Chapter 11

4K 171 21
                                    

Chapter 11

(Third Person's POV)

MAANGAS na bumaba si JR sa jeep nya matapos patayin ang makina. Naglakad sya papunta sa kabilang bahagi ng jeep para pagbuksan ng pinto si Eren.

"Thank you." Nakangiting anya ng lalake matapos nya itong alalayan na makababa mula sa sasakyan, medyo madilim kasi sa parking lot kaya mahirap na baka matapilok pa ang Tofu boy nya, siguradong sisinghalan sya ng gurang na manager neto kapag nagasgasan tong si Eren.

Tumango lang sya bago binaba ang sunglasses at isinuksok ang isang lollipop sa bibig, "Bilisan mo ng maglakad, paniguradong umuusok nanaman yung ilong ng gurang mong manager dahil late ka na."

Kinuha nya mula sa asawa ang duffel bag na naglalaman ng extra netong mga damit at iilang gamit, binitbit nya ito na para bang nakasukbit sa likuran nya habang nakapamulsa sa pants tsaka sila sabay na naglakad patungo sa loob ng gusali.

He scratched his head, "Ang tagal mo kasing maligo sa banyo eh."

"Di mo ko masisisi, nahirapan akong magkuskos ng leeg ko." Maka-ilang beses syang pumalatak, "Sa tindi ng kamandag ng laway mo kumapit ng husto sa balat ko, tsk."

Pumula naman ng husto yung mukha ni Eren matapos maalala yung tumulo nyang laway kanina, hiyang-hiya sya eh, hindi nya din alam kung bakit ganon yung laway nya eh, minsan naman eh hindi ganon yung amoy kaso grabe yung kanina, kala mo bomba.

"Grabe ka naman saken!" Namumulang anya matapos nilang pumasok sa loob ng elevator.

"Oh bakit? Totoo naman eh." She scratched her nape while looking at the ceiling of the elevator, "Damn, Eren, kumakain ka ba ng tae habang tulog?" Anya na para bang kunsumidong-kunsumido sa lalake habang nanlalaki naman ang mata ng kausap.

"Ang salbahe mo! S-sinong kumakain ng poop!?"

"Ikaw."

"H-hindi ako kumakain ng p-poop!" He squinted his eyes, "I-ikaw nga dyan eh kapag tulog ano eh... a-ano..."

"Ano?" Hamon nya.

She crossed her arms under her breast and leaned her shoulder while staring at her husband, Her eyes are now filled with confusion and amusement because of the guy's reaction. Halata kasing nag-iisip ito ng ipang-aasar sa kanya pabalik, kundi ba naman isip-bata.

"Ano..." Nilaro nya ang mga daliri habang nag-iisip ng pang-rebat.

"Ang tagal naman."

"Teka lang kasi nag-iisip pa ko!" Kinamot nya yung ulo nya, "Ah! Nag-fa-fart ka habang tulog!"

"Narinig mo?"

"Oo!"

"Oh eh ano naman? Normal lang yon."

"Mabaho po yung fart mo!" Conyong sabi nito, may tono pa sa dulo.

"Talaga?"

"Talaga!"

"Talagang-talaga?"

"Talagang-talagang-talaga!"

"Ambaho naman ng laway mo." Biglang banat nya na ikinabilog n mata ni Eren, malamang lalong nahiya.

"Jhayrein!"

Umangat yung sulok ng labi nya, "Amoy tae."

"Ano ba!"

"Oh ano? Napikon ka!?" Sarkastiko nyang anya bago malakas na tumawa, "Gago wag kang mapikon dahil di naman kita inaasar, sinasabi ko lang yung totoo."

Sumingkit muli yung mga mata nya, tila isang batang nagmamaktol, "Ang sama mo talaga."

Vixen 2: The Superstar (RAW)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang