Sa sinabi niyang iyon ay parang gumaan ang pakiramdam ko. Pero kung matagal na nga niyang alam bakit hindi niya pa ako pinatay matagal na?

"Hindi mo talaga balak na paslangin si Lhian, diba?" He asked kaya bahagya akong nabigla.

"And also that girl. Iyong pinuntahan mo kanina. Hindi ikaw iyong tipo ng taong kumikilala ng kung sino lang. Pero bakit ngayon, may nagbago ba?" At lalo akong 'di nakasagot.

Bumuntong hininga na lamang ako saka nagsalita.

"Ang totoo, ayoko ng si Lory ang mamuno sa lahat-lahat. Napagisip-isip ko ring wala siyang kwenta at lalo na ang pamamaraan niya sa paghahandle ng mafia. At ngayon, tignan mo. Naghahari-harian and I really hate him for that." Napapikit ako dahil naalala ko nanaman ang mukha ni Lory.

"Pero mas demonyo at mas nakakatakot naman si Leandros. Bakit mo naman nasabi ang mga bagay na yan? Come on, tell me the truth 'cause I know you're not the Gaia I used to know anymore."

Nagsukatan lang kami ng tingin at ni wala man lang kumurap saamin. Kahit kailan talaga wala akong maitatago sa lalaking ito.

Since the Salvatores took custody of me and raised me as one of their own there was a time when there was a banquet where I first met Alexander and until then we became childhood friends. His family, the Cross has been an ally to the Salvatores as well.

Ako lang din ang tumatawag sakanya sa buong pangalan niya habang ang iba ay Xander lang ang tawag sakanya. Kaya naman noon pa man sa tuwing may itinatago ako ay madali niya lang nalalaman. Siguro nga ganoon talaga kapag malapit talaga sa isa't isa. Kahit na mailap lang ako noon kung ngumiti ay nandoon lang siya para pangitiin ako. Kumbaga partners in crime kami.

Hindi ako nagsisising nakilala at naging matalik ko siyang kaibigan. Sa totoo lang, siya lang naman ang nakakatiis saakin dahil sadyang mainitin ang ulo ko at iba ako makitungo sa sino man.

"Why a sudden change of heart, Gaia? Matapos ng lahat ng napakaraming ginawa para sayo ni Lorenzo tatalikuran mo siya ng ganun-ganun na lang? Until now he's trusting you kung alam mo lang."  Halata na ang galit sa boses niya pati na rin sa mukha niya. Hindi ko rin maitago ang inis sa narinig mula sakanya. Hindi makapaniwalang umiling ako. Ano bang ipinakain ni Lorenzo sakanya kung kaya't ganoon siya ka-loyal? Ugh!

"Oh come on, Alexander. Alam mo kung paano mag-isip iyong taong iyon. He's just using us for the sake of his own satisfaction. He even instigated a secret killing squad just to eliminate Leandros. Do you think he won't do the same thing to us? Tulad na nga ng sinabi mo kanina na kapag nalaman niya ang tungkol sa pina-plano kong pagtalikod sakanya, walang pag-aalinlangan niya akong papaslangin at sa tingin mo hindi ka niya palalampasin? Alam niya kung gaano tayo kalapit sa isa't isa kaya hindi malayong iisipin niyang may kinalaman ka rin sa ginawa ko. Ganoon kadali na lang niya tayo ididispatya, kapag wala na tayong silbi sakanya. Bare that in mind. "

Sinadya kong patigasin ang pagsabi ko sa huling mga salita para ma-realize niya ng husto ang ibig kong sabihin. Napansin ko ang bahagyang pagbagsak ng mga balikat niya at saka napayuko.

Ni minsan hindi ko naisip na masaktan si Alexander. At kung totoo mang may Diyos, alam niya kung gaano ko siya pinahahalagahan. Sa lahat ng taong nakilala ko nang maulila ako, si Alexander ang pumuna ng lahat ng kakulangan sa buhay ko.

Well I've always respected the Salvatore Family especially Master Leonardo, the late Head of their family and the father of those two, Lhian and Lory. Now that he's dead, I just thought that there's no reason for me to stay with them. I couldn't  stand looking at that terrible Lorenzo to be the new head of that family.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now