Chapter One

156 2 0
                                        

Tila maririnig ang mga tunog na parang may inilalapag na gamit sa kama, at sa kwarto makikita ang isang lalaki na nag-iimpake ng kanyang mga gamit at inilagay ang mga damit at iilang gadgets niya sa kanyang maleta, at ng masiguro na niyang nailagay na niya ang mga kailangan niyang dalhin, napaupo siya sa kama sa pagod. Ito ang bente-anyos na lalaki na si Steven Dimaculangan, at kahit na tumatagaktak ang pawis sa kanyang mukha, makikita pa rin dito ang kasikigan niyang mukha at kayumanggi niyang balat na namana niya sa kanyang ama. Namana niya ang makapal na kilay sa kanyang ama at labi nito, pero namana naman niya ang mata at ilong ng kanyang ina. Ang tanging di niya namana ay ang kaputian nang kanyang ina. Tila bumagsak na ang kaninang mataas niyang buhok, epekto na rin dahil sa pawis. Makikita sa kanyang kwarto na madilaw na dingding ang mga nakasabit niyang mga litrato mula noong kabataan hanggang sa kanyang pagka-binata, at sa kahoy na estante makikita ang mga medalya at trophy na napanalunan niya sa napasukan niyang paaralan sa larangan ng sports, mahilig kasi siyang mag-basketball, at sa gitna niyon ay naka-display ang kanyang portrait at diploma at galing iyon sa eskwelahan na pinagtapusan niya ng kolehiyo. Graduate siya sa isa sa mga pinasukan niyang unibersidad sa Maynila sa kursong Business Management, iyon ang napili niyang kurso para tulungan ang kumpanya ng kanyang ama. At iba ang pagkakaayos ng kanyang gamit sa kanyang kwarto, organize na organize at nakalagay ang mga ito sa dapat nitong lugaran, iba siya sa mga ibang kapwa niya lalaki na burara sa mga gamit at kung saan-saan pa ito nakakalat. Siguro dahil sa anak-mayaman siya at nag-iisang anak ng Dimaculangan, at simula noong maliit pa ay tinuruan siya ng magulang niya na maging organize sa mga gamit at tinuruan siya kung paano mag-ayos ng gamit mag-isa. Kaya pag magulo ang kanyang gamit ay siya ang nag-aayos nito at naglilinis kahit na may katulong sila sa bahay

Nag-impake siya ng gamit dahil may plinano silang magkakaibigan bago sila grumadweyt ng kolehiyo na magbakasyon sa resthouse ng Tita Melissa niya, at syempre hindi niya makakalimutan ang kanyang pinsang-buo na si Bruce Caraig, close sila nito dahil na rin sa magkapatid ang mga nanay nila.

At ng makapag-pahinga na ng saglit ay inilapag na niya ang maleta sa palapag mula sa kama at itinayo ito sa tabi ng cabinet, at saka kinuha ang cellphone niya at di-nial ang number ng kanyang tatawagan at nilapat na ito sa kanyang tainga, mga ilang saglit lang,

"Hello Chloie, yung mga dadalhin mong gamit naihanda mo na ba?" tanong niya sa kanyang kausap.

"Oo, hinanda ko na rin pati yung mga softdrinks at yung coleman na dadalhin bukas, eto nga nailagay ko na yung mga damit ko, halos lahat inilagay ko na. Hanggang kailan ba tayo magbabakasyon doon?" sunud-sunod na tanong ng husky na boses ng babae sa kabilang linya.

"Mga isang linggo tayo roon, buti at naihanda mo na, siguraduhin mong wala kang maiiwan na kailangan mo ha! Tsaka tawagan mo na rin yung iba pa nating ka-tropa ha!" bilin niya.

"Yan kasi eh, bakit kasi sa resthouse pa tayo magbabakasyon? Pwede naman tayong magbakasyon sa resort pwede tayong mag-enjoy at maligo doon! Eh sa resthouse ano naman gagawin natin dun? Kakaboring naman dun eh." reklamo ng kaibigan niya.

"Yun nga eh, kung alam mo lang gusto ko ngang maligo sa beach eh, sayang ang init pa naman, summer pa naman ngayon, kaso my dad won't allow me kasi sabi niya pagkatapos ng bakasyon natin pupunta na ako sa opisina niya para mag-work. Piece of advice din niya iyon para rin sa inyo ang bakasyon na iyon para makapag-isip isip kayo ng maayos. Well you know, job hunting" Sabi niya na may paghihinayang, mabait naman ang daddy niya at hahayaang gawin anumang gusto niya pero sa sitwasyong ito, kailangan na niyang magtrabaho sa opisina pagkatapos ng bakasyon dahil nagkakaroon ng problema ang kumpanya ng daddy niya at siya lang maaasahan nito para makatulong sa magulang niya.

"Oo nga pala may problema na pala ang kumpanya ng daddy mo sa ngayon, siguro dahil graduate ka na ng college eh kailangan mo na siyang tulungan diba, ganun din sitwasyon ko ngayon, pagkatapos ng bakasyon maghahanap na ako ng trabaho, medyo may problema rin dito eh." Ang kaninang husky na boses na kausap niya ay tila nang-liit.

Twin X (On-Going Editing)Where stories live. Discover now