"May ginawa kasi ako," pangangatuwiran niya. Iyan na nga ba sinasabi ko, magaling lang sa porma at panlalangaw pero wala rin palang binatbat.

"Lahat naman tayo may ginagawa pero sana binigyan mo man lang ng konting oras 'to para makabisado mo. Patunayan mo namang tama ang pagboto sa 'yo ng mga blockmates natin para sa pusisyon mo ngayon," medyo galit kong sabi.

Hindi siya makatingin sa 'kin pagkatapos no'n kaya naglakad na lang ako papunta sa ibang tourist destination, bahala siya diyan. I recited my parts efficiently, gano'n pa rin si Mark hanggang mag lunch break. I was pissed off.

Hinanap ko si Lei para makapag lunch na pero nalaman kong kasabay niya raw 'yong partner niyang freshman. Ayaw ko ring sumama sa kaniya no kung ganoon. Ano ako third wheel? Kaya mag-isa akong naglakad pumunta sa canteen mabuti na lang at sa gilid lang ng CC may canteen.

"El!"

Napatingin ako sa tumawag sa akin mula sa likuran. It was Skion jogging towards me.

"Going for lunch?"

Tumango lang ako at naglakad ulit.

"Can I join you?" he asked. Tumango lang ulit ako. Nakarating kami sa canteen at naghanap agad ng mauupuan. Nagpresenta si Skion na siya na ang bibili, 'di na ako umangal kasi wala ako sa mood.

"You okay? Kanina ka pa nakasimangot," sabi niya ng makabalik siya.

"Bad trip."

"Is it Mark?"

"Yes! He's so incompetent. Maaga ngang binigay ang script tapos 'di niya pa daw nabasa, kaya 'di niya daw saulo! Tapos manlalangaw pa!" pagmamaktol ko.

He chuckled while staring at me.

"What's funny?"

He started eating before he replied, "You're cute when you're angry."

I didn't reply. I suddenly blushed at the thought, wala pang nakakapagsabi niyan sa 'kin. I got used of people saying I was beautiful, sexy and all but I've never heard of 'cute' as one of their compliments.

"Can I see your script?"

Kinuha ko 'yong copy mula sa bag pack ko at ibinigay sa kaniya.

"This is easy," nagmamayabang ba'to? Easy nga pero nakakapagod kayang magmemorize.

"Ewan ko sa kaniya. Pabuhat!"

Halos nailabas ko yata ng sama ng loob ko kay Skion. 'Di bale nang isip niyang baliw ako, wala kasi si Lei e, edi gawin kong proxy 'tong si Skion, kailangan ko lang talaga ng mapagbubuntungan ng sama ng loob.

Grabe na sistress na talaga ako diyan kay Mark ha e, paano ba naman kasi umabsent nung hapon, aba ang galing! Kaya sa buong maghapon ay para akong tanga na nagsasalita mag-isa. Na memorize ko na yata lahat lahat ng nasa script dahil do'n.

Dahil wala na akong magawa ay pinuntahan ko si Lei pero busy sila nung partner niya kaya tumulong muna ako sa mga gawain ng iba. Nakapatong ako sa upuan at nagkakabit ng christmas lights nang mapadaan si Skion kasama 'yong partner niya.

Drowning (Della Rovere Series #1)Where stories live. Discover now