CH-6

206 8 0
                                    

CHASING HIM-CHAPTER SIX

"Sunduin mo 'ko mamaya ah!" bilin ko kay kuya ng makababa ako ng kotse,It's Monday vibes again.

"Kelan ba hindi kita sinundo?" at talagang naisip mo pang itanong sakin yan.

Inirapan ko ito at nagmamadaling pumasok nalang sa loob ng University,Nakatungo ako habang  naglalakad dahil sa awkward ng mapansin kong hindi nila maiwasang tingnan ako habang naglalakad.

"infairness bagay sa kaniya yung shorthair!"

"Gumanda siya lalo."

"Ang ganda pala neto!"

I don't know who are they talking about basta nalang ako naglakad habang nakatungo.

"Hi Ash!" nakakapanibago ang pagbati nila sakin ngayon,ngayon lang kasi nangyari to sakin.

"Ashthrine!" Napapakunot noo nalang ako kapag tinatawag nila ako kahit hindi ko naman sila kilala kaya ngumingiti nalang ako ng tipid para hindi naman nila sabihing snobber ako.

Hanggang sa makarating ako sa Classroom ay ganoon ang scenario,kahit mga kaklase ko ay natigilan ng makapasok ako sa loob at tiningnan nila ako na para bang isang bagong estudyante.

"Hala te!" naunang lumapit sakin si Mars at hinawakan ang buhok ko, "Ay taray shorthair." nakangiting sabi nito habang hinahaplos-haplos ang buhok ko, "May transferee?" tumigil ako sa pag-aayos ng bag ko ng marinig ang sinabi ni Lexi na kakarating lang at agad na dumiretso sa upuan niya at inilapag ang bag.

lumapit ito kay Yvonne na wala rin sa sarili saka nagtanong rito,"Wala pa si Ash?"ampota ako ba tinutukoy niyang transferee at hindi niya 'ko nakilala?

"Why searching for me,darling?" taas kilay na tanong ko habang nakatitig sa kaniya.Hindi siya makapaniwala habang nakanganga at titig na titig sakin.

Lumapit ito at hinawakan ang pisngi kong namumula, "Ikaw ba 'yan?" Inirapan ko ito sabay hampas sa braso. "Ay hindi te!" iniyakap nito ang kamay sa braso ko. "Nakakainis ka!ang aga-aga ang ganda ganda mo!" Pinasadahan ko silang lahat ng tingin matapos iyong sabihin ni Lexianei. "Required bang sa gabi maging maganda?" Pagbibiro ko sa kanila pero parang walang nangyari,Ampotek nakakahipnotize naba kagandahan ko ngayon?

"Sobra ka te,Ba't ngayon mo lang nilabas yang ganda mong yan?" may pagpalo pa si Juvins na akala mo naman ay close kami.

"I'm sure ikaw yung pinag-uusapan kanina nung dumaan ako---ganda e!" sabi ni lexi sakin na agad lang nginusuan ko.

"Girl,May naghahanap sayo sa labas oh!" turo ni Yvonne sakin,Agad akong tiningnan ni Lexi ng may panunukso ng makita kung sino iyong naghahanap sakin sa labas.

"Iyon yung Basketball Captain ng buong University diba?" Tanong ni Mars.

"Tingnan mo nga naman,dati naghahabol kalang sa taong dika gusto ngayon may naghahabol narin sayo," hinampas ko si lexi sa braso, "Sira!magkaibigan lang kami." nagpaalam ako sa kanila bago ko nilabas si Cedrix labas.

"What's brought you here?" tanong ko,Hindi nakatakas ang tingin ng mga kaklase kong nakasilip lahat sa bintana para panoorin kami ni Cedrix.

"Nice," sabi nito sakin. "Nice ka dyan." isinandal ko ang likod ko sa railings habang magkatapat kaming nag-uusap.

"You look good today,Hindi na ako magtataka kung marami akong haharanging manliligaw mo!" hinampas ko ito sa braso, "Sinasabi mo dyan,Hindi ako magpapaligaw no!"

CHASING HIM (DEL RIO SERIES #1)Where stories live. Discover now