CH-36

135 2 0
                                    

CHASING HIM- THIRTY SIX

//Slight Spg//

Nag-angat ako ng tingin ng magring ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa sa gilid ko. Nasa harap ko si Mama at Papa habang kumakain kami ng breakfast, katabi ko naman si Kuya na agad ding tumingin sa cellphone ko na nagriring.

Masama akong tinitigan ni Papa, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, wala na akong maisip dahil kitang-kita na sa cellphone ko tumatawag si Chase. Then there's kuya again to save me He suddenly grabbed my phone quickly, "This call is for me.." tatayo na sana siya ng magsalita si Papa. "Ako ba pinagloloko niyong magkapatid?" wala akong nagawa kundi ang tumungo, Galit ang mga mata ni Papa at handa na kaming pagalitan ni Kuya.

"Pa, I inserted my card here earlier walang signal sa phone ko at kailangan ko pang ipaayos ang simcard carrier ng sakin kaya Ininsert ko sa cellphone ni Ash and that's why Chase call me here in Ash's phone also.." napakurap-kurap ako ng mata dahil sa sinabi ni Kuya. I don't know If Papa will going to believe us pero sana naman maniwala siya.

"Why didn't you inserted that one to my phone?" tanong ni Papa.

"Aalis ka diba?May meeting ka with the Investors mamaya?Hindi ko rin magagamit iyon kung dadalhin mo ang cellphone mo." Napapikit ako at hindi alam ang gagawin. Kuya lied to save me.

"to your mom?" lumingon si Papa kay Mama.

"Nasa taas iyon, lowbattery nakacharge pa." umiwas ng tingin si Mama.

"Importante ba 'yang tatawag sayo at kailangan mo pang ilagay sa kapatid mo?" Kuya nodded.

"That's my manager, I'm waiting for him to call me back para sa scheds ko..and para sa graduation ko tomorrow. Chase just gonna invite me to his graduation party later kaya siya tumatawag."  mukhang kumbinsido na si Papa kaya tumayo na ito, "siguraduhin mo lang dahil kapag nalaman kong nagkikita ang dalawang 'yan, pati Ikaw malalagot sakin." sabi ni Papa at nagtungo sa Living Room.

Nabalot ng katahimikan ang buong Dining ng dahil sa nangyari. Napalunok ako, that was close.

Isang buwan ng muli ang lumipas at Araw na ng pagtatapos ni Chase, bukas naman ang kay Kuya.

Hindi ko siya nasundo sa airport kahapon dahil nagday-off si Papa at maghapon siyang nakabantay sa loob ng bahay, ayaw niya akong payagan lumabas lalo na ng malaman niyang nakabalik na si Chase ng Pilipinas. I don't know if paano ako makakalabas ngayon para pumunta sa graduation party ng boyfriend ko at simula kahapon ng dumating siya ay hindi pa kami nagkikitang muli.

Umakyat ako sa kwarto ko, hindi mapakali. Dapat ay naroon ako at napapanood ko kung paano siya magtatapos, I should be the one who was there When He take his diploma but Where I was rightnow?.

Paikot-ikot ako sa kwarto ko habang nakasapo sa noo, biglang may kumatok kaya binuksan ko iyon agad. "Kuya." He give back my phone at nakatingin lamang ako roon. "Magbihis kana, Aalis si Papa mamaya for his meeting I'll take you to Gonzales Mansion." nagulat man ay tumango ako agad at naghanap ng masusuot.

Walang text si Chase ng ni-check ko ang last text niya lang sakin kanina ay iyong magsisimula na ang ceremony nila at noong tumawag naman siya ay kumakain kami na muntik pang mahuli ni Papa.

CHASING HIM (DEL RIO SERIES #1)Where stories live. Discover now