla na lamang niya akong inalog.

"Trending ka ngayon si Xeidrine!"

"A-ako?" nagtatakang tanong ko.

Tiningnan ko ang mga comment sa video. Halos ako nga ang nasa comment.

Nag-trending ang video namin dahil sa ginawang pagligtas sa akin noon ni Nash. Halos lahat ng comment ay puro ship. Mayroong nagsasabing Knight in Shining Armor ko raw siya, destiny kami, savior at kung anu-ano pa!

Tinatawag pa nila kaming dalawa na NaLex. Ang dami nilang alam!

Hindi ako makapaniwala! Ano na ang mukhang maihaharap ko kay Nash ngayon? Nakakahiya. Baka isipin niya na may gusto ako sa kaniya.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

TODAY is Monday morning. One and a half months na ng school year. Ang bilis, parang kailan lang ay first day pa lang. I cannot believe that I survived one month in STEM! It was an achievement for me.

Nakakapanibago ngayong araw dahil kakaiba ang titig sa akin ng mga estudyante pagkapasok ko ng school. Nako-conscious tuloy ako.

Siguro dahil ito sa viral vlog namin. I thought mawawala rin ito makalipas ang dalawang araw but not. Paranf naging instant celebrity ako sa mga mata ng estudyante.

"Praise!" tawag sa akin ni Aqui na nasa harapan ng room namin.

Hindi pa ako nakakalapit sa kaniya, nakilala na kaagad niya ako. At mukhang hinihintay talaga niya akong dumating. Anong nakain nito?

"Bakit?" tanong ko sa kaniya pagkalapit ko.

"Pinagtataksilan mo na ba ako?" tanong niya at nag-pout. Sarap hilahin ng labi niya.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Where stories live. Discover now