a-anong ginagawa mo dito!!?” langya sya muntik na akong magka heart attack dun ah!

“what a heartless lover. Hindi yan ini expect kong reaction after I saved you from trouble. A simple thank you as a sign of gratitude is sweet you know.”. he said tapos tumayo sya and offered a hand to me. Duh! Hindi ko kailangan ng tulong mo!

Tinabig ko ang kamay nya and said. “I cannot remember you saving me from any trouble. As far as I can remember, I didn’t encounter any trouble dahil natulog lang naman ako dito. Kaya wala akong dapat ipagpasalamat sayo.” Hindi ko tinanggap ang inaalok nyang kamay then I stood up at pinagpagan ang palda ko

“is that so? Though I think one week detention ang babagsakan mo kung hindi ako humarang sa kinauupuan mo kanina. The librarian was about to approach you a while ago so I covered you para hindi nya mahuling natutulog ka.”  Saglit na para syang nag isip at bigla nya akong tinalikuran. “ngayon ko lang nalaman na hindi pala deserving ng simple thank you ang mga bagay na ganon. I should not do it again then” then he started heading to the exit.

Wait. Ginawa nya ba talaga yun para hindi ako malagay sa detention? That’s so.. kind. Aaargh! Sige na nga!

“okay! Fine! Salamat na kung ganon!” padabog lang ang pagkakasabi ko pero hindi ako sumigaw. Library kaya to. Sya lang naman tong hindi nag aabalang hinaan ang boses.

He stopped and then turned to me. “you’re very welcome sweetie” I was kinda speechless when I saw his smile again. Kung nagkataon sigurong katulad ako ng ibang babae dito na patay na patay sa lalaking to, baka kanina pa ako nagpakamatay sa sobrang tuwa na Makita ang ngiti nya. Hmm? Kapag natutuwa ba kailangan magpakamatay? Parang mali.

 Tsk tsk! Napaka priceless talaga ng ngiti nya. Magkano kaya ang kikitain ko kapag binenta ko to? Amf! Bakit ba ito ang mga iniisip ko? nasa kalagitnaan nga pala ako ng digmaan!

I composed my self and in an annoyed manner, I said “quit calling me any endearments dahil nasusuka ako. At bakit ka ba nandito! Storbo ka ah” I walked towards the exit too.

Lalampasan ko na sana sya nang may bigla akong mapansin. Wala nang tao sa library kundi kami lang dalawa. At hindi na sa araw nanggagaling ang liwanag kundi sa mga flourecent lamp na nasa kisame.

“wwaaahh! Homaygas!! Gabi na! napasobra ang tulog koo!!” hoy hindi ako OA ah, nagpapanick lang ako dahil baka nasaraduhan kami ng pinto!! Kaya naman pala ang lakas ng loob ng isang to na magsalita ng malakas kanina, dahil wala naman palang ibang tao dito kundi kami! “this cant be! Ang tagal kong nakatulog!” pero bakit hindi ako ginising ng kulugong to!

He looked at his watch. “you’ve been sleeping for almost 4 hours. Hindi na kita ginising kanina kasi mukhang ang sarap ng tulog mo.” Weh, nabasa ang iniisip ko?

Anu? Kung ganun kanina pa nya ako binabantayan? Agh! Anu ba! Hindi ito ang oras para mag isip ako ng mga ganyang bagay! Past seven na kaya siguradong na lock na ang pinto. Six pm to nagsasara  eh, pero teka lang, paanong hindi napansin ng librarian na may tao pa dito samantalang gising naman si reed kanina?

7 Color Prodigies: The Story of YELLOW "Her Tales with the Beast"Where stories live. Discover now